Chapter 1: Nightmare

14 0 0
                                    

Allyson's POV

"Good night,baby" sambit ng aking Ina at Ama habang akoy pinapahiga nila sa kama.Niyakap nila ako at hinalikan sa noo.

Habang silay palabas ng aking kwarto,unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa ako'y nakatulog.

Isang malakas na kulog ang gumising sa akin kasabay non ang pagbukas ng aking kwarto doon ko nasilayan ang aking Ina,na tumatagaktak ang pawis at tila takot na takot.

Patakbo siyang lumapit sa akin.

"Baby we need to go somewhere."

"Mommy where are we going?Wheres Daddy?"

"Somewhere safe baby,just trust me please."

Tiningnan ko sa mata ang aking Ina,at nakita ko sa kanya ang pag- aalala at pangamba.Dali-dali kaming lumabas ng aking Ina sa aking kwarto.Sumalubong sa amin ang mga bangkay na nakahandusay sa sahig,rinig na rinig ko rin ang mga putok ng baril.

Tumakbo kami ng aking Ina palayo sa mansyon,tumungo kami sa isang gubat.Patuloy lang kami sa pagtakbo hindi inaalintala ang malakas na buhos ng ulan.Napansin ko na tila hindi mapakali ang aking Ina at paulit-ulit na tumitingin sa aming likuran.

Nang sinubukan kong lumingon,may nakita akong isang pigura ng lalaki na nakasunod sa amin.

Tumungo kami sa isang lumang warehouse.Napaka dilim,punong-puno ng mga sapot at mga drums.Humigpit ang kapit ko kay Mommy dahil sa takot.

Itinago niya ako sa isang sulok.Inayos niya ang mga drums upang walang makakita sa akin.Inilagay niya ang isang malamig na metal sa aking leeg,unti-unti ko itong hinawakan at nawaring isa itong kwintas.

"Keep it baby,huwag mong hahayaang mawala ito sayo."

"Mo-Mommy dont leave me"pahagulgol na aking sambit.

"Promise me baby?"Hindi niya pinansin ang aking sinabi,ngunit nakita kong may mga luha na tumulo sa kanyang mga mata.

"Promise Mommy."Sa huling pagkakataon ay ginawaran niya ako ng isang napakatamis na ngiti.Unti-unti ng lumayo siya sa akin,akoy pumikit na lamang at tahimik na umiyak sa isang sulok.Napa-angat ang aking ulo nang may narinig akong isang marahas na pagbagsak sa sahig.Sumilip ako sa butas sa pagitan ng mga drums at dun ko nasilayan ang unti-unting paggapang ng aking Ina.

May isang lalaki sa kanyang harapan na may hawak na baril at itoy nakatutok sa aking Ina.

"Asan na ang formula?"tanong nung lalaki.

"Wala sa akin!" sagot ng aking Ina.

"Hindi mo sasabihin, kayang- kaya kong bawiin ang iyong buhay sa isang iglap lang" sambit nung lalaki.

"Hinding- hindi ko hahayaang mapunta yon sayo dahil makasarili ka!"sigaw ng aking Ina sa lalaki.

"HAHAHA"umalingaw-ngaw ang kanyang halakhak sa buong warehouse."You leave me no choice!"unti-unti niyang kinalabit ang gatilyo ng baril.

BANGGGGGGGG!

Napabalikwas ako sa aking higaan at habol- habol ang aking hininga."Akoy binabangungot na naman ng nakaraan."Nakita ko ang aking repleksyon sa salamin.Gulo- gulo ang buhok,tumatagaktak ang pawis sa noo at may mga luhang lunalandas sa aking pisngi.Kinapa ko ang kwintas na nasa aking leeg.

"I miss you Mommy"kasabay non ay may mga luhang tumulo sa aking mata.

Anathema UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon