Chapter 13

0 0 0
                                    

Gelo's Pov

"Hindi ko kase sila maintindihan, Pre eh! Naiintindihan ko si Coreen kung bakit sya nagkakaganon! Gusto nya ng atensyon at pagmamahal na hindi namin maibigay!" Naiinis na sabi ni Herdy matapos ikuwento samin ang lahat lahat kung bakit naglayas si Coreen.

Napabuntong hininga ako.

"Siguro kaya naglayas si Coreen ay marahil gusto nya munang mag-isa at mag-isip isip." Umaasang sabi ni Jersy. Tiningnan sya ni Herdy saka tumango tango na parang iniintindi ang sinabi ng kaibigan.

"Sana nga, Pre. Sana nga." Sabi nito na agad nangilid ang luha, pinunasan naman nya iyon bago pa tumulo.

"Kase, Pre, hindi ko ata kakayanin kapag ako mismong kapatid nya ay iwan nya din. Natatakot akong baka pati sya ay mawalan nang pake at pagmamahal." Sabi nyang muli. Napatitig ako sa kanya, naiintindihan ko sya dahil ako mismo ay may kapatid na maliliit.

"Hindi naman siguro mangyayari yon, Pre." Sabi ko na lamang.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan naming lahat. Malalim ang iniisip ni Herdy at nakatulala lamang, samantalang si Jersy ay nagkukutkot ng kuko at panay ang sulyap kay Herdy na nakapandekwatrong pambabae. Napabuntong hininga ako. Gaya nila ay  nag-iisip din ako, pero hindi si Coreen ang iniisip ko! May pupuntahan kase ako ngayon eh.

"Ilang araw na ang nakakalipas pero di pa namin nahahanap kung nasaan sya. Ang nakakainis pa doon ay...parang ako lamang ang nag-aalala." Halata sa kanya ang inis pero walang magawa. Hindi naman kami umimik, nanatili kaming tahimik ni Jersy, sa aming tatlo si Herdy ang pinakaproblemado.

Mga kalhating oras pa silang nanatili samin, pagkaalis nila ay gumayak na ako para sa aking pag-alis. Mga ilang oras ay nandoon na din ako. May importante kaseng sasabihin sakin ang pinsan kong si Dustin.

Direderetso naman akong pumasok sa apartment na tinutuluyan nila. Hindi na ako kumatok dahil kilala naman ako dito.

"Hi guys!" Masayang bati ko sa kanilang lahat. Agad nila akong sinalubong ng masasaya nilang ngiti. Halos sa kanila kase ay kasundo ko na. Agad nahagilap ng mata ko si Dustin na yumakap sakin, yakap na panlalaki mga brad. Bahagya pa nitong tinapik ang likod ko saka humiwalay sakin. Umiiling itong tumingin sakin na nakangiti.

"Akala ko hindi ka na sisipot. Magtatampo na ako nyan." Natawa ako sa sinabi nyang iyon. Nagulat na lamang ako ng hinipo nya ang Tutut ko! Agad kong tinapik ang kamay nya saka sya sinamaan ng tingin! Tatawa tawa naman syang sinalubong ang tingin kong iyon.

Iginala ko ang mata ko at agad na kumunot ang noo ng makita ko kung sino ang babaeng nakatayo, dalawang dipa ang layo sakin.

At mas lalong hindi ko inaasahan ng hawakan nya ako sa braso at hilahin paakyat! Nagugulat at nagugulumihan man ay nagpaubaya ako!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Standing In Front Of DestinyWhere stories live. Discover now