Blazie's POV
Alam kong mapanganib eto. Laban ko to kaya meron akong plano.
Kausap ko si Finn sa phone.
"Pag pumalpak kami. Ihack mo system nila at kung hanap nila ang golden plate panigurado hahanapin at hahanapin nila yon. Hack the chip at sa phone ko iconnect para ako ang habulin nila."
[What?!!! Mapapahamak kayo pag ginawa ko yun.]
"Gawin mo nalang sisiguraduhin kong ligtas si Erson. I dont have this attitude in me but, this time trust me."
Yun ang mga salitang binitawan ko bago ko ibaba ang phone.
Lumapit ako sa dalawa.
"Darryl, Erson mag iingat kayo. Pag kayo nakitaan ko ng sugat ako mismo bubugbog sa inyong dalawa. "
"Blaze---"
"Good. Ready na lahat? Ayon kay Finn.",binuksan ko ang laptop at pinaikot para makita nila.. "Nasa mansion sila. Mataas na pader na may bolts. Itatry ni Finn na ihack ang securities nila para mawala ang bolt. And make sure to move fast. Babalik iyon pagkatapos ng isang minuto. Next, meron silang securities, 3 per area. 3 sa north, 3 sa south, 3 sa east, at 3 sa west. Ako gagawa ng destruction sa south, dahil dun tayo aakyat.....Darryl nakikinig kaba?"
Nakita ko kasing sakin lang nakatingin pero parang lutang naman.
"Uhm, yes."
"Tsk, Darryl kung ano man yang naiisip mo na di konektado sa plano kalimutan mo muna. Unang una assassin ka. Ikalawa superior kita, so act as one. I hate failing my missions at alam mo yun. "
"Relax Knight. Gusto mo good luck kiss?",sabi ni Erson.
*cough cough*
Bigla akong nasamid na wala naman akong ininom.
"Hindi ako bakla.",sabi naman ni Darryl.
Ampotek naman. Bat bigla kong naalala yung malalambot na.... Tangna naman oo kung san pang napakaimportante neto.
"Blazie ikaw naman ngayon lutang.",Erson caught my attention.
Napailing ako at pinagpatuloy ang plano.
"Sa likod ang daan natin para hindi sabay sabay ang pagsugod nila."
Napatango silang dalawa at nag umpisa na kaming lumabas. Nakasuot lang ako ng formal attire at may dalang suitcase para sa mga armas. At suot narin namin ang O.R.B , may dala lang kaming extra bag para sa damit na susuotin pag nakalabas na kami ng hotel.
Nauna silang dalawang lumabas. Sumunod ako. Nagdrive ako at nauna sa kanila. Tumigil kami sa medyo isolated na lugar inassemble ko ang baril ko. Lumabas ako ng kotse at hinubad ang formmal attire ko. Suot ko ngayon ang black tight suit na minsan tawag din ay cat suit. Nilagay ko ang dalawang baril ko sa magkabilaang hita. Blades sa boots at 5 smoke bomb sa belt ko.
Nakita ko ang dalawa na nakabihis narin. Tumango ako at bumalik sa kotse.
Kinasa ko ang baril na extra at nagdrive.
Krystal's POV
Almost 3 weeks nang nawawala si Kris. At sabi nila kasama nya ang babaeng wife nya dun sa barko. Kinidnap sila ng Divine pero ni tawag wala naman. Kung kidnap for ransom man yun!
Malas talaga ang dala ng babae na yon!
Ayon sa kwento ni Seth sa Nogas palang nagkita na pala sila ni Kris?! She's a bitch!"Krystal, wag kana umiyak.Di makakatulong yan. Get yourself together."
BINABASA MO ANG
His Assassin And Her Agent
ActionRandom Category: Action, Love Namuhay akong simple, masaya, marangya at tahimik. May pamilya, may kaibigan, may respeto, may puso at higit sa lahat mapagmahal. Nawala ang lahat ng iyon dahil sa isang bangungot na kahit kelan ay ayaw ako patahimiki...