Shainna Coreen's Pov
Maaga akong nagising dahil nasisinagan ng araw ang legs ko. Napagpasyahan kong ngayon na mag-ayos ng kwarto, wala naman akong gagawin ngayon. Tsaka sayang ang oras. Naligo muna ako bago bumaba, pupunta akong mall. Pagdating ko sa baba ay halos andoon na silang lahat, sabay sabay pala silang kumakain?
Lalagpasan ko na sana sila ng magsalita si Aling Medring.
"Oh, Ija? Halika't sabayan mo kaming kumain. Ay nakalimutan kong sabihin sa iyo noong isang araw na kasama sa upa mo ang pagkain mo dito sa umaga. Iyon ang napagkasunduan namin dahil sa malayo ang bilihan ng almusal." Paliwanag nya. Nahihiya akong umupo, meron nang nakalatag na pinggan doon, parang nakalagay iyon para sakin.
"Ganon ho ba? Sige po, salamat." Sabi ko na lamang. Kumuha ako ng kaya ko lamang kainin, kaunti lamang ako kumain.
"Kakaunti mo lamang kumain, Ija. Teka, saan ba ang punta mo't kaganda ng suot mo?" Usisa nito. Pinunasan ko muna ang labi ko saka sya hinarap.
"Sa Mall ho. Gusto ko po mamili ng mga bagong gamit tsaka mga damit at sapatos." Sabi ko. Narinig ko pa ang pagsinghal ng babaeng katabi ko. Nakataas ang paa nito habang kumakain, parang hindi babae. Ang mga lalaki naman ay panay ang tingin sa akin, naiilang tuloy ako.
Natapos kaming kumain at gaya ng sabi ko ay dumiretso na ako sa Mall. Namili ako ng mg gamit ko, tsaka mga kailangan ko na din. Nakakatuwang noong binuklat ko ang wallet ko ay may nakasipit na credit card doon. Marami pang laman iyon kaya tiyak na magagamit ko.
Pagkatapos kong magbayad ng mga pinamili ko ay halos magkandaugaga ako sa pagbubuhat. Nasanay ako na may mga body guards na tumutulong sakin kaya naman pagdating ko sa Apartment na tinutuluyan ko ay sobrang pagod ko.
Halos mangiyak ngiyak akong tignan ang hagdan na kailangan kong akyatin.
"Gusto mo ng tulong?" Tanong ng isang lalaki. Tinignan ko ito saka nginitian.
"O-ok lang ba?" Nahihiyang tanong ko, ngumiti sya sakin saka umiling.
"Ok lang naman. Hahaha." Saka nya binuhat ang mga pinamili ko paakyat sa kwarto ko. Pagkatapos namin iakyat lahat ay nagkatinginan pa kami saka nagngitian.
"Salamat ha." Sabi ko sa kanya. Nakangiti syang sumaludo sakin.
"Walang anuman." Saka sya lumabas ng kwarto ko. Hindi ko na pinagkaabalahang isarado ang kwarto ko dahil mabanas, hindi ako sanay na walang aircon. Huhuhu.
Kinuha ko lahat ng pinamili ko, marami akong biniling damit dahil di ko pa nakukuha lahat ng damit ko doon. Pati mga sapatos ay bumili na din ako. Inayos ko ang mga iyon saka nilagay sa closet ko.
Ang ref na binili ko ay idedeliver na lang, hindi ko yon kayang buhatin no. Pumasok ako sa banyo saka nilgyan ng tsinelas na binili ko. Kinuha ko ang mga binili kong shampoo, mouthwash, toothbrush, conditioner, feminine wash at shower gel saka pinatas doon.
Bumili din ako ng bagong kutson sa kama, hindi ko kilala kung sinong tumulog dito dati, baka mamaya ay may surot na ito. Kulay pink na unan, kumot at kobre kama.
Ipinatas ko na din ang mga binili kong perfume, lotion, pulbo, lipstick at mga accesories.
Ilang oras ang lumipas at dumating na nga ang Ref ko.
"Ija, sa iyo ba itong ref na ito?" Tanong ni Aling Medring. Tumango naman ako sa kanya saka pumirma doon sa delivery boy.
"Kuya, paki-akyat naman sa taas nyang Ref." Sabi ko. Sinunod nya naman agad at ipinasok sa kwarto ko ang ref. Nagpasalamat ito sakin saka umalis. Inayos ko na ang ref na binili ko, at sa katangahan kong taglay. Nakalimutan kong bumili ng mga prutas.
Pagkatapos kong ayusin ang lahat ay bumaba muna ako, hindi ko alam kung bakit palaging nakataas ang kilay ng babaeng iyon sakin.
"Halika dito at manood ka ng Tv." sabi ni Aling Medring, marahil kaya palagi nya akong tinatanong ay para may makausap man lang ako.
"Makipagkaibigan ka naman sa kanila Ija. Teka, ano nga ba ang iyong pangalan?" Nakangiti nitong tanong. Nag-isip naman ako ng pangalang pwede kong gamitin.
"Shareen na lamang po ang itawag nyo sakin." Sabi ko na lamang. Nakangiting tumango naman sakin ang matanda.
Kapansin pansing ayaw sakin ng tatlong babaeng andito, base kase sa mga tingin nila ay palagi silang nakairap sakin. Well, hindi ko sila pinapansin, hindi sila magaganda para pansinin ko.
Nanonood na lamang ako ng pinapanood nila. Si Nanay Medring ay panay ang kwento sakin, sinabi nya saking Nanay na lang ang itawag ko sa kanya, pabor naman sakin iyon. Makwento si Nanay, halata sa kanya. Nakakatuwang sa edad na 70 ay malakas pa ito at sa awa ng diyos ay walang iniindang sakit. Si Tatay Kadring naman ay makakalimutin na, 73 na ito, kapansin pansin din na palagi nyang tinatanong kung sino kami at panay ang sagot ni Nanay na kami ang nangungupahan, maya maya ay ganon na naman ang tanong nya.
"Teka muna't pagpapahingahin ko na itong si Kadring, bawal na kaming mapuyat." Sabi ni Nanay saka inakay ang asawa. Nagtatakang nilingon naman ito ni Tatay.
"Sino ka ba?" Tanong ni Tatay na ayaw magpahawak. Napabuntong hininga naman si Nanay.
"Ako ang iyong asawa, kadring." Sabi ni Nanay. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang umiyak si Tatay saka niyakap si Nanay. Nakakatouch ang ganoong eksena, ganoon pala talaga kapag mahal mo ang isang tao. Nakakalimot ang isip pero hindi ang puso.
"Ganyan talaga sila, masanay ka na." Nilingon ko ang lalaking nagsalita. Ngumiti lamang ako sa kanya at hindi na sumagot pa.
Ilang minuto pa akong nanatili roon bago makaramdam ng antok. Agad akong tumayo at nagsimula ng maglakad.
"Hi Guys! Hahaha!" Natigilan ako sa paglakad. Kilalang kilala ko kung kaninong boses iyon! Hindi ako pwedeng magkamali. Nanatili akong nakatalikod sa kanila. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Kinakabahan ako!
YOU ARE READING
Standing In Front Of Destiny
RomanceSya si Shainna Coreen Sutherland , isa siyang babaeng nangangarap na mabuo ang pamilya kahit na napakaimposible noong mangyari. Halos lahat na ata ay meron sya , maliban sa pamilya at kaibigan. Oo , wala syang kaibigan dahil para sa kanya , friends...