ELEMENTARY : Grade 1

537 5 2
                                    

Grade 1.

Ako si Maria. Pitong taong gulang. Nag-aaral sa Mababang Paaralan ng Sta. Cruz.

Unang araw ng klase.

Pakilala dito.

Pakilala doon.

Nagtataka ako kung bakit may isa kaming kaklase ang di nagpakilala.

Nakayuko lang ito at nagsusulat sa kanyang papel.

Naramdaman siguro nito ang pagtitig ko kaya humarap ito.

Napatayo ako.

''Maria?! May problema ba?'' Tanong ng aming guro.         

''Ma'am may I go out?''

Wala kasi akong maidahilan. Alam kong pagtatawanan lang ako.

Sa C.R.

Pumasok ako agad sa cubicle ng C.R. Hindi naman talaga ako dapat pupunta dito.

''Matagal ka pa ba diyan?''

May naghihintay pala. Kailangan ko ng lumabas.

Pagbukas ng pinto.

Ang classmate kong...

---blackout---

''Maria! Maria! Maria!''

Nagising ako. Nasa clinic na ako ng school.

''Kamusta ka na? Nahimatay ka sa C.R. buti na lang naisipan kong ipatawag ka kay Daniel dahil ang tagal mo.''

Bumalik sa alaala ko ang nangyari.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko na naman siya. Duguan ang kanyang mukha at naagnas na. Kanina bago ako pumunta sa banyo napatayo ako dahil nakita ko ang kanyang mukha.

''Ma'am, kasi po may mu--''

Nandito na naman siya. Nakatingin sa akin. Nanlilisik ang mga mata.

''Ano yon Maria?''

''Ma'am pwede po ba kong magpasundo sa Mama ko? Masama po kasi ang pakiramdam ko.''

''Sige.''

Pagdating ng mama ko.

''Anong nangyari Maria?'' Si Mama.

''Ma, may multo dito. Ayoko dito!''

Niyakap ako ni Mama.

Pagsakay namin ng kotse nakita ko na naman siya. Nakatingin sa akin at ngumiti. Ngiting demonyo.

Kinabukasan.

''Maria, anong nangyari sayo kahapon? Bakit di ka na pumasok. '' si Kiray, classmate ko.

Nasa canteen kami ngayon. Sasagot na sana ako ng mapansin ko na naman siya.

May hawak itong kutsilyo. Palapit sa akin

.

Di ako makakilos.

''Uy, Maria..natulala ka na diyan.''

Di ako makapagsalita.

Malapit na siya.

''Huwag!''

Napatingin ako sa batang babaeng sumigaw. Classmate ko din siya. Maria din ang pangalan niya.

Nakikita din nito ang multo.

''Grabe..ang bata pa niya para masiraan ng ulo.''

Pagtingin ko kay Kiray katabi na nito ang multo.

''Kiray mabuti pa pumunta na tayo ng room.''

Pilit kong iniiwas ang tingin sa multo.

''Ha? Di ko pa ubos 'tong spaghetti..'' reklamo nito.

Sumubo pa ito. Muntikan na akong masuka dahil nakita kong sumuka pa ng dugo ang multo sa plato ni Kiray.

Pinigilan ko si Kiray ng akmang susubo pa ito ng isa .

''Ano ba Maria?'' Binitawan nito ang tinidor.

*bell*

Buti naman tumunog na ang bell.

Nanlilisik ang mata ng multo habang nakatingin sa akin.

Sa classroom.

 ''Magandang hapon mga bata! Ako si Teacher Jenny. Tuturuan ko kayo magbilang.  Handa na ba kayo?''

''Opo'' sagot ng mga estudyante.

Narito na naman siya. Katabi ng classmate namin na si Daniel. Ngumiti siya sa akin at niyakap niya si Daniel. Iniwas ko ang tingin.

''Kaya ka ba nahimatay kahapon dahil nakita mo siya?''

Nagulat ako.  Katabi ko na pala si Maria.

''Oo. Hindi ko akalain na may nakakita din sa kanya.''

''Three years old pa lang ako nakakita na ako ng multo. Nagtataka ang mga magulang ko kung bakit nagsasalita ako kahit walang kausap. Hindi ko alam multo pala ang kalaro ko.''

Napatingin ako kay Maria. Parang hindi siya bata kung magsalita.

''Sa totoo lang sanay na ko sa mga multo kaya di na ko natatakot sa kanila.  Pero minsan hindi ko maiwasan ang aking emosyon tulad na lang nangyari kanina.''

Ang tinutukoy niya ay ang pagsigaw nito dahil sa paglapit sa akin ng multo.

Simula noon naging kaibigan ko na si Maria. Ang tawag ko sa kanya ay Mari at Ria naman ang tawag niya sa akin.

''Alam mo ba Ria, sabi sa akin ng pinsan ko pagkatapos ng ulan nagpapakita ang mga multo.''

''Talaga? Bakit daw?''

''Hindi rin alam ni Kuya Jay eh.''

Natawa na lang ako.

''Katatapos lang ng ulan. Siguradong magpapakita na naman sila.''

Tama nga si Mari.

Isang lalaki ang dumaan sa harap namin habang ang mga paa ay di nakatapak sa sahig. Nakasuot pang-Janitor at may hawak na mop. May saksak ito sa likuran.

Tumingin ako kay Mari. Balewala lang dito ang nakita.

''Tingnan mo ang puno, Ria.''

Sinunod ko siya.

Isang pugot na ulo ng lalaki ang nakasabit sa mga sanga ng  puno.

Tinakpan ko ang mata ko.

''Hindi ko na kaya Mari. Magpapalipat na ako ng school next year.''

Unwanted residents at the school.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon