THG: Chapter FifteenBlake Scott Imperial
Maaga akong nagising dahil ayokong malate ngayon at ginaganahan akong magpapogi.
Mabilis akong naligo at dumiretso sa walk-in closet ko.
Agad kong kinuha at sinuot ang itm kong slacks ng uniform. Ngayon palang kasing sinabing pwede ng maguniform.
Sinunod ko ang long sleeve kong white polo at mabilis na binotones ito.
Habang sinusuot ko ang black tie ko ay narinig ko ang pagbukas ng kuwarto ko at mga yabag na papunta sa gawi ko. Hindi ko na lamang pinansin at pinokus na lamang ang pagsuot ng black tie ko. Paulit ulit ako dahil hindi talaga ako marunong.
Hanggang sa may narinig akong halakhak kaya napatingin ako dito. Si Ate Xyra pala, 'yung asawa ni Kuya Blade.
"Ate Xyra, ikaw pala," sabi ko saka ngumuso.
"Haynako, kailan ka ba matututo ha?" Sabi nito sabay lapit sa 'kin at siya na ang umayos nitong black tie ko. Pinanood ko lamang siya.
"Ganito kasi oh," sabi nito at dahan dahan lang ang pagbuhol niya sa neck tie ko.
"Para kang kuya Blade mo, hindi rin siya marunong eh," pagkukuwento niya. Napairap ako.
"Marunong 'yon, pabebe lang," Pambubuko ko. Bigla siyang napasimangot kaya kapahalakhak ako.
"Ganon? Lagot sa 'kin 'yun paguwi niya," sabi niya.
"Didn't you miss your family?" Biglang tanong ko, dala ng kuryusidad. Bigla naman siyang natigilan at nalungkot. Babawiin ko na sana ng sumagot siya.
"Syempre oo naman 'no! Mas pinili ko kasi si Blade noon," pagkukuwento niya,"Alam mo na long story... Ayan tapos na!" Sabi niya kaya't natingin ako sa neck tie ko. Tapos na nga kaya nagpasalamat ako at umalis na siya.
Napailing iling pako habang nakangiti, "Tsk! Forbidden Love, huh?"
Sinuot ko na ang Black & Grey kong Vest na may logo ng IU saka nagsapatos na.
Nang matapos ako sa pagaayos ay kinuha ko na ang itim kong Bag saka bumaba na at dumiretso sa Dining Room para magbreakfast.
Sinalubong ako ng mga ngiti ng mga maids at iginaya ako sa mesa at naupo. Nakahanda na ang pagkain kaya kumain na 'ko.
Habang kumakain ay chineck ko ang phone ko at nagonline. Maaga kasi ako nakatulog kagabi e.
Biglang laki ng dalawang singket kong mata nang makita ko na inaccept ang friend request ko ni Xylean Xin.
Agad kong clinick ang Profile niya. Napaface-palm ako nang puro firce at ngisi lamang ang mga pose nito sa pictures niya.
Inistalk ko pa ang iba pang mga post niya. Aba famous rin pala ang isang 'to. Daming likers ah?
Kakascroll up ko ay biglang napindot ko ang react na puso sa isa sa mga pictures niya. Bigla tuloy akong nataranta at di ko alam kung babawiin ko ba. Nabuga ako ng hangin. Ang bakla ko na.
"Wag mong bawiin bayaw, baka isiping defensive ka," Tama wag nalang. Teka? Bigla akong napalingon sa kakaupo lang na si ate Xyra. Tsk!
Agad kong binulsa ang phone ko. "Maganda ah? Kamukha niya kapatid ko, hm..." napataas ang isang kilay ko.
"Really?" I asked.
"Yap," she answered, "but she's too gorgeous," pagpatuloy niya kaya napahalakhak ako saka tinuloy na lamang ang pagkain.
Nagpaalam na 'ko saka dumiretso sa garahe. Nang makaratin ay agad na'kong dumiretso sa bagong linis kong itim na motorsiklo. Sa lahat ng motor ko ay ito ang pinakamahal at paborito ko at ito ang madalas na nagpapanalo sa 'kin sa tuwing nangangarera ako.
Napangisi ako saka sumakay dito at sinuot ang mamahalin kong itim na helmet saka inatras palabas at pinaandar ng mabilis. Buti na lamang automatic ang pagbukas ng malaking gate namin dahil baka masira ko 'to kapag tao ang nagbukas.
Halos 10 minutes lamang ang naging byahe ko papuntang IU. Malapit lapit rin naman dito e.
Agad akong nagpark sa spot ko. Ha! Buti wala iyong babaeng 'yon, panigurado aagawan nanaman ako. Tsk!
Nagheadphone ako saka nakamulsang naglakad papasok ng campus namin. Haaay, buti nalang wala na 'yong pasa ko sa kanan kong mata. Tsk! Mukha tuloy akong nanghiram ng isang mata sa panda.
Habang naglalakad ako ay syempre hindi maiiwasang mapagusapan. Napangisi tuloy ako.
Sinadya ko pang ilagay ang kabilang parte ng headphone ko sa may gilid ng tainga ko para marinig ko ang lahat ng compliments.
"Bessy! Bagay talaga kay Blake 'yung uniform natin ano? Hihihihi"
"Hala oo nga eh! Lalo siyang pumogi! Waaaah!"
"Hays! Kalahating ligo lang naman ang lamang sa 'kin nyay pre e!"
"Edi wow pre! Hahahaha!"
"Nandyan na siya!"
"Sino ne?"
"Sino be?
"Si Baby Blake! Hihihi!"
"Bagay sakanya 'yung uniform beh! Lalo tuloy akong nainlove hihihi!"
"Korek ka dyan gurl!"
Tsk! Tsk! Tsk! Haaay mga babae nga naman mapalalaki rin. Tsk! Lakas talaga ng karisma ko eno.
"Ha ha, Ganyan talaga paginborn na ang pagiging gwapo."
"Ha ha, Ganyan talaga paghambog eno?"
Gulat akong napalingon sa tabi ko. Si Xylean Xin has arrived. Napangisi ako as usual yung mukha nyang walang emosyon na walang buhay. Daig nya pa zombie e.
Inilapit ko ang mukha ko sakanya. napangiwi itong umatras.
"Boi, layo layo din. Nakakatrauma," bagot nitong sabi.
Aba't talagang siya pa angnagsisi ha?!
Biglang nagsalubong ang kilay ko,"Gumusto mo bang pumusta?" Pangaalok ko ng laro.
Bagot lamang niya kong tinignan na parang sinasabing wala siyang pake. Tsk! Napakahambog talaga! Tsk!
"Ayyyyish! Ok ganito! In 12 hours, Kapag sumuko kana sa pangbubully sa 'yo ng mga studyante dito, you'll be mine," panghahamon ko.
Napataas naman ang isang kilay niya, "Kapag hindi?" Sumingkit ang mata niya. Ha ha ang cute naman ng future girlfriend ko.
"I'll be your slave then," I answered.
Napataas ang sulok ng labi niya saka napalingon muli sa gawi ko.
"Kol."
BINABASA MO ANG
The Heiress Gangster [COMPLETED]
AçãoWhat is the genre of this story? Is it Action or Romance? Who is the real Protagonist and the Antagonist? The Girl or the Boy? Who is the real heir in this story? Okay, just kidding. Let me answer the all questions I've asked. First, you will know...