Chapter 21: Uncovering The Truth

684 26 4
                                    

Chapter 21: Uncovering The Truth
-----------------------------------------------------------
Cyanic's Pov

"Sabi na eh! Mentally Ill ka nga! Sa Asy—" lumingon ako sa aking likuran pero wala akong nakitang Ill.

"Eh? Ill? Huy! Wer na u?" Bwisit! Bakit biglang nawala yun. Kainis! Ang dilim-dilim tapos mang iiwan. Wah!

"Hoy! Ill! Kapag ikaw nakita ko, wag ka ng magpapakita sa akin!" Loko talaga yung lalaking iyon!

"Edi wag. Bahala ka dyan" agad akong tumingin sa aking harapan at nakita ko ang likod ni Ill.

"Ill!" Agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya.

"No! Dont! I hate huggies!" Agad naman niya akong kinalas sa kanya at nandidiring pinagpagan ang likuran niya.

"Wow ha! Nahiya ako!" Mataray ko syang tinignan.

"Bakit ka nga palang sigaw ng sigaw na parang timang kanina? Alam kong maganda at kaakit-akit ang pangalan ko. Hindi mo kailangang ipagsigawan" mayabang niyang sabi sa akin.

"Excuse me! Ikaw kaya itong bigla-biglang nawawala at bigla bigla ding susulpot!" Inis kong sabi sa kanya.

"May nakita kasi ako kaninang nilalang kaya pinuntahan ko. At ito yon!" Masaya niyang itinaas ang isang pusa sa kanyang kamay! Eh?

"Saber!" Hahablutin ko sana si Saber sa kanyang kamay kaso iniwas niya ito kaya sa katawan niya ako tumama.

"Chansing pa" nakangisi niyang sabi.

Agad naman akong lumayo sa kanya.

"Che! Assuming ka lang naman. Tsaka pusa namin yan eh! Akin na!" Inilahad ko ang aking dalawang kamay at umaasa na ibibigay niya.

"Why would I? She is now my son" masaya niya pa itong niyakap na parang bata. Mas malala pa ata siya kaysa kay Zeke. Hays, Zeke....

"Son? Babae talaga yan! Tsaka anak mo yan? Nakipagrelasyon ka sa isang pusa?" Pinigilan ko ang aking tawa baka mainis ang lalaking ito sa akin. May sira pa naman ata sa ulo.

"What are you talking about? Sariling sikap ko ito" pagkasabi niya nun ay hindi ko na talaga napigilan ang aking tawa. Grabe! Minsan pala masayang kasama si Ill.

"Ang babaw mo" seryoso siyang nakatingin sa akin. Nagpipigil naman ako ng tawa na tumingin sa kanya.

"Hindi naman" masaya kong sagot sa kanya.

"Fine, I'll rephrase what I said. This cat will be OUR son" napanganga ako sa sinabi niya.

"Hoy! Kung magkaka anak man ako, syempre hindi dapat galing sayo. Kilabutan ka nga" nandidiri ko siyang tinignan.

Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Mas kilabutan ka. Dapat magpasalamat ka dahil nagkaanak ka pa sa akin. Mataas kaya ang standards ko " wala na. Sineryoso na niya.

"Anong anak ka dyan? Pusa lang yan! Pusa! Anak yan ng ibang pusa! Isang krimen ang pag aangkin ng anak ng iba" Sabayan natin siya mga bessywap.

"Tss. Edi kriminal ka rin. Anak nga di ba natin ito? Anak natin!" Pagtatanggol nya sa sarili niya. Kakaiba talaga ang lalaking ito. Hindi ko akalaing seseryosohin niya ang isang sobrang babaw na birong ito.

"Oo na, sige na" suko na ako sa lalaking ito " Nandito tayo para pumasok sa Paradise o Asylum na ito. Tara na nga sa loob" seryoso kong sabi.

The Innocent Guy In My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon