Chapter 8

1 0 0
                                    

Shainna Coreen's Pov

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong humiga! Pagod na pagod ako ngayong araw.

Ipinikit ko ang mata ko pero wala pang ilang segundo ng may kumatok sa pinto ko! Inis kong timignan yon saka bumangon at tinignan.

"Gusto ka daw makausap ni Dad." Bungad nya. Napairap naman ako. Pagod nga ako diba?! Malamang gusto kong magpahinga! Anak ng tokwa...tsk.

"Sabihin mo pagod ako. Gusto ko ng magpahinga." Sabi ko na astang isasarado ang pinto pero hinarangan nya!

"Gusto ka nyang makausap ok? Kaya bumaba ka na." Sabi nya kaya mas lalo akong nainis! Dito kami madalas nagtatalo ni Herdy! Kay Dad!

"Pagod nga ako ok?! Naiintindihan mo bang Pagod ako?! Pagod ako kaya gusto kong magpahinga!" Sigaw ko sa kanya. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Wag mo nang hinataying itulak pa kita pababa, Shainna! Ano ba?! Hindi kayo aabutin ng isang oras ng pag-uusap! Kaya bumaba ka na!" Inis na din na sigaw nya saka ako tinalikuran! Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang!

Nang makababa ako ay nandoon din si Nicka. Nakakasira ng gabi!

"Mabuti naman at bumaba ka na?" Sarkastikong sabi ni Dad sakin.

"Ano ba yong sasabihin mo? Bilisan mo't nasasayang ang oras ko." Sabi ko saka umupo. Ngumisi naman sya.

"I just want to tell you na, bukas na gigibain ang bahay ng iyong Ina." Mariin ko syang tinignan sa mata! Ano bang meron sa bahay na yon at parang gusto nilang alisin?!

"Do whatever you want, Dad! Ano bang meron sa bahay na yon at desidido kayong gibain?! Ha?! Kung gusto nyong gibain ang bahay na 'yon, gawin nyo! Sige! I dare you to do that! But, Dad! Sa oras na gibain nyo ang bahay na 'yon, ilaladlad ko lahat ng sikreto mo! Wag mo akong subukan dahil kahit ama kita, gagawin ko yon talaga!" Galit na sigaw ko na napatayo pa!

Nagtiim ang bagang ni Dad saka ako matalas na tinignan sa mata!

"Sikreto?! Ano bang sinasabi mo?!" Galit na ding sigaw nya na niluwagan pa ang kurbata!

"Na nandaya kayo para manalo! Dinaya nyo ang botohan noong halalan, hindi ba?! Naging mayor kayo, dahil nandaya kayo!" Sigaw ko at natigilan sya! Pati si Nicka ay masam ang tingin sakin! Si Herdy na nasa isang tabi lang!

Standing In Front Of DestinyWhere stories live. Discover now