Gelo Lerthon Cruz's POV
Aaminin kong nagulat ako sa ginawa nung babae at the same time ay nasaktan din. Ikaw ba naman pukpukin sa kamay saka suntukin sa mukha?! Ha?! Baliw sya!
Sa sobrang inis ko ay binalak ko syang asarin lalo pa't pikon palagi. Aaminin ko din na maganda sya , kaso may attitude problem. Napakasama ng ugali! Tanga na lang ang magsstay sa kanya!
Nanlaki ang mata nya ng ibinulong ko ang mga salitang iyon.
"Pervert!" Sigaw nya sakin saka.....saka....saka....
"Araaay! Wooooh! Sheeet! Ansakiiit!!!" Napasipol ako sa sobrang sakit ng pagsipa nya! Tangina! Sinipa nya kinabukasan ko! At sobrang sakit non! Paano kung mabaog ako?! Paaanoooo?!!
"Tama lang sayo yan! Manyakis ka! Masira sana yang kinabukasan mo! Tse!" Saka sya mabilis na tumalikod. Hindi ko na sya nahabol dahil ang sakit talaga!
Nang makarecover ako ay saka ako tinulungan ng kaibigan kong utas sa pagtawa. Wag ka sanang makahinga! Peste ka!!
"Hahahahaha. Pre , masakit ba?" Nang-aasar na tanong ni Jersy Earl Salazar.
"Hindi. Masarap nga eh. Halika dito at itatry ko sayo." Isinuko nya ang kamay nya.
"Ikaw naman kase Pre . Napakaharsh mo don sa magandang babae. Napakaganda pa naman." Sabi nito. Umupo kami sa upuan na nandoon habang ang iba naman ay inaayos ang nasirang scene.
"Maganda nga , masama naman ang ugali. No thanks , Pre." Sabay kaming napatawa.
"Pero , kakaiba ang babaeng iyon. Hindi mo ba napapansin?" Napaisip ako. Ano namang kakaiba sa kanya? Wala naman.
"Kakaiba? Nagmukha ba syang alien kanina?" Biro ko.
"Basta. Feeling ko may kakaiba sa kanya."
Nagkibit balikat na lamang ako. Ang totoo nyan ay pinag-aartista ako ng Mom ko at ayoko talaga ng ideya nyang iyon! Hindi ko nga alam kung dapat ba akong magpasalamat doon sa babae o hindi eh.
Balak ko ng sabihin ngayon kay Mommy na ayoko talaga mag-artista! Hindi ko naman hilig ang umarte.
"Direk." Tawag ko kay Direk Dima.
"What can I do for you Gelo?" Tanong nito sakin.
"Honestly , Direk. Hindi ko talaga hilig ang umarte kaya-"
"Balak mo ng umalis , tama ba?" Dugsong nito sa aking sasabihin. Ngumiti ako ng pilit.
"Y-yes Direk." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti naman ito sakin na parang walang problema.
"Well , if thats what you really want , Then go ahead." Nakangiting sabi nito. Niyakap ko si Direk dahil kahit papano ay naging close ko din ang matandang ito kahit harsh masyadong magsalita.
YOU ARE READING
Standing In Front Of Destiny
RomanceSya si Shainna Coreen Sutherland , isa siyang babaeng nangangarap na mabuo ang pamilya kahit na napakaimposible noong mangyari. Halos lahat na ata ay meron sya , maliban sa pamilya at kaibigan. Oo , wala syang kaibigan dahil para sa kanya , friends...