THG: Chapter Four

5.7K 133 3
                                    

THG: Chapter Four

Henry Buenavista

Kasalukuyan akong papasok nang aming Classroom, exclusive just for us which is We're five. Nakita ko si Blake na nakaupo sa kaniyang swivel chair tila ang lalim nang iniisip, dahil sa pagkachismoso ko ay nilapitan ko siya.

Napansin niyang nakatayo ako sa harap ng kaniyang Study Desk kaya't ngumisi ako nang mapangasar, sinamaan lamang niya ako nang tingin kaya't napahalakhak ako.

Marahil nagtataka kayo dahil ang gamit naming dito ay expensive na swivel chair imbis na normal na upuan para sa isang studyante at isang expensive na study desk. Ang VIP room na ito ay para lamang sa 'ming grupo. Noon kasi ay naiirita kami sa ingay nang mga nagiging kaklase namin at nawawalan kami ng privacy kaya't nagrequest si Blake sa Dad niya nang ganitong Classroom para sa 'ming lima lang.

Matapos ko siyang tawanan ay hinila ko ang nakita kong swivel chair malapit sa'kanya at itinabi ito sa upuan niya't saka ako umupo. "Bakit, Blake? Babae nanaman ano?" sabi ko saka tinawanan muli siya. "Ganya kaba kasaya?" rinig kong sarkastikong sabi nito. Haay, kahit kalian napakasarkastiko talagang magsalita ang isang 'to kalalaking tao.

"Oo, teka tatawa uli ako!" sabi ko saka't humagalpak sa tawa. Ramdam kong pikon na pikon na siya at malapit na'kong patulan. Tsk! Tsk! Tsk!

"Gusto mong lumayas dito?"rinig kong sarkastiko niyang sabi na may halong pagkapikon kaya't napalingon ako rito, Nakangisi ito na kita na ngipin. "Tsk! Biro lang boi! Hehe." Sabi ko saka nagpeace sign. Lumapit ako rito saka bumulong, "May nakita ako kaninang chicks par, kaya lang nasobrahan sa yelo!" sabi ko saka umaktong lamig na lamig.

Tinignan ko ang reaksyon nito, nakakunot lang ang noo at tila napaisip kaya't sinabayan ko rin siya. Hmm..

"Nga pala Blake, kelan uwi nang kuya mo?" biglang tanong ko rito kaya't nabitin ang pagiisip niya at nilingon ako. "Tss, ewan.. maybe before my Birthday?" sagot nito kaya't napatango tango ako.

"Sige par, bili muna akong kendi."sabi ko saka ngumisi at kinindatan siya. "Lul mo, sabihin mo matamis na halik!" saka ito sarkastikong tumawa kaya't napatawa rin ako saka siya sinuntok ng pabiro sa braso. Nagigting ang panga niya sa ginawa ko, "Gusto mong gantihan kita?" sarkastikong sabi nito nito kaya't bago pa'ko magantihan ay kumaripas na 'ko ng takbo palabas muli.

Bumili lamang ako sa malapit na minicanteen sa floor naming saka bumalik agad sa VIPC nang maalala kong may mga Assignments kami sa lahat lalo na sa Biology, nako!

Napabuntong hininga muna 'ko saka dinako ang paningin kay Ethan na prenteng prenteng nakaupo sa swivel chair na mukhang may kachit-chat sa phone niyang bulok. "Hoy, Gurang!" tawag ko kay Ethan. Nilingon ako nito na may matatalim na tingin, nagpeace sign ako saka ngumiti ng malaki, "Paaaar~ pakopya, pleaseeeeeeeeeeeeee?" saad ko sa malambing na tono. Ngumiwi lamang siya na tira nandidiri. "Tarantado! Wag ako, Iba nalang!" mabilis na sabi nito saka binalik muli ang tingin sa phone niya bulok talaga.

Iyon si Ethan Mendoza, 18 years old at siya ang President ng SSC.

Tumayo ako saka lumapit sa'kanya. Umangat ang tingin niya sakin nang may nagtatakhang pangit na mukha. Taas baba ang kilay ko siyang tinignan habang ngumiti at mabilis na dinampot ang mga notebooks niyang nasa study desk niya nang makuha ko 'to ay itinaas kong bahagya ang mga ito. "Pahiram muna, ah?" sabi ko at agad bumalik sa lamesa ko para simulang mangopya, narinig ko pa itong nagreklamo pero sa huli ay pinabayaan na lamang ako nung gurang.

Halos maging si Flash na ako sa sobrang bilis kong pangongopya kahit na halos hindi maintindihan ang sulat ko ay wala na akong pakialam, tandaan niyo hindi lahat nang Officer sa SSC ay mga good boy/girl.

The Heiress Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon