Chapter 23: Shall We Dance?

678 25 3
                                    

Chapter 23: Shall We Dance?
-----------------------------------------------------------
Cyanic's Pov

"Ill! Pagod na ako! Kanina pa tayo naglalakad. Saan ba talaga tayo pupunta?" Reklamo ko. Kanina pa kasi kami dito palakad lakad at parang paikot ikot lang kami.

"Hoy, Ill!" Hinila ko ang damit niya sa likod.

"Waaah!" Napasigaw ako sa aking nakita. R-robot?! Oo Robot nga! Kanina pa bang Robot ang kasama ko! Imposible yun! Ang alam ko ay si Ill talaga ang kasama ko.

"Ill! Hindi magandang biro ito!" Sigaw ko. Hinintay ko siyang sumagot ngunit nanatiling tahimik ang paligid.

"B-bwisit ka, Ill.." Irita kong bulong.

Wala akong magagawa kundi ang ipagpatuloy ang paglalakad ko. Sobrang dilim at kaunti lang ang ilaw. Asylum pa naman ito kaya medyo madaming hospital beds na nasa labas na ng mga kwarto.

"Pag nakita kita, Ill, papatayin kita..." Paulit ulit ko lang iyang binabanggit sa aking sarili. Nakakatakot dito kasi sobrang tahimik at Mental hospital pa. Pang horror movie ang peg! Wah!

Patuloy lang ako sa paglalakad ng mapukaw ng aking atensyon ang isang kwarto. Iyon lamang ang pinaka maliwanag na kwarto. Ayaw ko sanang pasukin ngunit may parte ko na nagsasabing may mahalagang impormasyon ang naghihintay sa akin sa loob.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at hinawakan ang doorknob.

"If I were you, I will not open that door"

"Kyaahh!!" Napa upo ako at napayakap sa aking katawan dahil sa takot.

"How rude. It's just me" dahan dahan akong tumingala at nakita ko si Z.

"Z!" Masayang akong napatayo ng makita siya. Mabuti naman at may kasama na ako.

"Why are you here?" Tanong niya.

"Si Ill kasi iniwan ako dito. Bwisit na lalaki iyon" nagcrossed arm ako.

"I see.." Pagkasabi niya nun ay nagsimula na siyang maglakad paalis.

"Teka lang, Z! I mean, leader o boss o kung ano mang gusto mong itawag sayo! Sasabay ako!" Agad akong tumakbo para habulin siya.

"You're too loud" seryoso niyang sabi.

"Sorry po" nakayuko kong sabi.

"If you dont mind, can you tell me your real name?" Tanong niya pero patuloy parin sa paglalakad.

"Im Cyanic Kryzel, the little sister of Drake Kryzel!" Masaya kong sabi.

"Kapatid ka ni Drake Kryzel?" Nakakunot niyang noo na sabi.

"Yup, bakit?" Nagtatagalog para siya.

"G-gross.." Nandidiri niyang sabi.

"Anong gross ka dyan? Alam kong gwapo ang kapatid ko at ako ay hindi masyadong nabiyayaan pero magkapatid talaga kami!" Depensa ko naman.

"...." Umiwas siya ng tingin.

"Bakit mo nga pala kilala si Kuya?" Curious kong tanong.

"We're friends" sagot niya.

"Hindi ko kilala ang mga kaibigan ni kuya pero ngayon kilala ko na ang isa. Pero if you dont mind din, anong real name mo?" Nakangiti kong tanong.

"Why would I tell it to you?" Cold niyang sabi.

"Sinabi ko kaya ang real name ko tapos ikaw hindi. Ibang klase" nakasimangot kong sabi.

The Innocent Guy In My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon