ANNE'S POV
"Jody"
"Why?"
"Galit pa ba sakin si Nayve?"
"Hindi ko alam eh.... siya nalang kaya tanungin mo."
"Nasaan ba siya?"
"Baka nasa cafeteria?"
Dali dali akong pumunta sa cafeteria para hanapin siya..... nakita ko siyang nakaupo magisa habang kumakain ng.... as usual, paborito niyang carbonara.... "Nayve." Pinuntahan ko siya at umpo din ako, "Galit ka pa ba sa akin?"
"Hindi"
"Hindi? As in hindi? Kasalanan lang talaga nung lalakeng yun eh, gumaganti lang yun sa akin , kaya ginawa niya yun, gusto niya na magalit ka sa akin....... kaya yung sinasabi niyang babe, wala yun....."
"Okay lang, naiiintindihan naman kita...... kung galit ako sayo edi sana di kita binigyan ng ingredients... pero pwede humingi ng favor?"
"Ano yun?"
"Pwede mo bang iclose si James, alamin mo yung paborito niyang pagkain, kulay tsaka iba pa."
"Huh? Bakit ako? Ipagawa mo nalang kay Jody......"
"Diba gusto mo tayong magkabati?"
"Oo..."
"Gagawin mo ba?"
"Eh bakit ayaw mo si Jody.....?"
"Ehh, shunga shunga yun eh...... wala yung confidence...... sige na...... ngayon lang naman ako hihiling eh....... unless ayaw mo tayong magkabati....."
"Tss..... hayss..... sige na nga... pero wait, cr lang ako ha....."
Pabalik na ko ng cafeteria may lumapit sa akin na matanda, "Hija, pwede mo bang tawagin yung apo ko, ang sabi sa akin, nasa rooftop daw siya...."
"Ahh, ganun po ba? Ano po pangalan?"
"Vincent Marcapio"
"Ahh sige po... tignan ko po."
"Salamat hija....."
Pagkadating ko ng rooftop, biglang naalala ko, hindi ko nga pala alam itsura nung pinapahanap nung matanda....... alanganaman isa isa kong tanungin yung mga tao kung siya si Vincent...... kaya lang nakakaawa naman yung matanda, baka maghintay siya dun. Nakita ko si Ryker este James na nakaupo, sana mahulog siya, nakakainis para karmahin siya at mawala na siya dito sa mundo.... hindi kaya?..... kasama niya yung Vincent? Pumunta ako sa kanila
Kinalabit ko yung katabi ni James na lalake, "Ikaw ba si Vincent?"
"Ako bakit? May gusto ka ba na gawin natin?" habang nakangiti...... arghh... manyak....
"In your dreams, hinahanap ka kasi ng lola mo sa baba."
Nagsitawanan sila, "Anong tinatawa tawa niyo diyan?!"
"Stalker ka ba nung Vincent na yun?"
"Sabihin mo sa lola ko, may gagawin pa tayo..... kaya lang.... *tinignan ako mula ulo hanggang paa*" sabi ni James
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! FYI, virgin pa ko....... baka nga ikaw diyan ang ano eh........ hayy nako..... bahala kayo sa buhay niyo!" Nagwalk out ako
Teka, bakit ko yun sinabi? Ang lakas lakas pa ng pagkasabi ko........ nakakahiya argghhhh...... nasaan ba kasi yung Vincent na yun? Habang naglalakad sa rooftop, may nakita akong nakaupo at nagbabasa na lalake.... siya kaya si Vincent?
YOU ARE READING
EAFL
De TodoMay isang babae na ang pangalan ay Anne. Lumipat siya ng eskwelahan dahil sa isang aksidente sa dati nyang eskwelahan. Nakilala niya ang isang gangster na makakapagpabago sa kanya at makakapagpabalik ng memorya niya, ngunit hanggang saan nila kakay...