Shainna Coreen's Pov
Pagkababa ko ay andon parin sila. Si Herdy na sumunod din sakin pagbaba. Hindi ko na sana sila papansinin at lalampasan na lamang ng harangin ako ni Nicka! Sinamaan ko sya ng tingin!
"So, aalis ka?! Maglalayas ka?! Tanga ka ba?! Gabing gabi na tapos saka ka lalantak ng layas?!" Sigaw nya na dinuro pa ang labas.
"Ano bang pakielam mo?! Wala kang pakielam! Gusto kong lumayas kaya lalayas ako!" Sigaw ko sa kanya. Lumapit naman samin si Dad!
"Gusto mong lumayas?! Sige! Goooo! Lumayas ka't wag nang babalik pa!" Sigaw din nya na tinulak tulak pa ako! Tinabig ko ang kamay nyang tumutulak sakin!
"Wag mo nga akong hawakan!" Inis na sabi ko pa sa kanya!
"Kapag lumabas ka ng bahay na'to, wag ka ng babalik pa. Lahaaat ng credit cards mo, kotse mo at kung ano pa man ay kukuhanin ko." Malumanay na sabi sakin ni Daddy! Inihagis ko naman sa kanya ang susi ng kotse ko! Nagulat pa sya ng ihagis ko yon mismo sa kanya!
Binuksan ko ang Wallet ko saka inihagis ang lahat ng Credit cards ko!
"Hindi mo na kailangan pang kuhanin dahil kusa ko yang ibibigay, Mr Sutherland. Hinding hindi na ako tutungtong sa bahay na'to at hindi na rin ako hihinga sa inyo." Makahulugang sabi ko na astang bubuksan na ang pinto pero hinarang na naman nila ako!
"Kalimutan mo nang may pamilya ka kapag umalis ka." Sabi ni Dad. Pinigilan ko ang luhang namuo sa mata ko. Hindi ko ipinakitang nasaktan ako.
"Wala akong pamilya kaya wala akong dapat kalimutan pa, Mr Sutherland." Saka ko sila tinalikuran!
Pagsakay na pagsakay ko sa taxi ay doon sunod sunod tumulo ang luha ko! Ang sakit! Hindi ko akalaing sa mismong ama ko pa maririnig ang mga bagay na iyon! Sana pala'y namatay na lang ako!
Nakaramdam ako ng sakit sa ulo kaya kinapa ko pa ang leeg ko at may sakit nga ako.
Pumunta nga pala ako sa Hope Family, kung hindi ko pa nababanggit ay nagkakasakit ako sa tuwing pumupunta ko doon. Marahil ay nahahawa ako sa mga batang may sakit doon, pero wala naman sakin iyon. Lagnat lang naman 'to.
Tiningnan ko ang wallet ko at nakahinga ng maluwag ng may pera pa akong 30,000. Hindi ko hilig ang magmall kaya nakakaipon parin naman ako. Hindi ako mahilig sa gimik kaya ang perang binibigay nila ay tinatabi ko. Hindi ko akalaing magagamit ko din pala 'to at sa ganitong oras at sitwasyon pa.
"Ma'am? Saan po tayo?" Napaisip naman ako kung saan muna ako tutuloy lalo't gabi na.
"Sa Elliot hotel po." Sabi ko. Mabuti na lamang at huminto na sa pag-iyak ang mata ko.
YOU ARE READING
Standing In Front Of Destiny
RomanceSya si Shainna Coreen Sutherland , isa siyang babaeng nangangarap na mabuo ang pamilya kahit na napakaimposible noong mangyari. Halos lahat na ata ay meron sya , maliban sa pamilya at kaibigan. Oo , wala syang kaibigan dahil para sa kanya , friends...