Chapter 7

412 11 0
                                    

Elisha's POV

Paghawak ko sa door knob ay naging violet at white ang pinto ko. Astig!

Pagpasok ko naman kulay violet ang mga furnitures,light blue ang mga kurtina at kulay puti naman ang mga throw pillows. Ang ganda! *0*

Humilata nalang ako sa kama. Kung gigisingin man nila ako mamaya ay paniguradong maiinis sila. Bukod sa wala akong planong gumising mamaya ay tulog mantika ako.

Sana maging maayos ang pagpasok namin dito.

ZzzzzzzzzzzzzzZ

Kinabukasan★

"Elisha! Bangon na! Male-late na tayo."??

"5 minutes more." I groggily said.

"Anong five minutes more? Huuy! 6:37 na at sa pagkakaalam ko alas-7 ang pasok natin."sabi ni...uhmm.

"ELISHA BUMANGON KA NA!"

"Ano ba? Kailangan sa tenga ko pa? Kitang natutulog yung tao eh."napabalikwas ako ng bangon pero pikit parin ang mga mata.

"Aba,bahala ka. Kapag naligaw ka tatawanan pa kita. Ako kasabay ko sila Cassy at Shia bahala ka sa buhay mo."alam ko na kung kaninong boses yun.

"Anong oras na ba?"sabi ko at nahiga ulit. Sarap sarap ng higa ko dito sa malambot na kama eh.

"Ahm...6:45 lang naman."

"6:45 la--...ANO? 6:45 NAAA?!"hala male-late na ko nito.

"Bakit di niyo ko ginising kanina?"sabi ko habang nagmamadaling ayusin ang mga gagamitin ko.

"Aba! Kasalanan pa namin ganon? Kanina ka pa namin ginigising eh naga-about face kalang samin."sabi ni Cassy.

"Hintayin niyo ko!"sabi ko at tumakbo na ko sa banyo.

After 20 minutes ay tapos na ko.

Nagbihis na ako ng uniform at nagayos ng sarili. Ayos na din naman ang bag namin dahil ng binigay ito ay kumpleto na.

"Bilisan mo,10 minutes na tayong late."sabi ni Vianca.

"Akong bahala,hehehe sorry guys."huhuhu,kasalanan ko ito eh.

"Dapat lang noh."sabi ni Shia. Grabe,mahal na mahal nila ako.

Pagtapat namin sa classroom ay may prof na. Omo,eottokke?

Binuksan namin ng dahan dahan ang pinto at sheez,samin nakatingin lahat.

"Why are you late Miss Heather and friends?"tanong ng prof.

Miss Heather and friends daw. Parang Thomas and friends,hahah. Tawa kayo dali.Hahaha. Okay di kayo natawa.

"Uhmm...nilibot po kasi namin yung ibang parts nitong school at hindi po namin namalayan ang oras."sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Vianca.

"Transferee po kasi sila kaya naglibot-libot po muna kami. Pasensya na po."sabi ni Cassy.

"Oh siya,maupo na kayo. The transferees,kindly introduce yourself in front please."sabi ni prof.

Dumiretso na kami ni Vianca sa harap.

"Hello my name is Vianca Samonte,nice to meet you all*smile*"

"Pre, ganda niya."-b1

"Oo nga pre, ligawan ko kaya."-b2

"Pre,ang hot.*whistle*"-b3

"Ang ganda niya. Kainggit >_<"-g1

"Tsk,weak naman."-froglet1

Mga walang magawang matino.

Maridane Academy: Finding The Long Lost Powerful HeiressWhere stories live. Discover now