Chapter 1

23 1 0
                                    

Anne's POV

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Nakakasilaw yung ilaw.......... nilibot ko ung paningin ko sa buong kwarto. Nasaan ako? May natutulog na nakaupo na babae sa tabi ko habang yung isang babae natutulog sa sofa. Sino sila? Bakit parang nasa ospital ako?

Bakit wala akong maalala? Anong pangalan ko? Bakit kahit pangalan ko ay hindi ko maalala? Arghh! Ang sakit ng ulo ko

"Anne!"
Sabi nung babae na nakaupo sa sofa tapos nagising ung babaeng katabi ko. Kung titignan ko ung expression sa mukha niya........ masaya na nagulat.

"Gising ka na sa wakas.... Grace tawagin mo si Doc." sabi nung babae na katabi ko

" Sino po kayo?" tanong ko

"Anne? Hindi mo ba ako nakikilala?"

Pumasok yung doktor

"Mrs. Tsuhadei? Pwede ko po ba kayong kausapin ng personal?" sabi nung doktor

"Ayy, sigee hoo...... Grace, ikaw na muna magbantay kay Anne."

"Opo."

"Ahm... Anne... Sabihin mo lang sakin kung may gusto o kailangan ka or kung may masakit sayo."

"Bakit ako andito sa ospital?"

"Ahh.. Kasi.. naaksidente ka sa kotse."

Pinilit kong alalahanin kung bakit o paano nangyari pero hindi ko talaga maalala. Sumasakit lang ulo ko Grrr!

"Wag mo muna pilitin sarili mo na maalala yung nangyari."

"Bakit ako naaksidente? "

" Si Janine... Yung classmate mo sa Maxville University. Siya yung kasama mo nung gabi na naaksidente ka. She has a depressive disorder."

Pumasok yung isang girl, well probably she is our mom.

"Ma.... ano pong sabi sayo ng doktor?"

"Ah.... Pagusapan nalang natin yan Grace mamaya. Basta ang mahalaga muna sa ngayon ay makapagpahinga at magpalakas si Anne. "

"Okay po. "

"Grace, ikaw muna magbantay sa kapatid mo, may pupuntahan lang ako."

"Sige po, ingat ka ma."

* I smiled*


"Kelan pa ba ko nandito?"

"One month na."

Maria's POV

"Mars, baka pwede ako humiram sayo ng ano... ng konting pera, nagising na kasi si Anne."


"Ayy, talaga? Nako buti naman, namiss ko na yung kakulitan nun. Ano sabi ng doktor?"

"Ehh, kaso may amnesia siya. Pero sabi ng doktor pwede na siya madischarge sa susunod na linggo basta mabayaran ng buo yung bill pero wag ka magalala mars, kahit magkano lang, kung ano kaya mo ipahiram tapos ako na bahala, kung saan ako kukuha ng pambayad"

"Ano ka ba naman! Para namang hindi tayo magkaibigan. Pag kailangan niyo tulong ko, alam mo naman mars palagi akong handa , girl scout of the year kaya ako dati *tawa*o bakit ganyan yung itsura mo?"

"Eh kasi...... nahihiya na ako sayo."

"Wow, sa tagal nating magkaibigan ngayon ka pa mahihiya, basta para sa mga anak mo. Alam mo naman na anak na din ang turing ko sa kanila...."

"Salamat talaga, hindi ko alam pano ko masusuklian yang kabutihan mo."

"Nagdrama nanaman si Inday.... and THE BEST ACTRESS AWARD GOES TO MARIA GRACIA!"

EAFLWhere stories live. Discover now