THG: Chapter Thirty-ThreeBlake Scott Imperial
Napangiti na lamang ako nang makita kong siya naman ang natulala sa huling sinabi ko bago ko pa maibaba ang tawag. saglit pa akong tumitig bago ko sinuot muli ang helmet ko at sumakay sa motorsiklo ko atsaka ito mabilis na pinatakbo.
ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakarating sa Mansion. Awtomatikong bumukas ang mataas at malaking gate namin. Idiniretso ko ang motor ko sa malaking garahe atsaka pumasok sa Mansion. Agad na bumungad ang hallway pagkabukas ko ng pinto. saglit pa akong lumakad bago muling bumungad ang malawak na sala namin at laking gulat at tuwa ko ng madatnan kong naguusap sila Dad at kuya habang nakatayo!
"Dad!" Para akong batang tumakbo at niyakap si Dad ng mahigpit. Nadinig ko ang malakas na halakhakan nila Dad at kuya Blade.
"Oh, Ang laki na ng baby boy ko, ah," Natutuwang sabi ni Dad nang makalas ang yakap ko sa kanya. Biglang sumama ang tingin ko.
"Tss. Stop calling me that. Binata na'ko." Naiinis kong sabi sa kanila.
"Yeah, may nililigawan na nga eh." Biglang singit ni Kuya Blade saka humalakhak. Biglang lumaki ang mga mata ko sa gulat.
"Pano mo nalaman?" Kunot-noong tanong ko sa'kanya.
"Easy, Kiddo. Hindi ako nagpaimbestiga, swear!" He said while raising his right hand. Tss.
"And you, Dad?" I seriously asked Dad.
"Of course not, iho." Napatango-tango na lamang ako.
Naupo kaming tatlo sa sofa saka nagpatuloy sa pag-uusap. Agad akong tinanong ni Dad tungkol kay Xylean habang ang tukmol kong kuya ay nakangisi lang sa'min. Tss.
"So, tell me about this Girl. Is she Pretty?" Napasimangot ako at napalitan ng ngisi nang maalala ang mukha niya.
"Gorgeous," Nakangising sagot ni Kuya. Tss.
"Wag ka ngang sumabat." Iritang baling ko sa kapatid ko.
"Enough, boys." Agad kaming napatigil at sabay napatingin kay Dad na biglang niluwagan ang itim niyang tie. Sabay kaming napalunok at napatungo.
"Sorry, Dad," sabay naming sabi. Bigla kaming nagkatinginan at malakas na natawa at biglang nagapiran. Nakita lang namin na napailing-iling si Dad habang nakangiti na.
"Kamusta naman ang pamilya ng babaeng iniibig ng aking anak?" Tanong bigla ni Dad. Napasimangot ako, mabuti na lamang mayaman sila Xylean o sobra pa? Bigla akong napatahimik ng marealize kong hindi ko pa siya kilala ng lubusan. I don't know about their family. I just know that she's rich.
"Blake?" seryosong tawag ni Dad sa'kin kaya't agad akong napalingon dito.
"Y-Yes?... Of course, Dad! hm... They're literally rich than us, i think?" hindi ko sure na sabi.
"Hm... maybe i know her Family. Can i know her surname?" Excited na utos ni Dad.
"Lee," masayang sagot ko. Tila biglang tumahimik ang paligid maging ang kuya ko mukhang natigilan. Bigla silang sumeryoso kaya't kuno't noo ko silang tinignan.
"Iho, Do you remember my Business partner's Daugther, Casey Mendez?" Lalong napakunot ang noo ko.
"Yes, Dad," Sagot ko, habang nalilito pa rin. Seryoso lamang akong tinignan ni Dad maging si kuya Blade ganun din ang tingin.
"Date her."
**
Xylean Xin Lee
BINABASA MO ANG
The Heiress Gangster [COMPLETED]
ActionWhat is the genre of this story? Is it Action or Romance? Who is the real Protagonist and the Antagonist? The Girl or the Boy? Who is the real heir in this story? Okay, just kidding. Let me answer the all questions I've asked. First, you will know...