Chapter 3

433 11 0
                                    

Elize's POV

Hindi ako makapaniwalang may ganoong kapangyarihan si Vianca. Ang alam ko kasi ay wala namang kapangyarihan si Julia at Ivan,kaya paanong magkakaroon ng kapangyarihan si Vianca?

 "Uhmmm, ano kasi..Ahh,Ehh,Uhmm" sabi ng asawa ko.

Hayy, sobrang kadaldalan nadulas tuloy siya. 

"Sana huwag mo munang sasabihin kay Elisha ang mga malalaman mo,okay?" ako na ang nagsalita. Baka mabuo pa ni Jasper ang A,E,I,O,U bago masabi ang dapat sabihin eh.

"Sige po.Makakaasa po kayo." sabi naman ni Vianca.

"Ang totoo kasi niyan...... adopted lang talaga namin si Elisha." panimula ko.

Naalala ko tuloy yung maulang gabi na nakita namin si Elisha.

~~flashback~~

Nanunuod kami ng asawa kong si Jasper ng bigla kaming makarinig ng katok sa labas.

*knock* *knock* *knock*

"Saglit lang Hon,titignan ko lang kung sino yung kumakatok." sabi ko at pinatigil muna ang pinapanod namin.

"Ang lakas kaya ng ulan,imposibleng may tao pang naglalakad ng ganitong oras at sa lakas ng ulan na iyan.Baka guni-guni mo lang yan." sabi niya.

*knock* *knock* *knock*

"Hindi ko guni-guni iyon,pangalawang beses ng kumatok eh. Baka manghihingi lang ng direksyon." sabi ko at tumayo na.

Sumunod naman siya sakin at siya na ang nagbukas ng pinto.

Pagbukas namin wala namang tao,pero may narinig kami.


Tunog ng umiiyak na sanggol,kaya napatingin kami sa baba at dun nakita namin ang sanggol na nasa basket na malaki.

"Jusko,sino ang may gawa nito sa'yo. Umuulan pa naman." sabi ko habang buhat-buhat ang sanggol.

"Grabe naman ang magulang ng batang iyan."sabi ni Jasper.

"Hon,kupkupin muna natin ang bata. Hintayin natin hanggang bukas kung may kukuhang magulang. Kapag wala, papayag ka bang ampunin natin ang batang ito?"

"Oo naman, kung iyan ang ikasasaya mo." sabi ni Jasper sabay yakap samin ng sanggol.

"Ayan,nahawa ka na sa sobrang lalim ng mga salita ng pinapanuod mong mga movies." sabi ko. Parang ang lalim kasi eh!

"Malalim ba iyon?" tanong niya.

"Oo,hahaha,tara na. Sama na natin si baby sa panunuod." at dumiretso na kami sa sala kasama ang sanggol.

~~flashback ends~~  

"Ang sanggol na iyon ay si Elisha." sabi naman ni Jasper.

"Kinupkop na namin siya dahil wala naman ng nag-claim sa kanya kinabukasan. At isa pa, wala akong kakayanang magbitbit ng sanggol sa aking sinapupunan kung kaya kinupkop na namin siya." pagkasabi ko niyan ay niyakap ako ng asawa ko. 

Nakakalungkot lang isipin na wala kaming tunay na baby. Pero okay lang, dumating naman si Elisha sa buhya namin, at pati narin si Vianca. Kaya isang masayang pamilya na kami.


Vianca's POV

  "Kinupkop na namin siya dahil wala naman ng nag-claim sa kanya kinabukasan. At isa pa, wala akong kakayanang magbitbit ng sanggol sa aking sinapupunan kung kaya kinupkop na namin siya."  Pagkasabi sakin ni Mom niyan ay niyakap siya ni Dad.

Maridane Academy: Finding The Long Lost Powerful HeiressWhere stories live. Discover now