Elisha's POV
"Mas ligtas tayo dito lil sis kaya hintayin nalang natin si Mom and Dad,okay?"
"Okay kuya!"
~~~
"B-bitawan mo ang kapatid ko."
"Kuya!"
"Kuya!"
"Kuya!!" bigla akong nagising.
Lagi ko nalang napapaniginipan na may nakatatanda akong kapatid na lalaki, eh wala naman akong kapatid na lalaki.
"Sis, dinner na.Nandito na sila Mom." rinig kong tawag sakin ni Vianca.
"Sige sis, bababa na ako."
Nakatulog pala ako kanina pag-uwi ko. Siguro may lalaking nangangarap na maging kapatid ako kaya lagi akong nananaginip ng ganun. Hehehe.
Naghilamos muna ako bago bumaba. Pagbaba ko ako nalang pala ang hinihintay.
"Hi Mom,Hi Dad." bati ko sa kanila.
"Hello sweetie,musta ang bagong school?" tanong ni Mom.
"Okay lang naman po, Mom." sabi ko sabay upo sa upuan kaharap ni Vianca.
"Wala bang nambu-bully ulit sainyo?" tanong ni Dad.
"Wala naman po Dad." sagot naman ni Vianca.
Alam kasi ni Mom and Dad ang tungkol sa bully na sila Georgia kaya pumayag sila na mag-transfer kami ng ibang school.
"Good! Once na may nambully ulit sa inyo ay sabihin niyo agad samin ha?" sabi ni Dad.
"Yes Dad." sabay naming sagot ni Vianca.
"Oh siya, kumain na tayo. Masamang pinaghihintay ang pagkain."sabi ni Mom habang inaasikaso niya si Dad. Ang sweet ng prents namin noh?
Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko,naglinis ng sarili at humiga na sa kama,hinihintay na dalawin ako ng antok.
Vianca's POV
"Lil sis, dito lang tayo hanggang dumating sina Mom and Dad ha?"
"Okay"
~~
"B-Bitawan mo ang kapatid ko."
"Kuya!"
"Kuya!"
"Kuya!" bigla akong napabalikwas ng bangon.
4:00 pm na pala. Mamaya pa naman dadating sila Mom and Dad kaya mamaya ko nalang din susubukang alamin ang lahat.
Nakaupo lang ako dito sa kama ko habang pinaglalaruan ang bola ng tubig na nasa kamay ko.
Sa maniwala kayo't hindi, kaya kong kontrolin ang tubig. I started playing with water since I was 16. Hindi ito alam nila Mom and Dad dahil natatakot akong baka matakot sila sakin at ipaampon ako sa iba or worst, basta nalang pabayaan sa kalsada.
I've been hiding this for a year already at mamaya lang ay ipapaalam ko na sa parents ko ang tungkol dito. Sana lang hindi sila ma freak out.
Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko hanggang dumating sila Mom.
"Vianca, nandito na ang Mom and Dad niyo.Magdi-dinner na daw."
"Sige po manang. Ako nalang din po ang tatawag kay Eli." sabi ko kay manang na nakadungaw sa pinto ng kwarto ko.
"Sige, bumaba na kayo ha?" sabi niya sabay sara ng pinto.
Dito kasi sa 2nd floor ng bahay namin, sa kaliwang part ay kwarto namin ni Eli. Sa harap ng kwarto namin ay ang guest rooms.
YOU ARE READING
Maridane Academy: Finding The Long Lost Powerful Heiress
FantasyA simple girl living her simple life will change after an incredible thing happened. Will she be happy or she'll be in misery? Can she survive the truth about herself? That she's THE LONG LOST POWERFUL HEIRESS.