Coreen's Pov
It's Saturday!
Narinig ko agad ang katok ni Herdy. Kagabi nya pa pinaulit ulit sakin na may lakad kami bukas. Binuksan nya ang pinto ng aking kwarto.
"What the?! Magbihis ka na! Anong oras na oh?!" binato nya ako ng towel sa mukha. Inis ko syang tinignan.
"Tinatamad ako , Herdy." Sabi ko saka tumagilid ng higa.
"Hoy! Baka nakakalimutan mong utang mo sakin to!" Panunumbat nya. Nakakainis naman! Oo mayaman kami pero hindi ako mahilig sa mga gimik , hindi nga rin ako mahilig sa mga shopping shopping na yan eh. Isa lang ang dahilan nyan , SIMPLE lang akong tao na maraming problema. Ayoko nga gumaya kay Nicka na andito lang sa bahay ay nakaayos pa. Tss. Akala mo lagi may party na pupuntahan.
"Oo na! Nakakainis!" Agad akong bumangon saka naligo. At dahil laban ng basketball ang pupuntahan namin , pinagjersey nya pa ako! Bagay naman sakin sa totoo lang. Naglugay na lang ako ng buhok dahil wala naman akong alam na ipit. Lumaki akong walang Ina , walang nag-aayos ng buhok ko.
Humarap ako sa aking malaking salamin.
"Sa dinami-dami ng description ng MAGANDA sa mundo , sa salamin ko lang pala makikita ang totoong meaning nito--Aray!" Napahawak ako sa aking ulo. Batuhin ba naman ako ng unan!
"Puro ka kaartehan. Malelate na tayo oh!" Nagmake face na lamang ako.
"Hindi na ba tayo magpapaalam?" Takang tanong niya. Binuksan ko ang passenger seat saka sya kinindatan.
"No need. Sagot kita." Nakangiti syang tumango saka nag-umpisa ng magdrive.
Pagdating namin doon ay andaming tao. May mga dalang pompoms , cartolina , tarpaulin etc.
Busy ako sa paglalaro sa Iphone ko.
"Hahahaha. Mabuti naman at pinayagan ka?" Boses ng di ko kilala.
"Hahaha. Syempre naman! Btw , This is my sister , Shainna Coreen Sutherland." Itinigil ko ang paglalaro sa Iphone ko. Nakita ko ang isang gwapo , matangkad , matangos ang ilong na lalaki.
"Really? Wait! You looks familiar! Saan nga ba kita nakita?-- Ah oo tama! Sa shooting! Ikaw yung babaeng sumira ng shooting! Hahahaha." Masayang sabi nito na nakaturo pa sakin.
"Magkakilala na pala kayo? Cool." Sabi ni Herdy na nakipag-apir pa.
"I don't know who he is and I don't give a damn." I said then put my headset. Narinig ko pa ang pagtawa nila.
Maya maya pa ay sinenyasan na ako ni Herdy na pumasok. Pagpasok namin ay sobrang daming tao at sobrang ingay! Puro sigawan ang naririnig namin. Hindi pa man nagsisimula ang laban ay nagchecheer na sila.
YOU ARE READING
Standing In Front Of Destiny
RomanceSya si Shainna Coreen Sutherland , isa siyang babaeng nangangarap na mabuo ang pamilya kahit na napakaimposible noong mangyari. Halos lahat na ata ay meron sya , maliban sa pamilya at kaibigan. Oo , wala syang kaibigan dahil para sa kanya , friends...