Chapter 11

0 0 0
                                    

Shainna Coreen's Pov

Kasalukuyan akong nagliligpit ng aking mga gamit nang biglang magring ang phone ko. Tiningnan ko iyon ngunit number lamang, familiar ang numero kaya sinagot ko.

"Good evening, Ma'am. I'm Mary Ann po from Medix hospital. Are you the relatives or friends of Mr. Zayden Kace? Isinugod po sya noong isang araw mga around 2:00 pm because of a car accident. Ayaw nya pong ipacontact ang family nya, pero kase po nahihirapan po sya sa lagay nya at sa tingin ko po mas maganda kung meron man lang syang kaibigang kasama."  Natigilan ako sa sinabi nya. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko at panandaliang namanhid ang buong katawan ko. Unti unti akong napaupo sa kama ko saka napaluha.

"Ma'am?" Muling sabi nya.

"O-ok I'll go there." Saka ko ibinaba ang linya. Dali dali akong nag-ayos ng gamit saka nagmadaling bumaba. Hindi ko ininda ang sakit ng ulo at katawan ko.

K-kaya ba h-hindi nya ako s-sinipot dahil n-naaksidente sya?

Nasaktan ako sa isiping iyon. Sana ay ok lang sya. Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa hospital. Agad kong tinanong ang room nya. Room 301, nagmadali akong pumunta doon. 

Agad hinanap ng mata ko ang mukha nya, nakita ko syang mahimbing na mahimbing na natutulog. Maraming sugat at galos ang mukha nya, ang labi nya ay putok at pati kilay ay may sugat. May benda ang ulo nya. Nilapitan ko sya, pinigilan kong wag maluha. Ngayon ko na lang ulit sya nakita ng ganito kalapit.

Marahan kong hinaplos ang pisngi nya, natamaan ko ang ilang sugat nya kaya napakilos sya. Dahan dahan nyang minulat ang mata. Parang gulat na gulat syang makita ako dito.

"P-paano mo nalamang nandito ako?" Nakakunot ang noong bungad nya kagad. Natigilan man ay pilit akong ngumiti saka umupo sa tabi nya.

"T-tumawag sakin ang nurse dito, kaya agad akong pumunta." Sambit ko. Iniiwas nya ang tingin nya sakin.

"Ok ka na ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hindi nya ako kinibo. Agad na kumunot ang aking noo. Hindi ko sya maintindihan.

"K-kung nagkakaganyan ka dahil pumunta ako dito, s-sige aalis na lang ako." Pilit ang ngiting usal ko. Humarap sya sakin dahilan para magtagpo ang mata naming dalawa.

"Nagkakaganito ako dahil ayokong mag-alala ka sakin, Coreen." Nakatingin sa mata kong usal nya. Bahagyang napakurap pa ako ng dalawang beses bago nag-iwas ng tingin.

"Tch. S-sino namang shunga ang nagsabi sayong nag-aalala ako? Sabihin mo, papatayin ko." Masungit na sabi ko. Napatawa pa sya sa sinabi ko dahilan para mapa-aray sya.

Standing In Front Of DestinyWhere stories live. Discover now