Chapter 1: The First, Second and Third Meeting
Cyanic
Dapat wala ng pasok ngayon kasi malapit ng mag pasko. Bakit pa kami pinapasok pa?
Naibulong ko na lamang sa aking isipan habang naglalakad ako papunta sa aking eskwelahan. Wala parin naman pinagbago ang lahat. Yung dati na lagi ko siyang kasama sa paglalakad ay wala na. Dapat ko ng kalimutan yon.Nasa malalim akong pag iisip ng may nakita akong lalaki. Muntik na akong mabangga sa may poste dahil bigla nyang napukaw ang atensyon ko.
Isang kaakit akit na lalaki na naglalakad sa may kalsada at may hawak na pusa? Bakit siya may hawak na pusa? Alaga nya siguro iyon.
Pero ang mas ikinagulat ko ay bigla na lamang nyang hinagis yung pusa sa may kabilang bakod. Bakit nya ginawa yon? Kokomprontahin ko sana siya kaso may dumaang malaking truck at naharangan siya nito.
Nang makalagpas na yung truck, wala na siya. Sayang naman at tsaka kawawa yung pusa. Baka mamatay yon! Hindi naman siguro.
Hindi ko na lamang pinansin ang nangyari at dumeretso na akong eskwelahan. Katulad ng dati, mag aaral lang naman kami tapos ganun lang. Boring.
Kasalukuyan akong papunta sa paborito kong lugar na lagi kong pinagkakainan. Ngunit hindi maalis sa aking isipan ang lalaking nakita ko kanina sa may kalsada.
Sandali akong natigilan ng may napansin akong isang lalaking nakahiga sa ilalim ng malaking puno na malapit lamang sa paborito kong pinagkakainan. Hindi ko masyadong mamukhaan ito dahil medyo malayo pa ako sa kanyang kinaroroonan kaya unti-unti akong lumapit sa kanya. Napagtanto ko na siya yung lalaking nakita ko sa may kalsada kanina.
Napansin nya ako at tinignan niya ako ng malamig at walang emosyon.
"May kailangan ka ba?" agad nyang tanong.
Sasabihin ko ba yung nakita ko kanina? Wag na siguro. Medyo nahihiya din ako.
"Wala naman, dito lang talaga ang paborito kong lugar," sagot ko sa kanya.
"Paboritong lugar?"
"Oo, espesyal ang lugar na ito sa akin," naupo rin ako sa ilalim ng puno ngunit hindi sa tabi niya. Ang posisyon namin ngayon ay magkatalikuran kaya hindi namin kita ang isa't isa.
"Paano naging espesyal ang isang simpleng lugar na ito?" Kakaiba ang mga tanong nya.
"Dito sa lugar na ito, una kong naramdaman ang lahat. Ang kasiyahan, kalungkutan, kapayapaan at pag-ibig."
May nagsasabi sa akin na sagutin ko ang kanyang mga katanungan.
"Kasiyahan?" Tanong nya.
"Oo, isang pakiramdam na kung pwede ay lagi ko na lamang sanang nararamdaman pero hindi pwede," sagot ko.
"Ano ang kalungkutan?" Medyo kakaiba ang tanong nya ngunit nais ko parin itong sagutin.
"Isang pakiramdam na hindi mo kayang pigilan dahil kusa na lamang itong nararamdaman kapag ika'y magpinagdadaanang hindi maganda," sagot ko.
"Ngunit papaano ka nakakaramdam ng kapayapaan sa lugar na ito?" Dagli nyang tanong.
"Hindi mo ba napapansin? Rinig na rinig natin ang isa't isa na parang tayo lamang ang tao sa daigdig na ito. At kung hindi tayo mag-uusap, ang tanging maririnig mo lamang ay ang mga huni ng ibon na nag-aawitan. At kung titingala ka, makikita mo ang asul na kalangitan na natatakpan ng kulay gatas na mga ulap. Ito ang kahulugan ng kapayapaan sa akin, ang kalikasan," mahaba kong sagot.
BINABASA MO ANG
The Innocent Guy In My Room
Mystery / ThrillerShe dont know him... But she let him enter her simple life... His innocence is the proof that he's not suspicious... Is he really not? Main Protagonist: •Cyanic Kryzel Achievement: People's Choice FYWC 2017 Credits to the owner of the picture that I...