Makalipas ang isang linggo..
Sabado ngayon kaya mag papahinga muna ako,pagod na pagod kaya ako sa isang linggo na pag travel namin sa Quezon,hayss ni wala nga kaming pansinan ni Oliver nun ehh,AWKWARD kumbaga,whahaha pero pake ko sa kanya..
Laging tumatatak sa isip ko na Kumain na ba sya?,Na mimiss nya ba ako? Ayan lagi ang nasa isip ko,halos hindi na nga sya nagpaparamdam ehh,pero masaya naman ako kasi andito na ulit sila Althea,na miss ko talaga sila kaya nung pag kadating ko dito niyakap ko sila..
Bakit ko ba to nararamdaman,wala naman akong gusto sa kanya,pero WHY? Isang malaking why? Ang pagtatanong ko sa isip ko
Oo na sabihin na nating nainlove na ako sa kanya,pero pagpapanggap lang naman to ehh,siguro kailangan ko ng itigil to,kailangan ko ng sabihin kay Oliver na itigil na namin tong pagpapanggap nato,dahil wala rin namang patutunguhan ehh!
Tinatamad akong lumabas ngayon,niyayaya nga ako nila Althea pero tumanggi ako dahil pagod na pagod na ako,naintindihan naman bila Faith yun kaya yun sila muna yung lumabas...
Ako nalang mag-isa dito sa dorm,namimiss ko na tuloy yung mga magulang ko,uyy kahit wala silang pake saakin,mahal na mahal ko yung mga yun..
From: Mommy
Andito kami ngayon ng daddy mo sa bahay,dalin mo na lahat ng gamit mo,kasi doon na tayo titira sa korea at doon ka narin magtatapos ng pag-aaral,ie-explain ko nalang mamaya ASAP,ngayon kana pumunta..
What? KOREA? Pero hindi naman ako marunong magsalita ng mga lenggwahe nila? Ano nanaman kayang nakain nila mama at doon na ako magtatapos ng pag-aaral sa Korea?
Sinunod ko nalang ang inuutos saakin nila mama,kinuha ko na yung maleta ko at nilagay na yung mga gamit ko,yung mga makeups sa bag ko and yung mga damit sa maleta,nagkasya naman lahat yun,nag aayos muna ako ng sarili ko ng nakauwi na sila Althea..
"What the? May nagawa ba kaming mali sayo at mag lalayas ka?" Sabi ni Althea,baliw na talaga to
"Saan ka pupunta bat ang ayos ng kama mo at bakit may mga maleta dyan,atsaka bakit wala na yung mga gamit mo,wag mong sabihing aalis kana dito" sabi ni Faith,wahh!! Mamimiss ko talaga sila,3 years naging kaklse ko sila at lalo na naging kaibigan ko pa,third year collage na kasi kami kaya 3 years,edi dalawang taon kami dun sa korea? Hayss,ano bayan..
"Maraming salamat sa pag papasaya nyo saakin,mamimiss ko kayong mga kalog kong kaibigan,sa korea na kasi ako mag aaral sabi nila mama,kaya uyy walang kalimutan ha,walang mang seseen sa facebook atsaka walang magpapalit ng sim card ha!" Sabi ko,ayokong umiyak kasi sayang naman tong minake-up ko sa muka ko,nagyakapan nalang kami at ako naman umalis na..
Mamimiss kita Oliver...
-
Andito na ako ngayon sa harap ng bahay namin,sinimulan ko ng mag doorbell,at yun nakita ko na ang pa cool kong nanay..
YOU ARE READING
The Break Up Planner
FanfictionGusto mo bang hiwalayan ang Boyfriend/Girlfriend mo? Here! *Tumawag ka saakin! -0922******* *Puntahan mo ako! - ********* University