ANNE'S POV
Paano ba gagawin kong strategy para marami ang bumili?
"Browniiieesss, bili na kayo........" , parang wala naman pumapansin sa akin, mukha akong ewan dito.
Tinignan ko sila Ethan..... buti pa sa kanila maraming bumibili, sana si Ethan nalang partner ko. Letse kasi tong Ryker este James na to eh.....
"Ate, masarap yung brownies na product namin, bili na kayo......"
Nakita ko si James na dumaan, "Hoy Ryk......... James!"
Tignan mo to, di namamansin....... Nilapitan ko siya, "Huy!"
"What the fu*k is your problem?"
"Hoy, wag mo nga ko murahin, ano? Saan ka pupunta? Kailangan natin magtinda."
"Edi magtinda ka....... tss...." Umalis uli siya, letse talaga siya nakakainis!
********************************
After 1 week
"Okay, class....... I want to see the income statement, receipt at yung inventory."
"Sir, diba may 1 month pa po kami?"
"Yes Ms. Tsuhadei pero gusto ko makita yung progress for this week......"
Hala...... Wala kong inventory....... income statement? Hala...... oo nga pala kailangan yun.......... ayoko na.... bwisit kasi tong si James eh......
"Ms. Tsuhadei, where's your income statement and inventory?"
"Sir...... kasi po........"
"Dalawa lang ang nabenta niyo? Alam niyo bang net loss na kayo for this week? Inexplain ko to last week pa diba? "
"Sir....kasi"
"Gusto niyo bang makakuha ng 75?"
"Hindi po sir..."
"Ayusin niyo to!"
Nakakahiya sa iba kong classmates, yung sisigawan ka ng prof mo...... nakita pa ni Ethan..... Oo! Si Ethan, dahil gusto ko siya......... Di ko napigilang umiyak.... Nagwalk-out ako sa classroom.
"Ms. Virgin!"
"Ano?! Masaya ka na?! Bagsak na ko! Ang hirap hirap mong pakisamahan............ palibhasa baliwala lang sayo kahit bumagsak ka kasi anak ka ng mayari ng school na to pero ako....... sino ba naman ako? Alam mo ba kung gaano ka importante sa akin yung grades ko!" Sinabi ko habang humahagulgol sa iyak
"I'm sorry."
"Wala na...... wala na tayong kikitain......."
"May 3 weeks pa, I swear maraming bibili sa atin.......... just stop crying...."
Pinunasan niya yung luha ko ng kamay niya, "Stop crying, lalo kang pumapanget........ maawa ka sa makakakita, baka matakot sila sayo....."
*************************
Grabe......... lumulutang utak ko. Hindi ko padin makalimutan yung nangyari kanina, napahiya ako...... Pagbaba ko ng school bus, nagtaka ako bakit may kotse sa tapat namin? May bisita siguro si mom. In fairness ha, mayaman...... ang ganda ng kotse.
"Don't touch my car, marurumihan."
Teka parang pamilyar yung boses, pagtingin ko sa gate namin..... "Ry.... James?"
YOU ARE READING
EAFL
RandomMay isang babae na ang pangalan ay Anne. Lumipat siya ng eskwelahan dahil sa isang aksidente sa dati nyang eskwelahan. Nakilala niya ang isang gangster na makakapagpabago sa kanya at makakapagpabalik ng memorya niya, ngunit hanggang saan nila kakay...