Chapter 5: Shopping With Zeke

1.5K 56 7
                                    

Chapter 5: Shopping With Zeke
-----------------------------------------------------------------

Cyanic's Pov

"Ngayon ko lang napansin, hindi ka pala nagpapalit ng damit,Zeke. Kasi wala ka nga palang damit na isusuot" nasa isip ko ngayon kung kailan pa nya suot yung damit na yun. Di ko na lang tatanungin.

"Kailangan ko pa bang magpalit ng damit?" Tanong ni Zeke.

"Malamang" sagot ko.

"Saan ako kukuha ng damit na ipapalit?" Tanong nya ulit.

"Iniisip ko sanang manghiram ng damit kay Kuya kaso" hmm....

Imagination:

Kuya: Ano?! Ayoko nga! Madudumihan ang mga magaganda kong damit!!! Paalisin mo na kasi yang lalaking yan!! Bakit ba kasi nandito yan sa atin?! Blah... Blah.... Blah....

"Wag na nga. Bibilhan na lang kita" tutal may ipon naman ako kahit papaano. Papanindigan ko na ang pagiging girlfriend ko dito. Pero hindi yung girlfriend nya talaga ako. Ako kasi ang napakabait na kumupkop sa kanya kaya responsibilidad ko sya.

"Saan ka bibili?" Tanong nya.

"Dyan lang. Isasama ko yung kaibigan ko, si Claire" sabi ko sabay kuha ng cp ko at nag dial.

Naka ilang tawag na ako pero di nya parin sinasagot. Busy ata sya ngayon. Wala na akong magagawa kundi pumunta ng mag isa.

"Pupunta na lang pala ako ng mag isa. Saglit lang naman yun" sabi ko kay Zeke at handa ng umalis pero..

"Sama ako" napatingin ako sa kanya nung sinabi nya yun.

Wala namang masama kung isasama ko sya pero baka kasi may mangyaring masama kapag isinama ko sya. Hmm..

Hays! Bahala na nga!

"Sige, tara!" Sabi ko.

Lumabas na kami ng kwarto ko.

Hindi naman masama ang suot ni Zeke. Naka long sleeve t-shirt sya at naka pantalon. Di ko nga alam kung saan nya nakuha yon eh. XD

"O saan kayo pupunta? May date kayo?" Ayan na naman sina mama at papa. Mang aasar na naman.

"Bibilhan ko lang po ng damit si Zeke. Wala po kasi syang isusuot" pero napaisip ako sa sinabi ko. Maniniwala kaya sila sa sinabi ko? Hindi naman kasi kapani-paniwala yung sinabi ko eh.

"O sige, ingat kayo!" Huh? Bakit parang hindi man lang sila nagtaka? May mali talaga eh. Pero hindi ko na lamang muna yon papansinin.

"Opo" sabi ko at umalis na.

Nagbyahe na kami ni Zeke papuntang mall na malapit lang sa amin. Mabuti naman at medyo normal naman sya at hindi sya tanong ng tanong. Kaso daming babae at mga bakla ang tingin ng tingin sa kanya. Hays!

"Zeke, wag kang masyadong magkukulit at magtatanong tanong. Dito ka lang sa tabi ko" paalala ko sa kanya.

Tumango lang sya habang nakatingin sa malaking gusali sa harap namin.

"Welcome, Ma'am, Sir!" Bati sa amin ng gwardiya.

"Salamat!" Sabi ko na lang at hinila na papasok si Zeke sa loob.

Malawak ang loob nitong mall kaya kailangang nasa tabi ko lang si Zeke. Mabuti na lang at mabait sya ngayon.

"Zeke doon tayo!" Sabi ko sabay hila sa kanya papasok sa isang store.

The Innocent Guy In My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon