THG: Chapter 41Xylean Xin Lee
"Hindi ka pa rin ba pinapansin?" Napalingon ako kay Tiffany nang tanungin niya ako. Umiling lamang ako bilang sagot at napatingin sa ibang direksyon. Narinig ko lamang syang bumuntong hininga.
Nahagip ng mga mata ko si Asiya na panay ang takbo habang nakataas pa ang kanang kamao at nakita kong si Henry pala ang hinahabol nito na walang ginawa kundi ang pagtawanan siya at dilaan habang natakbo ng mabilis. Napailing iling na lamang ako, mga isip bata. Tsk.
Nang tignan ko sila Cloud at Janina ay nagtatawanan naman ito at mukhang nagkwekwentuhan habang kumakain at nagsusubuan. Malalandi. Tsk.
Bigla akong napangisi ng hanapin ng mga mata ko sila Kristela at Ethan. Sa lahat nang nandito ay ito lamang dalawa ang inaabangan ko. Nawala ang ngisi sa labi ko nang makita kong nakangiti ito sa isa't-isa at mukhang nagkakatuwaan sa kalokohang ginagawa nila. What's that? Pinky promise? Tsk.
"Hey.. Stop looking around and comparing yourself to them," Bigla akong napatingin kay Tiffany na nasa tabi ko. Tinignan ko ito nang may blankong mukha.
"I'm not comparing," Kalmadong sabi ko at napatingin kay Blake na tahimik at hindi pinapansin ang nangungulit na si Casey. Tsk!
"Eh, ano lang? Nagmumukmok? It's been 3 months already Xy, hindi pa ba kayo maguusap? Magkatabi nga kayo pero parang pareho naman kayong parang patay sa sobrang tahimik sa sobrang walang imik sa isa't-isa! Ghad! Kinikilabutan ako sa inyo eh! Para syang boy version mo, pagpinagtabi kayo," Mahabang sabi niya na parang stress na stress sa mga nangyari. Tinignan ko lang siya ng blanko at binalik na lamang kina Blake ang tingin ko.
"Bukas na ang Birthday Party mo, iimbitahan mo ba siya?" Napabuntong hininga na lamang ako.
"Ayoko ng gulo," seryosong sabi ko sa kanya.
"Bakit may mangyayari ba bukas kung pupunta siya?" Tanong niya na naging dahilan ng pagkabog ng puso ko dahil sa kabang bigla kong naramdaman.
"Maaaring meron, maaaring wala," Kunot noo kong sagot sa tanong niya.
"Then, invite him! Kasama naman namin siya and wag kang magalalala, proprotektahan namin siya gaya ng gusto mong mangyari," nakangiting sabi niya at kinindatan pa ako.
"Para namang gusto niyang pumunta," Nakangisi kong sabi nang ikinagulat niya, "And besides, there's no reason for him to come! He's already engaged to Casey."
Narinig kong muli siyang bumuntong hininga, "Alam naman nating hindi niya mahal ang pinsan ni Jack at mukhang napipilitan lang siya dahil sayo."
"Paanong dahil sa'kin?" biglang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ano ka ba? Syempre para magpaselos! Alam naman nating ikaw pa rin ang gusto niyan at nagpapabebe lang."
"Tss.. Tigilan mo'ko."
"Parang ikaw, pabebe," Pangaasar niya pa. Inis ko naman siyang tinignan. Nagpeace-sign lamang ito at ngumiti ng malaki.
"Honey!" Sabay kaming napalingon sa sumigaw na'yon. Seryoso ba siya sa tawagan na iyon?
"Uy! Si Spade-Honey ko pala! Hihi! Pano ba 'yan? Mauna na ako ha? Sabay daw kami bibili ng susuotin para bukas eh!" kinikilig na sabi ni Tiffany habang nagpapacute pa sa'kin dahil sobrang nangangati nang makalayas sa tabi ko. Tinanguan ko lang siya habang may ngiwi sa 'king labi.
Nang makarating siya kay Spade ay agad niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi kaya biglang lumaki ang ngiti ni Spade dahil sa ginawa ni Tiffany sa kanya. Tanda tanda na humaharot pa din.
"Una na kami, Xylean!" Paalam ni Spade sa'kin at tinanguhan ko lamang sila at pinanood silang umalis hanggang sa nawala na sila sa aking paningin. Napatingin naman ako sa gawi nila Blake ngunit wala na ito sa kinakaroon nila kanina.
"Nagsiuwian na sila kaya mabuting umuwi kana rin." Napatingin ako sa biglang nagsalita na nasa harapan ko ngayon. Si Blake..
"S-Sge.." bigla itong tumalikod at sinimulan nang maglakad palayo kaya agad akong napatayo sa damuhang kinauupuan ko.
"B-Blake," mahinang sabi ko. Katamtaman na lakas upang marinig niya. Napatigil ito sa paglalakad at bahagya akong nilingon tila hinihintay ang sasabihin ko.
Napaiwas ako ng tingin at mabilis na nagsalita, "Pumunta ka bukas. It's my birthday." hindi ito umimik kaya't muli pa akong nagsalita, "Gusto ko lamang ibalik dahil noong birthday mo ay inimbita mo rin ako kahit ganito tayo."
Tumango-tango ito at biglang nagtama ang paningin namin ng ibalik ko ang tingin ko sakanya, "Alright," sagot nito at tuluyan nang umalis. Bigla akong napabuga ng hangin at napatingin sa kabilang direksyon.
Ilang minuto muna akong nagpalipas. Hindi ko napansing inabot na'ko ng gabi sa pagtambay dito sa field ng School ni Blake. Tumayo na ako at nagpagpag atsaka nilisan ang lugar na iyon upang umuwi na at matulog na ng mahaba dahil mahaba habang kapaguran na naman ito bukas dahil hindi ko inaasahan ang hinandang party nila Dad para sa'kin. It's so unusual.
Nang makauwi ako ay dumiretso lamang ako sa kwarto at mabilis na nagshower at humiga sa malaki kong kama at tinitigan nang matagal ang kisame bago pinikit ang mga mata ko at tuluyan nang makatulog.
BINABASA MO ANG
The Heiress Gangster [COMPLETED]
ActionWhat is the genre of this story? Is it Action or Romance? Who is the real Protagonist and the Antagonist? The Girl or the Boy? Who is the real heir in this story? Okay, just kidding. Let me answer the all questions I've asked. First, you will know...