Chapter 22: Marked

845 29 7
                                    

Chapter 22: Marked
-----------------------------------------------------------
Queen's Pov

"I hate that newbie" irita kong sabi. At paano ba siya nakasama? Hindi naman siya mukhang magaling.

"Bakit naman, ate? Mukha naman siyang mabait" isa pa itong si Jewel. Gustong gusto niya ang babaeng iyon.

"You hate her because she seems so close to Ill" Tss... Yes, Z's right. I hate it.

"Hanggang ngayon ba Ate? Gusto mo parin si Kuya Ill?" Mukhang dismayadong sabi ni Jewel.

"Blame my heart for loving him" I answered.

"Ikaw, Z? May gusto ka bang babae ngayon?" Masayang tanong ni Jewel kay Z.

"I dont" he answered coldly. Hmm... Well, its true. Hindi ko naman siya nakakakitaan ng interes sa kahit kaninong babae. Lagi niya lang kaming kasama dahil kailangan niya kami.

"Ganun ba" nakangiting sabi ni Jewel. Si Jewel, she likes Z. She just doesn't want to admit it. Its way too obvious for me.

"Yung babaeng One ang pangalan. Di ba kailangan mo pa siyang markahan?" Tanong ko kay Z.

Tumango lang siya bilang sagot.

Tignan natin kung hanggang saan ang babaeng iyon.

-----------------------------------------------------------
Cyanic's Pov

"Ill, malayo pa ba?" Reklamo kong tanong.

"Malapit na tayo" sagot naman niya.

"Malapit lang, walang tayo" seryoso kong sabi.

"May anak tayo" bigla niyang sabi.

"May anak lang, walang tayo" sabi ko naman pabalik.

"Will you please stop that?" Irita niya akong tinignan.

"Chillax, mag judge ka muna~" kinanta ko pa yan mga bessywap.

Seryoso siya ulit na naglakad.

"We're here" napatingin ako sa malaking pinto na nasa harap namin. Katulad din ito ng nakita ko kanina.

Bumilis ang tibok ng puso ko at kinilabutan ako. Nakakakaba.

Binuksan ni Ill ang pinto at nakita ko ulit sila. Queen, Jewel at Z.

"Hi, Kuya Ill at Ate One" masayang bati ni Jewel.

Kinawayan ko lang din siya.

"Lets start" agad na sabi ni Z at pumunta sa kinaroroonan ko.

"Where should I mark you?" Malamig niyang tanong.

"Umm..." Hindi ako makapagsalita.

"Answer me. Now" nakakatakot ang boses niya kahit hindi siya nasigaw.

"Kahit saan.." Nakayuko kong sagot.

"Kahit saan? What kind of body part is that?" Ramdam ko ang irita sa boses niya.

"Mark her in the neck, Z" nabigla ako sa sinabi ni Ill kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi nagsalita si Z at kumuha siya ng isang matulis na bagay sa kanyang bulsa. Hindi ko alam ang tawag doon dahil ngayon ko lamang iyon nakita. Itinutok niya ito sa leeg ko. Napaatras naman ako na ikinainis niya.

"What the hell are you doing? Im making this fast" sabi ni Z.

"T-teka lang—" pinutol ni Queen ang sasabihin ko.

The Innocent Guy In My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon