Chapter 3

11 0 0
                                    


Maria's POV

"Huy! mars? may problema ka ba?"

"Huh??"

"Jusko! isang bote ng vanilla extract nilagay mo, sayang.... nababaliw ka na ba? Gusto mo mawalan tayo ng customers?"

"Mars , sorry ha....... may iniisip lang kasi ako.."

"Ano ba yang iniisip mo? Parang ang lalim ng problema mo....... alam mo let Jenny bake the cake, let's talk."

Pumunta kami dun sa office niya

"Ano ba kasing problema mo?"

"Nagtatanong kasi si Anne tungkol sa tatay niya, hindi ko alam yung isasagot...... syempre maraming tanong na pumapasok sa utak niya dahil may amnesia siya...."

"Oyy... wag ka umiyak... eh ano ba sinabi mo nung nagtanong siya??"

"Nagalit ako sa kanya, para di na niya ako kulitin......"

"Hanggang kelan mo ba kasi itatago sa kanila yung tungkol sa tatay nila?"

"Habang nabubuhay ako........"

"Hindi mo naman pwedeng itago habang buhay sa kanila , malalaman at malalaman din nila yun , wag mong intayin na tadhana ang magturo sa kanila tungkol sa tatay nila..."

"Pag nalaman nila, sigurado ako hahanapin nila si Anthony, hindi sila pwedeng magkita...... "

"Bakit ba kasi ayaw mo ipakilala sila sa tatay nila, para hindi ka nadin nahihirapan, biruin mo magisa mo lang silang tinataguyod, sigurado ako na tatanggapin ni Albert si Anne at Grace , at susuportahan niya pa sa mga kailangan nila....."

"Natatakot ako.... baka.. baka kunin niya sakin si Anne at Grace, mars, hindi ko kaya na mawala sila sakin, sila nalang ang pamilya ko ....."

*Throwback*

"Sir, eto na po yung inorder niyong cake, 750 pesos po......"

"Ahh, ganun ba?? Eto oh..... keep the change..."

"Po?? Ayy, hindi na po sir, may pangsukli naman kami sa isang libo......"

"Pag nangulit ka, dadagdagan ko yan....."

"Ayy.. sigee... po kayo bahala....salamat po....."

*Umalis na siya, ang bait niya...... ang gwapo pa... ilang taon na kaya siya? * sabi ko sa isip ko

"Huy!"

"Eto namang si ma'am oh nanggugulat....."

"Sabi ko sayo , wag mo na kong tawagin na ma'am, mars nalang......... by the way, bakit ka ba nakatulala?"

"Ha? Ahh..... ano... wa... wala, iniisip ko lang ano kayang bagong recipe na pwede natin idagdag dito sa restaurant mo......."

"Ano ka ba, *tumawa siya*, wag mo masyadong dibdibin yun, sige ka baka magkaheart attack ka ....... "

*The Next Day*

"Marsssss!!!"

"Ohh, bakit??"

"May naghahanap sayo...."

"Huh?? Bakit daw?"

"Ewan ko........ bastaa!!! Biliii!!!"

Paglabas ko, nakita ko siya, oo siya!! Yung lalake na hindi na kinuha yung sukli sa binili niya kahapon...... nakakahiya, pinagpapawisan ako ...... hindi man lang ako nakalagay ng pulbo....

EAFLWhere stories live. Discover now