Chapter 6

4 2 3
                                    

Gelo's Pov

"Pre , una na ako sa inyo. Susunduin ko pa kase si Allina eh." Nakangiting paalam ko.

"Sige sige. Ganyan talaga kapag nagkakagirlfriend , nawawalan na ng oras sa mga kaibigan." Kunwaring malungkot na sabi ni Herdy. Inakbayan naman sya ni Jersy at naya maya ay nagyakap silang dalawa!

"Hays. Kaya nga eh, Masakit man isipin na mas pinipili na nya ang Gf nya kesa satin ay wala tayong magagawa. Iyon naman ang role natin bilang kaibigan diba?" Kunwaring nag-iyak iyak pa sila. Mga hunghang!

"Mga Hunghang kayo! Kilabutan nga kayo!" Sabi ko na lamang. Agad naman nilang itinulak ang isat-isa kaya napatawa ako.

"Ito kase si Jersy! Bigla bigla nangyayakap! Hoy Pre! Umamin ka nga?! May naramdaman akong kakaibang haplos eh! Ano yon ha?!" Nanlalaki ang matang tanong ni Herdy , nang-aasar. Halata naman sa mukha ni Jersy ang pagkapikon.

"Hoy Pre! T*ngina walang ganyan! Anong h-haplos?! Ulul! Gagaya mo pa ako sayong manyakis!"

"Ikaw manyakis Pre! Naramdaman ko yung kakaibang haplos mo eh. Yung haplos na parang 'may lihim na pagnanasa' alam mo yung ganon , Gelo?" Baling sakin ni Herdy. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ewan ko sayo! Dadamay mo pa ako!" Sabi ko sa mukha nya.

"Anong kakaibang haplos?! Palibhasa kung ano ano iniisip mo eh! Wala ka kasing syota kaya ka nakakaramdam ng ganyan!" Kunot na kunot ang noong sigaw ni Jersy sa mukha ni Herdy na tumatawa lang. Natatawa akong tinitignan sila. Mga tanga talaga.

"Hahaha! Biro lang Pre! Pimersonal mo naman agad ako eh wala ka rin naman syota!"

"Hahaha. Tama na nga yan. Baka mamaya magkapikunan pa kayo." Iiling iling na awat ko sa kanila. Agad naman akong sumakay sa kotse at inistart iyon.
"Hoy! Una na ako ah? Kita na lang tayo sa school." Paalam ko sa kanila.

Standing In Front Of DestinyWhere stories live. Discover now