1.
Gusto ko pang matulog pero mukhang hindi na ako hahayaan ni Manang! Argh! Ano'ng oras na ba kasi? Mukhang maaga pa naman!
"Ma'am? Breakfast na po. Hinihintay na po kayo ng Mommy't Daddy niyo sa baba."
And I don't have a choice, right?
Napahugot na lang ako ng malalim na hininga saka tamad na tamad na bumangon mula sa pagkakahiga. Kung pwede lang i-ditch ang breakfast. Kung pwede lang tumakas ng isang araw, gagawin ko!
But for the sake of my love for my parents, I will not ditch them. Will never ditch them because I love them so much!
O 'di ba, mabait pa rin akong anak kahit na matigas ang ulo ko. Kahit na nasusuway ko sila sa mga gusto nila para sa akin, ayaw na ayaw ko pa rin silang nadi-disappoint. Kaya nga kahit ayaw na ayaw ko nang pumasok sa office, I'm still going. I'm still trying my very best to go to work and show to them that I'm still interested. Which I'm really not, to be honest.
Isang malaking ngiti ang sinalubong sa akin nila Daddy, Mommy at Lolo Kris nang saluhan ko sila sa dining room.
"Gising na pala ang prinsesa ko!" Bati ni Lolo sa akin.
"Baby, hindi ka man lang nagsuklay bago bumaba?" Tanong ni Dad which is true because I really don't have the energy to go to work today. Nakipagpuyatan ako kay Lara Croft kagabi and I had the best moment again! But of course, they shouldn't know that.
Na hanggang ngayon ay adik na adik pa rin ako sa Tomb Raider sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba. Parang uhaw na uhaw talaga ako sa adrenaline rush at outdoor fun. Nakakainis kasi mas nafufrustrate lang ako sa tuwing maiisip kong hindi ko pwedeng basta na lang gawin yun at ang kilala nilang Kaesley ay prim and proper. Not the real Kaesley that I want to be.
And that's my everyday struggle; restraining myself to do the things I really want to do just because I don't want to disappoint my family. I don't want them to get upset or mad on what I really wanted to do.
And I wish I can really tell them.
"Sorry, Dad. I'm rushing going down here. Baka malate na naman ako, eh." Which is just an alibi.
Sorry na, Lord. I know I'm a certified liar na dahil sa dami kong pagsisinungaling but I just can't help it because of the situation. How I wish I have the freedom like what others have.
"O tara na, kumain na tayo bago pa lumamig yung pagkaing inihanda ko." Yaya ni Mommy na excited na namang ipatikim sa amin ang breakfast menu niya for today.
Obviously, she's a happy wife and a happy mom with a happy life. For 24 years, hindi niya yata pinagsawaang magluto ng breakfast para sa aming apat kahit pa inaawat na siya ni Daddy minsan.
But she doesn't want to let go of the cooking. Gusto pa nga niya pati lunch and dinner but Daddy got mad of the idea because he doesn't want Mommy to get tired of doing house chores when in fact, we have several helpers to do those things.
We all know how much he loves Mommy. Wala yatang araw na hindi niya makakalimutang sabihan si Mommy ng 'I LOVE YOU'. Wala yatang araw na hindi siya nagiging clingy sa asawa niya. And even if it looks gross to others, I find it very very cute for the both of them coz it's like seeing a very kilig scene in a movie.
Ni hindi ko man lang nakita na nabawasan yung love niya para kay Mommy. Mas nadadagdagan pa nga yata araw-araw.
Kaya naman nagtataka ako kung bakit hindi na nila ako nasundan kahit pa mahal na mahal nila ang isa't-isa. Kung bakit kailangang nag-iisa lang akong anak sa pamilya nila.
"May problema ba, baby? Bakit napapabuntong hininga ka dyan?" Puna ni Dad na agad kong inilingan.
Talaga naman. Pati ba naman ang pagbuntong hininga ko, napansin pa niya. Pasimple na nga lang, eh.
BINABASA MO ANG
Angel With A Shotgun
General FictionTHIS IS ABOUT MAIAH AND KYLE'S DAUGHTER, MIKAYLA KAESLEY MARTIN.