Chapter 12

148 3 0
                                    

Elisha's POV

Sabi ni HM, hahanapin namin ang mga katulad namin dito sa mundo ng mga normal na tao. At medyo mahirap hirap dahil pangalan, edad at kapangyarihang taglay lang nila ang ibinigay sa amin. Alangan namang magtanong kami kung nasaan si ganito na may ganitong kapangyarihan diba.

" Paano natin sila mahahanap kung may dala tayong ibon na nakahawla?" Tanong ni Jace.

"Oo nga no?" segunda ni Aaron.

Oo nga naman, paano namin mahahanap yung mga hahanapin namin kung may agaw pansin kaming ibon? At agaw pansin na mga tao, na may iba't-ibang kulay ng buhok?

"Hindi kasi nakikinig, sabi ni HM pwede naman siyang iwan sa bahay kasi balahibo niya ang kailangan natin." sabi ni Vianca.

Guilty ako dun!!  Iniisip ko kasi kung ano susunod na mangyayari sa pinapanood kong anime, nagi-imagine kasi ako ng scenarios dun eh.

"Eh bakit pa natin dinala kung balahibo lang pala kailangan natin? " tanong naman ni Aaron, onting-onti nalang iisipin kong magkapatid sila ni Jace eh.

"The bird also serves as our protection once na makita na natin ang mga hinahanap natin. Habang nasa atin siya, may proteksyon tayo laban sa mga vastane dahil tayo ang kinikilala niya sa ngayon na amo niya. Hindi nila mararamdaman ang mga presensiya natin." mahabang litanya ni Earl.

Lahat kami ay natahimik.

"What? Ngayon niyo lang ba ako narinig na magsalita? " medyo bakas sa mukha niya ang pagkairita.

"No, its just that, ngayon ka lang naglitanya ng mahaba haba." sabi ni Aira.

"Tsk." yan lang ang isinagot niya samin. Galing diba. Bagay silang maging magkapatid ni Liam sa totoo lang.

"Bukod ba sa proteksiyon, may iba pa bang pwedeng gawin ang balahibo ng mahiwagang ibon?" si Vianca naman ang nagtanong ngayon.

"Yeah, it can make us look normal." sagot ulit ni Earl.

Walang imimik na naman samin.

"By normal, Earl means to say na magiging katulad nila tayo. Kung ano hitsura nila yun din itsura natin." si Wendy lang ata ang nakagets.

"Kamukha natin sila? Papangit ako?" sabi ni Jace. Magmumukha pa bang normal si Jace? Sagad na ata pagka abnormal nito eh.

"Hays! Yung kulay ng buhok mo magiging itim. Yan ang normal na kulay ng buhok dito. Agaw pansin kasi ang mga buhok natin kung hindi dahil sa balahibo nun!!" Ayan, beastmode na si Vianca.

"Ahh, sorry naman." si Jace sabay peace sign.

Pagkakuha namin ng balahibo ay nagwatak watak na kami. Dahil apat na tao ang kailangan mahanap, naghiwa hiwalay kami.

Avril Lian Chronus (17) - Time Manipulator

Oswald Shatter (21) - Glass Manipulator

Xonul Rei Sentine (14) - Clairvoyance

Rene Erbes (65) - Healer

At dahil siyam kami, may isang grupo na tatlo ang tao.

Si Aira at Aaron ang maghahanap kay Avril, si Wendy at Jace ang maghahanap kay Oswald, Earl and Faireen kay Sonul? Kisonul? Rei na nga lang, at kami naman nina Liam,Vianca at ako ang magahahanap sa healer na si Tatay Rene. Mas mabuti na daw na may lalaki kahit papaano sa bawat grupo.

"Settled na ha? Okie na?" Tanong ni Faireen.

Si Liam at Earl parang nag-uusap sa isip nila, siguro tungkol kay Faireen kasi magkapartner sila ni Earl eh. Hindi ko naman mabasa at nakasara ang isip nila. Sa totoo lang nakasara ang isip naming lahat, privacy ba!

Maridane Academy: Finding The Long Lost Powerful HeiressWhere stories live. Discover now