Chapter Forty-FourXylean Xin Lee
Bigla akong napabangon at napaupo sa isang masamang panaginip. Hanggang ngayon habol habol ko ang aking hinihinga. Akala ko totoo. Parang totoo.
Ngunit panaginip lang pala.
Napalingon ako sa bedside table ko para kunin ang telepono ko at icheck ito.
3am, April 04, 2008
Naalala ko si Blake sa panaginip ko. Napahimas ako sa aking tyan, habang inaalala ko ang aking panaginip. Hanggang ngayo'y tila kabisado ko pa rin ang bawat pangyayari ron. Ramdam ko ang tuwa at saya sa puso ko nung muli kaming naglapit ngunit sa huli ng aking panaginip ay sobra sobra akong nasaktan. Kinakabahan ako. Mangyayari kaya iyon ngayon? Napabuntong hininga ako at tumayo upang bumaba.
Nang makalabas ako ng aking kuwarto ay madilim ang pasilyo hanggang sa ako'y makababa ay madilim pa din, naglakad ako papuntang kusina upang makainom at kumalma dahil sa napanaginipan ko kanina. Sobrang kabado pa din ako hanggang ngayon.
Pagkabukas ko ng pinto ng kusina ay bigla na lamang may nagpaputok at kasabay non ang pagbukas ng mga ilaw sa kusina. Oo madaming ilaw sa kusina ko.
"HAPPY BIRTHDAY!!!" Sabay sabay nilang bati, teka bati ba o sigaw? Pero sa kauna-unahan ay nginitian ko sila at nagpasalamat. Tsk, at talagang mga nakabirthday hat pa silang apat at pinanggigitnaan nila si Kristelang may hawak na Cake.
Natawa naman ako ng bigla silang napatitig sa'kin tila ayaw maniwalang ngumiti ako at nagpasalamat sa kanila. Ganon ba ako ka-snob?
Biglang kumalamlam ang tyan ko dahil sa mga hinanda nilang pagkain. Tila sa byong buhay ko bigla akong nagcrave ng pagkain at sinaktuhan na isa rin yun sa mga nakahandang pagkain. Gutom na ang alaga ko sa tyan.
"Tss, nagabala pa talaga kayo," Nakangising sabi ko sa kanila at umupo sa isa sa mga upuan sa dining area. Medyo malaki ang kusina ko dahil magkasama na ang kitchen at dining area dito.
"Hala bumalik na ulit si Xy!" Tila namamanghang sabi ni Janina kina Tiffany Kristela at Asiya. Baliw talaga.
"Kawawa naman 'tong kaibigan namin." naawang tinignan ni Asiya si Janina at niyakap ang ulo nito at hinimas himas na para bang awang awa ito dito. Kaya bigla akong humalakhak.
Gulat naman silang apat na tinignan ako, "Bakit?" kunot noong tanong ko sa kanila. Sabay sabay naman silang nagsiilingan.
Nagsimula nakong magsikukuha ng pagkain nang magsiupuan na sila matapos ilipat ang mga pagkain sa mesa at yung cake at nilagay nila sa gitna ng mesa. Bigla namang tinapik ni Tiffany ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Bigla itong napaatras sa takot.
"H-Hindi mo pa binoblow yung cake at nagwiwish," sabi ni Tiffany kaya bigla akong napatingin sa itaas at binalik sa kanya ang tingin sa naging dahilan nya.
Tumayo naman ako at lumapit sa cake, mabilis ko 'tong hinipan at bumalik sa upuan ko. Nakanganga naman nila akong pinagmasdan tila naiiling nalang sa pagkawalang alam ko sa mundo. Ang iba sa kanila ay napaface-palm pa. Aba't talagang.
Nagsimula na kaming magkuhaan ng biglang humirit na naman si Tiffany, masasapak kona 'tong babaeng 'to eh.
"Hep! Hep! Pray muna!" Sigaw nya. Anong problema nito eh hindi naman namin ugaling magpray kapag nakain.
"Tss," singhal ko na lamang dahil sa gutom na gutom na'ko.
"At ikaw ang magprapray dahil Birthday mo," Ngiting ngiting sabi ni Tiffany kaya napabuntong hininga kami.
Sabay sabay naming tinungo ang aming mga ulo at pumikit, naiilang naman ako habang nagsasalita dahil sa hiya at di pagkasanay.
"L-LordGod, W-We thank you for the b-blessings a-and L-Lord b-bless this food as we eat, I-In J-Jesus name," ilang na ilang na pagkakasabi ko.
"Amen!!!" sabay sabay naming sabi at nagsipagunahan na sa pagkuha ng mga nakahandang pagkain.
Kumuha ako ng Italian spaghetti, macaroni, lasagna, pizza, burger, chicken wings at carbonara. Grabe ginutom ako ng sobra. Napatingin ako sa kanila na may gulat na gulat na tingin.
Ano na naman?
"Ang takaw nito, kala mo mauubusan!" tawang tawa na sabi ni Tiffany sa'kin.
"Kaya nga ang chubby na ni Xy ih," komento naman ni Janina. Gulat ko itong tinignan at biglang napatingin sa mismong katawan ko.
Halata na ba?
"Yes bitch, buntis ka ba?" mataray na pagtatanong ni Kristela habang nakataas pa ang isang kilay.
"Baka nga maunahan mo pa 'ko," ganti ko. Napaismid naman siya at sinamaan ako ng tingin.
"Oh, tama na yan mga dudes! Picture muna tayo sa Instax ni Janina!" Biglang sabat ni Asiya habang hawak hawak ang isang pink na camera na naglalabas ng Polaroid. Mabilis itong pumuntang harap at itinaas ang camera ni Janina.
"Oh guys! Compress compress!" at nagdikit dikit kami at pilit na umaabot upang makita lang sa camera. Ngumusi naman ako.
Click!
"Astig!" masayang sabi ni Asiya at agad kinuha yung lumabas ng polaroid at pinaypay 'to para lumabas ang imahe.
Ngayon ko lang napansin ang mga kaekekan na dekorasyon sa paligid. Sobra pala talaga silang nageffort pwera sa mga pagkaing mga nakahain dahil halatang pinadeliver lang nila dahil hindi naman sila marurunong magluto.
"Bakit hindi nyo pala ininvite yung mga kumag?" biglang tanong ni Asiya habang kumakain kami. Biglang bumalik ang atensyon ko sa kanila at natigil ang pagobserba sa paligid.
"Uyy, gusto mo lang makita si Henry eh," pangaasar ni Tiffany kay Asiya.
"Hoy manang, tigilan mo'ko sa epalogs na 'yun 'no!" nagtawanan naman kami dahil halatang nagpapalusot lamang ito dahil iba ang sinasabi ng mukha nya. Pulang pula ito at halatang hiyang hiya.
"Psh, bakit kasi hindi pa sagutin, patomboy tomboy pa kasing nalalaman. Bitch. Oops, lalake ka nga pala, should I call you a Jerk narin?" pangiinis naman ni Kristela sa kanya. Pulang pula na tumayo naman si Asiya at inambahan sya ng suntok sa pagkapikon. Dinilaan lamang siya ng Kristela kaya't mula na naman kaming nagtawanan.
"So, Bakit nga ba wala ang mga Jerks dito?" takang tanong din ni Kristela sa kanilang tatlo.
"Kasi nga ho, nalimutan ko ho, kase hindi nyo rin naman pinaalala dahil busy tayo magkalat sa kusinani Mayora," blangkong pagpapaliwanag ni Tiffany sa kanilang tatlo at malakas na bumuntong hininga sa kanila.
Kumuha naman ako ng tubig at uminom.
"Ikaw Xy, Okay na ba kayo ni Blake?" biglang tanong ni Tiffany, kaya sa gulat ko bigla kong nalabas ang iniinom ko sa kanila. Nakangiwi ko naman silang tinignan habang masasama naman ang tingin nilang apat sa'kin. Sinimulan ko ng takpan ang dalawang tenga ko at kasabay non...
"XYLEAN!!!" -Tiffany
"DUDE NAMAN! WTF!" -Asiya
"Xy naman ih!!" -Janina
"Die now Bitch!" -Kristela
'Sana hindi na matapos ang umagang 'to.'
BINABASA MO ANG
The Heiress Gangster [COMPLETED]
AksiWhat is the genre of this story? Is it Action or Romance? Who is the real Protagonist and the Antagonist? The Girl or the Boy? Who is the real heir in this story? Okay, just kidding. Let me answer the all questions I've asked. First, you will know...