ANNE'S POV
"Class, you have to talk with your partner tungkol sa pagkain na gagawin niyo at ibebenta dito sa school, ang may pinakamataas na kita sa pagbenta ang makakakuha ng pinakamataas na grades and of course, hindi magtatake ng quarterly exam sa subject ko dahil automatic na perfect na agad."
"Wooooaaahhhhh" Nagreact silang lahat...
"Quiet, quiet! I almost forgot to tell you, you have to do the income statement, inventory, the receipt... inexplain ko lahat yan kahapon diba? So you must not have a problem with it....."
Nagtaas ako ng kamay, "Ma'am, ano pong klase ng pagkain? I mean, ulam or desserts like cupcakes, baked po ba? and saan namin lulutuin?"
"Well, hindi kayo magtitinda ng mga ulam, ang ititinda niyo ay desserts...any kind of dessert and bawal kayong bumili ng ititinda niyo...... dapat sariling luto, and remember, I will know kung binili niyo lang yung products niyo, gagawin niyo yan sa house niyo since yung cooking lab ay gagamitin ng JHS, and last you have to tell me yung amount ng capital na mapagusapan niyong magpartner."
Seriously? Hindi magtatake ng quarterly exam? Ang swerte naman kung sino mang magkapartner na yun.......sigurado ako, hindi kami yun dahil wala naman kwentang kapartner tong si James eh..... hindi natulong.
"Okay, good bye class!"
Pagkalabas namin ng classroom, dumeretso ako sa rooftop, ang sarap kasi ng simoy ng hangin doon........ parang mas makakapagisip ako ng maayos..
Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko, "Kayo na naman? Anong balak niyo sa akin?"
"Sorry po!, sorry, hindi na mauulit...."
"Parusahan mo nalang kaming dalawa, gagawin namin kahit ano patawarin mo lang kami...."
"Sorry parang awa mo na...."
Lumuhod sila sa harapan ko, pilit na nagmamakaawa, naaawa ako sa kanila, duguan yung mukha nila at nakatali yung kamay nila......
"Tumayo kayo diyan.." Sinabi ko at tinanggal ko yung tali sa kamay nila
"Parang awa mo na, kahit ano gagawin namin....... parusahan mo kami! Mas malala ang sasapitin namin kapag di mo kami pinarusahan..."
"Hindi ko kayo magets? Mas malala sasapitin niyo kapag hindi ko kayo paparusahan? Teka? Sino ba ang may gawa sa inyo niyan? Gamutin niyo yang sugat niyo, yan yung parusa ko sa inyo, pero ipangako niyo na hindi niyo yun gagawin sa iba, kung alam niyo lang kung gaano ako natatakot na lumabas ng classroom o pumasok dito sa school dahil sa ginawa niyo... pero sorry, hindi ko kayo mapapatawad....... siguro, ako talaga yung tipong tao na hindi agad makakapagpatawad. "
"Pangako, hindi na mauulit..."
"Salamat po! Salamat!" Lumuhod uli sila sa akin
************************
"Hi mom...."
"O, bakit parang lantang gulay ang itsura mo?"
"Kasi mom..." Hindi ko alam kung ano ikekwento ko. Dapat ko bang ikwento yung tungkol sa mga lalake? O wag nalang? Ikwento ko nalang yung tungkol sa pagbenta namin ng pagkain?
"Mom, ano bang pwede itinda? Yung desserts daw eh like cupcake or what."
"Marami akong alam na pwede niyo itinda, saan niyo ba ititinda?"
"Sa school po."
"Magkano yung capital niyo, kasi kumpleto naman tayo ng ingredients dito sa bahay so basically, ang bibilhin niyo nalang ay...hmmmm....... parang wala na eh? Kasi may box din tayo dito na pwede niyong paglagyan ng products........"
YOU ARE READING
EAFL
LosoweMay isang babae na ang pangalan ay Anne. Lumipat siya ng eskwelahan dahil sa isang aksidente sa dati nyang eskwelahan. Nakilala niya ang isang gangster na makakapagpabago sa kanya at makakapagpabalik ng memorya niya, ngunit hanggang saan nila kakay...