Elisha's POV
*Yawwwn*
Sobrang nagandahan ako sa Percy Jackson na hanggang panaginip ko ay napapaniginipan ko sila.
Tumayo na ako at pumunta na sa c.r ng kwarto ni Vianca.Naghilamos at nag-toothbrush na ako.May naisip ako bigla. Hihihi.
Inatake na naman ako ng pagiging childish ko.Susubukan ko lang naman maging Percy Jackson girl version.Harhar! Ang astig kasi eh napapagalaw at nakokontrol niya ang tubig, parang sa Avatar na anime.
Pinikit ko ang mata ako at sabay kumpas kamay here,kumpas kamay there. Hahah,nagfi-feeling Elsa ako.
Tama na,nasayahan na. Pagdilat ko may.... .may.... may
MAY LUMULUTANG NA T-TUBIG!!!
Kinusot ko ang mga mata ko baka namamalik mata lang ako sa sobrang pagiimagine ko at paghanga sa Percy Jackson. Pero pagdilat ko, n-nandoon parin kaya...
"KYAAAAAAAHH!" sigaw ko. Oo, inimagine ko kanina na kinokontrol ko siya pero hindi ko naman akalaing totoo pala. Minamaligno na ba ako?
Vianca's POV
"KYAAAAAAAHH!"
Napabangon ako ng wala sa oras ng biglang makarinig ng sigaw. Bigla ko tuloy naalala si Elisha.
"WAAAAH! TULONG!" narinig ko namang may sumigaw galing sa c.r ng kwarto ko at alam kong siya na iyon.
"Elisha?" tanong ko pagpasok ko nakita ko siyang nakaupo sa sulok ng c.r at parang takot na takot.
Napatingin naman ako sa tinitignan niya at nagulat ng may makitang lumulutang na tubig. Pero hindi lamang siya basta lumulutang,parang nagkakagulo sila sa ere.
"V-vianca!" takot na hawak ni Eli sa mga binti ko. Sigurado akong siya ang may gawa nito. Sabi na nga ba at isa rin siyang katulad ko,katulad namin nila Mom and Dad.
Ikinumpas ko ang kamay ko at unti-unting bumalik ang mga tubig sa balde at ang iba ay kusa nalang nawala.
"P-paanong--"
"Shhh, Elisha."
"P-paano ko n-nagawa yun? P-paano mo rin nagawa iyon?" takang tanong niya. Napangiti ako.
"Tara punta tayo kina Mom."sabi ko.
"P-pero--"
"Basta masasagot nila yang mga tanong mo." sabi ko.
Elisha's POV
Baka nga masagot nila ang mga tanong ko.
Pababa na kami ni Vianca ng makita namin sila Mom and Dad sa dining table at hinihintay kami.
"GOODMORNING MOM AND DAD!" sigaw ko. Feel ko lang sumigaw at gusto ko narin sila talagang makausap.
"Elisha." sabi ni Mom na parang maluluha na.
"Opps,wala tayo sa teleserye para may iyakang maganap." sabi ko sabay yakap kay Mom.
"Elisha!" Hayy! Si Mom talaga.a
"Tama na Mom,okay lang ako. Uhmm,Mom,may gusto sana akong itanong sa inyo." sabi ko.
"Ano yun sweetie?" tanong ni Mom habang hinihimas ang buhok ko. Feeling ko tuloy bata ako >3<
"Uhmm,hehehe.Mamaya nalang po pagkatapos nating kumain,kung okay lang po sa inyo."
"Sige okay lang,okay lang."sabi ni Mom.
"Hmp,kinalimutan niyo na ako! -3-" sabi ni Vianca na parang bata at nakahalukipkip pa.
"Hahaha, halika nga dito sweetie." sabi ni Dad na tatawa-tawa.
Hahahha,sa wakas.Okay na kaming lahat.
Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa study room ni Dad.
"Ano nga pala yung itatanong mo sweetie?"tanong ni Mom.
Bigla ko tuloy naalala yung yung ampon ampon thingy kahapon.
"Bakit...bakit kailangan niyo pong itago sakin na inampon niyo lang po ako?" tanong ko sa kanila.
"Kasi natatakot kami,"sabi ni Dad
"Natatakot kaming magalit ka samin at lumayo ang loob mo samin."pagtutuloy ni Mom. I suddenly smile.
Kahit kasi hindi nila sabihin ay alam kong tinuring nila akong tunay na anak.Tinuring nila kaming isang tunay na anak.
"Sorry Mom,sorry Dad. Kung medyo nagalit ako sa inyo kagabi.Sorry po." sabi ko habang nakayuko. Nahiya tuloy ako bigla.
"Okay lang yun sweetie,naiintindihan ka namin. At buti nalang hindi kayo pumasok ngayon dahil may isa pa kaming sasabihin sa inyo, lalo ka na Elisha."sabi ni Dad na seryoso ang mukha.
Bigla kong naalala yung nangyari sakin sa c.r ni Vianca.
"AY! Wait lang po may sasabihin po pala ako sa inyo." they look at me with confused eyes.
"Ahhh!" sabi nman ni Vianca na parang alam na niya.
"Kagabi po kasi nanood po kami ng Percy Jackson,tapos paggising ko kaninang umaga inatake ako ng pagiging childish kaya sinubukan kong pagalawin yung tubig na nasa balde pero nakapikit ako para feel na feel ko yung pagiging Percy Jackson.Tapos pagdilat ko may nakita akong lumulutang na tubig tapos nagulat ako,pero kinusot ko muna yung mata ko kasi maka namamalikmata lang ako pero pagdilat ko nandun parin siya.Tapos pag sigaw ko bigla nalang parang nagwala yung mga tubig tapos biglang dumating si Vianca, then pinatigil niya yung tubig kaya nagtaka ako kung paano niya ginawa iyon,tapos sabi niya itanong ko daw po sa inyo,kaya iyon." mahabang mahabang litanya ko.
Sila naman ay mistulang nagulat but later on ay napangiti rin.
"Yan nga ang gusto naming sabihin sa'yo." malumanay na sabi ni Dad.
"Alam naming dadating at dadating ang araw na ito. Hindi man namin siguradong galing ka sa mundong dapat ay nandoon tayo, pero malakas ang kutob naming isa ka samin,na katulad ka namin." sabi ni Mom.
"Eh Mom, ito naman ang mundo talaga natin diba? Hindi naman kasi tayo hayop para mamuhay sa bilang mga hayop,tsaka isa naman talaga ako sa inyo eh,isa po akong tao." grabe naman kasi katulad naman talaga nila ako.
Nagiging wierd na ang paligid ko. Kung panaginip to, gusto ko ng magising. T^T
"Hindi naman ganun ang ibig naming sabihin, nakatira tayo sa mundo ng mahika Elisha." sabi ni Dad.
M-mahika? As in magic?
"Pfftt,hahahha...seryoso po ba kayo diyan? Magics?" tong si Dad talaga ang hilig magbiro.
"Oo,seryoso kami anak."sabi ni Mom.
"Seryoso kami Eli." sabi ni Vianca.
"Pati ba naman ikaw." grabe nagiging bata narin ba sila?
"Totoo talaga ang sinasabi namin. At,meron ka ring mahika. Ikaw ang gumawa nung tubig kanina. Ikaw ang nagpagalaw ng tubig kanina." sabi ni Vianca.
"Oo nga sweetie,ikaw ang gumawa nun."sabi ni Dad.
"May mahika ka katulad namin." sabi naman ni Mom.
"ANO??"sigaw ko.
Ako ang gumawa nun? May mahika ako? Totoo ang mahika? Bakit parang gusto kong maniwala na hindi?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: Sorry po sa lame update. Sana po patuloy niyo pong subaybayan itong story ko po na ito.
Thank you po!
Enjoy Reading!
~FallenKimCupid~
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
YOU ARE READING
Maridane Academy: Finding The Long Lost Powerful Heiress
FantasiaA simple girl living her simple life will change after an incredible thing happened. Will she be happy or she'll be in misery? Can she survive the truth about herself? That she's THE LONG LOST POWERFUL HEIRESS.