THG: Chapter Twenty-ThreeXylean Xin Lee
Papikit pikit ang talukap ng aking mga mata dahil sa antok at puyat.
"'Yung totoo? Nakatulog ka ba?" Dinig kong sarkastikong sabi ng katabi ko.
Kahit antok na antok ay nilingon ko ito. Halos matawa ako dahil sa mga pasa at blackeye na natamo nito kahapon.
"Ang panget mo pala?" Halos mawala ang antok ko dahil sa kanya.
"Ang ganda mo eno?" Kahit kailan napakasarkastiko niya talagang mag salita.
"Inborn e," tipid kong sambit saka muling ibinaling sa guro naming nagtuturo sa harapan.
Narinig ko lang siyang umalma dahil sa naging sagot ko. Tch.
Nakaramdam ako ng pagkapikon dahil naalala ko kung bakit ako puyat at walang halos tulog.
That fvcking Cedrick! Bigla akong pinatawag ni Professor Presscott kagabi matapos umamin ni Jack o ni Knight. Hindi ko tuloy alam kung anong itatawag ko sa kanya.
Pinagalitan ako ni Professor Presscott dahil sa ilang araw kong pagliban sa hospital. Ibig sabihin hindi inaprubahan ng tukmol. At alam kong si Cedrick ang may gawa non. Tss.
Sa pagkabadtrip ko dinamay ko si Tiffany na hindi ko rin pinirmahan ang permission letter niya sa pagleave. Ayon ang sama ng tingin sakin sa tuwing magkakasalubong kami sa hallway ng hospital. Ha ha.
Kahit ganoon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi sa'kin ni Knight.
Sa loob ng dalawang taon naming naging relasyon ay wala akong kaalam alam tungkol sa kanya. Sa battle arena lamang kami nagkakilala at nagkakasama. Hindi nga namin natry lumabas non e.
Napatingin ako kay Tiffany nang bigla itong bumagsak ang ulo sa desk niya dahil sa hindi na kinayanan ang antok. Napahalakhak tuloy ako.
"Miss Tuazon! Hindi ngayon ang oras ng tulog mo at sa klase ko pa talaga!" Dinig kong galit na wika ni Miss Dalisay.
Wala sa oras na napaangat ang tingin ni Tiffany sa guro naming umuusok na sa galit.
"H-ha?! Sinong natutulog?! Hindi po ako ah!" Napailing iling na lamang ako ng magsimulang magtawanan ang taong nandito. Maliban sa'min ni Kristela na umirap lang sa kawalan.
"Ginagalit mo ba ako, Miss Tuazon?!" Namumungay kong tinignan si Miss Dalisay na salubong ang kilay at galit na galit itong nakatingin kay Tiffany.
"Hala! Hindi nga po ako natutulog!" Naiinis na wika ni Tiffany saka nagcrossed-arms. Napansin ko 'yung katabi niyang si Spade na nakangiti lamang nakatitig kay Tiffany na parang batang damulag.
"At talagang sumasagot ka pang bata ka!" Sabi ni Miss Dalisay saka hinampas ang study desk nung dalawa. Hindi, mas matanda pa sayo 'yan.
"Hindi mo ba ipagtatanggol 'yang parang bata mong kaibigan?" Dinig kong bulong ni Blake.
Ngumisi lang ako, "Hindi na kailangan," matapos kong sabihin iyon ay siyang tayo naman ni Spade at inis ma binalingan ang guro naming biglang laki ang mga mata.
"At gusto mo rin bang mawalan ng trabaho?!" Pananakot ni Spade matapos hampasin din ang study desk nila ni Tiffany. Lagot ka ngayon.
Kita kong napanganga ito sa inasta ni Spade saka tumungo at mabilis na humingi ng tawad kay Spade dahilan para kumunot ang noo nito.
"Bakit sa'kin?" Takhang tanong nito na animo'y natatawa pa.
"Nako po! Pasensya na po Mister Cruz," magalang na sambit nito saka humarap kay Tiffany. Napansin ko pang umirap ito bago humingi ng tawad. Tch.
BINABASA MO ANG
The Heiress Gangster [COMPLETED]
ActionWhat is the genre of this story? Is it Action or Romance? Who is the real Protagonist and the Antagonist? The Girl or the Boy? Who is the real heir in this story? Okay, just kidding. Let me answer the all questions I've asked. First, you will know...