THG: Chapter Sixteen

3.1K 78 1
                                    

THG : Chapter Sixteen

Xylean Xin Lee

Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na siya na parang hindi kami nagusap.

haaay! Bakit nga ba ako pumayag sa kamemahan niya? hindi ko rin alam. Maganda rin naman 'yung offer niya kapag natalo siya e.

Iisipin ko palang na magiging slave ko si Blake Scott ay natatawa na 'ko.

Pero iisipin ko palang na magiging girlfriend niya 'ko ay baka basta na lamang ako makapatay.

Being with him? I don't think so.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Okay, 11 and 30 minutes left.

Pakyat na sana ako ng hagdan nang may bumato sa ulo at likudan ko ng itlog. Alam kong itlog 'yun. Masakit e.

Napapikit ako nang mariin at humarap para tignan ang lalaking may pasimuno nito. Nakangisi ito habang nakamulsa na mukhang paakyat na rin tulad ko.

Ngumisi lamang ako saka tinago ang pagkapikon sa lalaking ito.

Bwiset. Buti nalang madami akong pinabiling uniforms. Hays tigpalit nanaman ang ate n'yo.

Tinuloy ko nalang ang pagakyat sa hagdanan nang hindi inaanlintana ang mga pinagbabato sa'kin. Sumasabay pa nga si Blake e. Wala paepal lang.

Nang makarating kami sa pangalawang palapag ay hindi ko inaasahang makakasalubong ko muli si Jack. 'Yung nakabanggaan ko noong nakaraan.

Tumigil kami sa paglalakad nung sumabay sa 'kin. Hinarap ko si Jack. Agad itong ngumiti, "Hi," napatingin ito sa ID ko. Nakapagpapicture na kami nung nakaraang linggo lang din, "Xy---Xin! Hi Xin! Ang cool ah," sabi nito at muling tumingin sa'kin nang may ngiti.

Mabilisan ko ding tinignan ang ID niya baka maghinala ito kung direkta ko agad sinabi ang pangalan niya, "Hi Jack," tugon ko.

Tinignan niya 'ko mula ulo hanggang paa saka muling binalik ang tingin sa'kin, "It suits you," pagbibigay komplimento niya. Napangisi naman ako.

"Well," nasabi ko at natawa naman siya,"You too. Bagay sa 'yo," sabi ko.

"Tsk! Hambog talaga," rinig kong bulong ni Blake na nasa tabi ko. Parehas kaming napalingon dito na nakapamulsa at nakaheadphone pa. Wala namang music. Mema talaga eno.

"Hm, kasama mo?"baling sa 'kin ni Jack kaya napalingon ako dito.

"Ah hindi," bagot kong sabi.

"Ah, Ikaw pala Blake. Musta?" Baling nito kay Blake na nakabusangot. Ampanget.

Nagkunyari pa itong tinanggal ang headphone at napatingin kay Jack, "Ha? Ako ba?" Walang pakeng sabi nito.

"Tss... sungit mo talaga, Bro," nakangiwing sabi nito.

Bigla itong napatingin sa relo niya saka tumingin sa 'kin, "Uh... alis na 'ko ah, my class will be start any minute from now," tipid akong ngumiti saka tumango sa 'kanya. Umalis na siya kaya tinuloy ko na ang pagakyat sa pangatlong palapag.

Nakasunod naman 'yung bully, "Abaa, close kayo? Sapakin ko kaya 'yon," I glared him, saka mas lalong binilisan ang pagakyat at agad lumakad papasok sa VIPCR at dumiretso sa upuan ko. Patakbo naman itong sumunod at umupo sa tabi ko.

Napatingin ako sa orasan ko, 11 hours to go pa. Lintek talaga! Sana hindi na lamang ako pumayag.

Lumipas ang limang oras at break time na namin. Nakabuntot pa rin sa 'kin 'yong prinsipe ng kadiliman.

"Para kang tuta," sabi ko at hinarap siya ng may salubong na kilay. Kasama nga pala mga tropapits niya. Pilay 'yan e.

"Oh, bakit nanaman?" Tanong nito na parang inosente pa.

"Buntot ka kasi ng buntot," sabi ko na tila pagod na pagod na siyang makita.

"Bakit? Ikaw lang ba ang pupunta ng Cafeteria?" Sarkastikong sabi nito. Now, he's back.

"Tch!" Nasabi ko nalang at inutusan 'yung apat na bilisan ang paglalakad.

Nang makarating kami ay agad kaming umupo sa dati na naming inuupuan. Nasa may kabila naman ang mga tukmol.

Nagsitayuan naman kaming apat para bumili ng makakain at naiwan si Tiffany na naglalaptop.

Blake Scott Imperial

Tumayo 'yung tatlo kasama si Xylean. Pinanood ko lamang itong pumila.

"Hyung, di ka ba bibili? Mamaya na 'yan," hindi ko pinansin si Henry at nagabot lang ng pera habang hindi inaalis ang tingin kay Xylean na nakapila.

"Huy!" Tawag pansin nito. Irita ko siyang nilingon.

"Bakit ba?! Nandun na sila Ethan. Sumunod kana don! Nagugutom nako," yamot ko saka tinulak ito paalis.

"OMG! Ano ba kasi 'yan?! Haharas haras kasi eh!" Bigla akong napalingon sa gawi nila Xylean.

Sh!t! Bigla akong nagulat ng tumilapon 'yung tray na hawak ni Xylean at nag sitapunan ang pagkain na binili niya sa uniform niya at nagsibasagan ang mga plato at bowl.

Maarteng kinuha ni Casey ang basong may laman pang juice, "Ohmy! Wait, may kulang," bigla niya itong ibinuhos ang basong may lamang Juice sa ulo ni Xylean.

Bigla akong napatayo habang naiyukom ko ang kamay ko. Naiinis ako dahil parang wala lang sa kanya ang pagtapon nito ng juice. Teka may pakiramdam ba siya?! Bakit ayaw niyang lumaban?!

Nagtagis ang bagang at nilapitan silang dalawa, "Sinong kay utos sa 'yung ibully mo siya?!" Sarkatikong pasigaw kong sabi.

"B-Blake... hindi ba't inutos mo naman ito?" Nauutal niyang tanong. Napaiwas ako ng tingin panandali at binalik muli kay Casey ang paningin ko.

"Pwes, ngayon, ako lang ang pwedeng mangbully sa babaeng ito! Naiintindihan n'yo ba?!" Sarkastikong sabi ko saka hinila si Xylean palabas ng Cafeteria at hanggang sa makarating kami sa malaking field.

Tumigil kami sa malaking puno, hinatak niya kasi 'yung kamay niya mula sa mahigpit kong pagkakahawak.

"Tch! Ang higpit humakmak amp!" Reklamo nito. Natawa naman ako dahil sa lahat ng pwedeng sabihin o kaya magtanong kung bakit ko siya hinila ay nagreklamo lamang siya.

"Ibang klase ka talaga," Sarkastikong sabi ko.

Napaface-palm naman siya, "Bakit moko pinagtanggol?" Kunot noong tanong habang diretso ang tingin sa 'kin.

"Bakit moko pinagtanggol?" Tanong niya sa 'kin habang nakangisi. Inilapit niya ang mukha niya sa'kin kaya gulat ko siyang tinignan, "Gusto mona ko 'no?" Biglang tanong niya kaya irita akong napaatras.

"Hambog ka rin eno?" sarkastikong sabi ko sa'kanya, "Well, inborn e," sabi niya at napashrugged pa.

Napahalakhak ako ng sarkastiko, "Hambog talaga!" Inis kong sabi.

"Tch, Ano suko ka na?" Gulat ko siyang tinignan, nakangisi lamang siya habang wala pa ring emosyon ang mga mata niya.

Napaiwas ako ng tingin, "Alright, I'll be your slave."

The Heiress Gangster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon