Chapter 15: Run away

818 19 0
                                        

Please do like my page: Joseph black

Run away

"Ha ano ulit iyon shenny?".Tanong ko pabalik sa kanya.
Nilagok nya muna ang isang shot ng margarita bago humarap sa akin.

Kanina pa kami halos hindi magkirinigan ni shenny dahil sa malakas na ingay ng music sa loob ng boung merona bar.Mga isang linggo na rin ang lumipas simula nong lumayas ako sa mansyon ni flint.

Alam ko sa aking sarili na hindi parin tuluyang nawala ang sakit na aking nararamdaman dulot ng ginawa nila sa akin, bagkus ay mas lalo lang iyong nadadaragdagan bawat gabi.

Maraming mga bagay ang gumagambala sa aking isipan.It's funny how stressful it is to explain what's going in my head when even I cant understand by myself.

"Ang sabi ko bess hindi solusyon ang paglayo!".Singhal nito sa akin.

I heaved sigh.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng bar at hindi ko napigilan ang pag-ulap ng aking paningin.Napakasakit tangina, lalot nat ang lugar na ito ang dahilan kung bakit kami nagkalapit ni flint.

How could I forget and move on to open a new chapters on my life if the scars and evidence on my past are continued showing up.

"Alam mo kung ano ang kayang gawin nya shenny at saka gusto kong naring kalimutan itong lahat para mapalaki ko ng maayos itong anak ko"

Nang umalis ako sa mansyon ng hudas na iyon ay ang tanging taong malalapitan ko lang non ay si shenny.I was down and fragile and shattered into pieces.Pakiramdam koy anumang sandali ay bibigay na ako dahil sa labis na galit at sakit.

"Kayat pupunta ka sa bohol! oh bess come on! napakalayo non dito sa manila!"

"Mas mabuti na rin yon para tuluyan na talaga akong makalimot"

Noong nakaraang araw ay nalaman ko galing sa abogado ni papa na may iniwan pala siyang shares sa akin sa kompanya at isang beach resort sa panglao bohol.I choose to get my shares on the company and issued into a money keysa mamahala sa kompanya.Iniisip ko palang araw araw na magkikita kami ni Vienna ay pakiramdam koy mamatay ako sa high blood.

Isa pang rason kung bakit nais kung lumayo ay dahil sa anak ko.Im afraid that if i wont run afar they will get my child.Ginawa nilang akong maternal baby maker dahil walang kakayanan si Vienna na makabuo ng bata kaya ginamit ako ng mga hayop na iyon.But I wont let them, habang mas maaga ay magpapakalayo layo ako at bubuo ng bagong kabanata ng aking buhay.

Maiging hinawakan ni shenny ang aking dalawang kamay na nakapatong sa bar counter.Mas lalong lumakas ang music at mas lalong dumadami ang taong naglabas masok sa loob ng bar.

"Kung yan ang desisyun mo susurportahan kita pero sigurado kabang ayaw mo itong ipaalam kay erickson?"ani nito

Umiling ako sa sinabi ni shenny." Huwag na".Tommorow is his flight to new york at ayaw kong ako ang maging dahilan kung bakit siya hindi aalis ng bansa.He was assigned in the main branch of tribune news corporation as executive editor and it was a big oppurtunity for him.

Ang alam ni Erickson ay nasa isang bakasyon ako kasama ng aking nobyo.Ito ang sinabi kong ipahayag na rason ni shenny kapag nagtanong ito sa kanya.

Mahigpit akong niyakap ni shenny.

"Mag iingat ka don bess"

Gumanti ako ng yakap sa kanya."Hoy ang oa mo! At saka samakalawa pa naman yung flight ko!"

Spying On The Mafia Boss [#Wattys2022]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon