Vianca's POV
Maaga akong nagising ngayon dahil mahigpit daw pagdating sa oras si Wendy—oopps, Princess Wendy pala dapat.
Hmm.. 4 o'clock palang ng umaga pero mas maganda maaga kesa huli. 5 am sharp kasi ang time.
Naghilamos, nagtoothbrush at naligo muna ako bago pumasok sa kwarto ni Eli. Paniguradong natutulog parin yun.
Nagsuot lang ako ng tube at violet na sando, sweatpants at violet rubber shoes,inayos ko narin ang buhok ko,isinuot ko rin ang kwintas na ibinigay sakin nila mom and dad bago kami pumunta dito pero itinago ko sa loob ng damit ko,and I'm ready to go.
Pagpasok ko sa kwarto niya nagulat ako kasi walang tao sa kama niya,madilim dahil patay ang ilaw. Doon ko lang napagtantong naliligo na pala siya kasi naririnig ko ang tunog ng shower.
Natakot atang malate.
Habang naghihintay sa kanya ay naupo muna ako sa kama niya. Pinagmasdan ko any kwarto niya at napagtantong pare has kami ng kwarto simula sa mga gamit hanggang sa pagkaka-ayos ng mga ito,magkaiba nga lang ng kulay ang lahat.
Yung kanya kasi light violet at white ang mga gamit, yung akin naman dark violet and black.Nagtingin-tingin pa ako sa mga gamit niya at nakita ang mini bookshelf niya. Puro mystery and thriller ang genre ng mga libro, wala man lang kahit isang love story. Parehas talaga kami ng mga gusto.
Nagtingin-tingin pa ako at napadpad ang tingin ko sa labas ng bintana niya. May nakita akong mga matang nakatingin mismo sa kwartong ito, sa kwarto ni Eli. Pero hindi siya ordinaryong mata, mapupula sila at tila ba galit.
Naglakad ako papunta sa bintana niya para sana buksan at sundan kung sino man ang nakatingin pero...
"Vianca, anong ginagawa mo dito? Ginulat mo naman ako." Nakalabas na pala siya ng cr at nakatapis.
"Uhmm...ano, ang init kasi dito bubuksan ko sana yung bintana,hehehe." Pagsisinungaling ko, baka matakot tong babaeng to at tumakbo pa sa labas.
"Ahh,okay. Akala ko naman kung ano na. Akala ko tuloy may multo dito,gosh. Sige, labas ka muna magbibihis ako."
"Nahihiya ka parin ba sakin hanggang ngayon? Gosh, parehas naman tayong babae dito." Simula nung ampunin ako ng Mom and Dad namin, lagi siyang ganyan.
Sabagay, baka naiilang pa siya talaga. Dalaga na kami at hindi bata.
Elisha's POV
"Sige, hintayin nalang kita sa sala. Bilisan mo ha?"sabi ni Vianca na naglalakad palabas ng kwarto ko."Opo,opo."sabi ko nalang at lumabas na siya ng tuluyan.
Alam kong nagsisinungaling siya. Malamig dahil malapit palang mag-5 ng umaga kaya paanong mainit? And besides, madilim man pero kita kong naka-sando lang siya.
YOU ARE READING
Maridane Academy: Finding The Long Lost Powerful Heiress
FantasyA simple girl living her simple life will change after an incredible thing happened. Will she be happy or she'll be in misery? Can she survive the truth about herself? That she's THE LONG LOST POWERFUL HEIRESS.