Chapter 5

6 0 0
                                    

ANNE'S POV

Unti-unti kong minulat yung mata ko... arghh.... ang sakit sa mata nung ilaw.. ang liwanag... nasaan ako? Langit ba to?

"Kamusta na yung pakiramdam mo Ms. Tsuhadei?" sabi nung babae na nakaputi.... para siyang nurse

"Okay naman na po? Ahm.... why am I here?"

"Hindi mo ba maalala? Nahimatay ka kanina dun sa classroom niyo...."

Ang naaalala ko lang ..... may binanggit na pangalan yung teacher namin sa T.L.E pero hindi ko maalala kung sino yung binanggit niya..... 

"Papunta na yung mama mo...... tinawagan namin kanina.... Mahiga ka muna diyan.... magpahinga ka muna..... " May kumatok sa pintuan... "Speaking of, andito na mama mo..."

"Ano nangyare sayo? Okay ka lang? Nahimatay ka daw? Ano na pakiramdam mo?Nahihilo ka ba?"

"Relax lang po, baka po atakihin kayo niyan........ based po dun sa test na ginawa...... damaged po pala yung brains niya?"

"Ahh opo, actually may amnesia yung anak ko...... naaksidente kasi siya dati...."

"Ahh, I see....... umiinom po ba siya ng gamot on time?"

Mom looked at me ... " I forgot eh , hehe...." with peace na sign sa kamay ko..

"Kailangan po iinumin niya yung gamot niya sa tamang oras para hindi siya nahihilo or nahihimatay...."

"Ahh ganun po ba.... salamat nurse ha..... kausapin ko lang yung anak ko...." 

Wag.... wag kang lalabas..... nurse please? Baka hindi na ko makalabas ng buhay dito sa clinic...... 

"Bakit hindi ka uminom ng gamot?!"

"Ah.. eh.... kasi...po.... I was rushing kasi malalate na po ako.... kaya I forgot that I have to drink my medicine pa pala....."

"Sinabi ko sayo eh wag mong kakalimutan inumin yung gamot mo.... tignan mo yung nangyare sayo...... nahimatay ka .... alam mo ba pinagalala mo ko..?! Kinailangan ko pang umalis ng restaurant..... "

"Hehe..... sorry.... It won't happen again...."

"Siguraduhin mo lang..... tara na... ihahatid na kita sa bahay....."

"Kukuha lang muna ko ng books sa locker, may assignment pa kami eh....."

"4th floor pa yung pupuntahan mo ..... mamaya mahilo ka nanaman..... wala ka bang pwedeng utusan?" 

"Wala eh...."

"Psttt.... hijo....." sabi niya dun sa lalake kaso di ko maaninag kasi medyo malayo....

"Pwede mo bang kuhanin yung libro ng anak ko sa locker niya kasi 4th floor pa un eh baka mahilo nanaman siya o di kaya mahimatay...... pasuyo lang naman oh....." Hindi sumasagot yung lalake 

"Ano ba locker number mo? Tsaka anong libro yung kukunin?"

"105, economics"

Lumapit yung lalake........ shemaayyyy....... si... si ano yun ah... si ... si Ryker.... ay.... ayaw niya nga pala na tinatawag siya sa ganung pangalan..... well.... hindi naman niya ko naririnig....... 

"Mom..... kaya ko na..... tsaka ano eh.... nakalimutan ko yung password ..... maaalala ko lang yun kapag nakita ko yung lock....."

"Password? Diba disusi yung lock na binili ko sayo......" Ayy, oo nga pala..... nakalimutan ko..... 

EAFLWhere stories live. Discover now