Chapter 10

5 0 0
                                    


ANNE'S POV

Pagpasok ko ng gate. Bakit ang daming estudyante na babae? Nagtitilian sila. May artista ba? Sino kaya yung pinagkakaguluhan nila?Papalapit ako ng papalapit, tekaa? Si James yun ha? Ano yung nakasulat dun sa papel na nakadikit sa uniform niya? Hindi ko makita, tss ang dami kasing estudyante. 

FREE KISS?!

"James, oorder ako sampung box....."

"Ako ooder din ako nung strawberry."

"Teka ako nauna umorder."

"Ako kaya!!!"

"Pabili ngaaaa kahit gano kadami ."

"Wait. Wait. Please fall in line. Ang dami niyo, isa lang ako."

Buti nga sa kanya. Kala niya, ang dali dali magtinda magisa, hindi niya ko tinulungan nung isang araw. Di ko din siya tutulungan. Aalis na dapat uli ako kaso....

"Anne!"

"Nayve?Di ka na galit sa akin?"

"May informations ka na ba?"

"Sorry Nayve, wala pa eh. Ang hirap kaya kausapin ng lecheng lalake na yan tsaka diba sabi mo hindi naman yan namamansin ng babae."

"Naniniwala ako kaya mo yan. Di ko din kasi matiis na hindi ka kausapin. Ang swerte mo naman ang daming bumibili sa inyo."

"Hay nako, mas maswerte ka na si Ethan partner mo. Nung isang araw mukha kong tanga na nakatayo diyan walang pumapansin. Bagay lang sa kanya yan. Ang malas ko nga at siya pa nakapartner ko"

"Di mo ba ko tutulungan dito?" Sigaw ni James

Tsss. Nakakakonsensiya naman kung di ko siya tutulungan. Sabagay, hindi naman niya ko katulad na masama.

"Ahm, sige Nayve ah. Tulungan ko lang siya magtinda."

"Okay sure."

"Fall in line po."

"5 box nga ng strawberry streusel bars tapos 5 box ng red velvet white chocolate chip cookies. !0 kiss yun ah...."

"Eto receipt niyo. Pakisign nalang dito."

Hinalikan siya ni James sa noo, pisngi at kung saang partne ng mukha maliban sa lips. Nakakadiri sila. Tsss.....Ano ba yang mga babae na yan? Para lang sa halik gagastos sila? Grabe ang init. 

Ayun, ang daming bumili sa amin....... well hindi lang naman babae. May mga lalake din na bumili. Nakakapagtaka, grabe..... iba talaga pag...pag.... OO AAMININ KO NA! Iba talaga pag gwapo. Naubos yung lahat ng binake namin sa loob ng isang araw? Ang dami nun. Yessssss sana kami yung may pinakamataas na kitain.Grabe ang init. Pawisin pala siya. Ako din eh.

"Hoy magpunas ka nga ng pawis mo. Baka mandiri sila sayo kapag puro pawis ka." Inaabot ko yung towel ko

"Ayoko, mamaya mahawahan pa ko ng germs mo."

"Wow. Edi wag. Tss."

"Punasan mo yung pawis ko"

"Ang swerte mo naman kung ganun."

"I told you I was born lucky and pasalamat ka sakin, kung hindi dahil sa akin......walang bibili sayo. You won't have high grades and kapag nagkasakit ako, wala kang makakatulong sa pagtinda."

"Bahala ka nga sa buhay mo." 

Bakit ko naman pupunasan yung pawis niya? Baka kung ano pa isipin ng iba.

EAFLWhere stories live. Discover now