Chapter 25: The Plan
-----------------------------------------------------------
Queen's Pov"Nakakainis talaga yang One na yan! Sobrang landi! Makakatikim sa akin yon!" Kinuwento ni Jewel ang nakita niya sa garden at talagang nagalit ako.
"Baka naman kasi may relasyon na talaga sila.." Naiyak paring sabi ni Jewel.
"Imposible yun. Kung may relasyon nga sila, dapat alam natin" may awtoridad kong sabi.
"Bakit kailangan nating malaman? Ano ba tayo sa kanya?" Mahinang sabi ni Jewel.
Napatahimik ako sa sinabi niya. May punto siya. Hindi ko din alam kung ano bang turing sa amin ni Z. Kung kaibigan ba o isang bagay na may silbi...
"Anong nangyayari dito?" Napatingin ako sa pinto ng may biglang pumasok.
"Claire?" Patanong kong sabi. Nagbabalik ang tunay na maldita.
"Bakit wala kang suot na maskara Ate Claire?" Tanong ni Jewel. Oo nga noh, pati rin si Drake. Nakasalubong ko kanina si Drake kaso hindi ako pinansin.
"Hayaan nyo na, hindi naman importante yon. Bakit ka nga pala umiiyak, Jewel?" Tanong ni Claire at tumabi kay Jewel.
"Wala ito" paiwas na sabi ni Jewel.
"Ang landi kasi nung One na yun! Yung bagong miyembro natin! Nakakagigil!" Galit kong sabi.
"Nakilala ko siya kanina. Parang si Ill naman ang nilalandi niya ah. Bakit pati si Jewel ay malungkot?" Curious nyang tanong.
"Hindi lang si Ill pati si Z. At ngayong nandito na si Drake, baka landiin din niya" napairap ako habang iniisip ko ang nakakairitang mukha ni One.
"What?! What a bitch! Dapat sa mga ganyan ay tinuturuan ng leksyon!" Ramdam kong nagagalit na rin si Claire.
"Wag naman, Ate Claire at Ate Queen, baka naman may dahilan ang lahat ng ito. Baka close lang talaga sila" nakangiting sabi ni Jewel. Paano niya nasasabi ang mga ganyan lalo ng nasasaktan siya ngayon?
"Close lang tapos may kiss?!" Mataray kong sabi.
"What?! Kiss?!" Bulyaw ni Claire.
"Nakita ni Jewel na nag-kiss si Z tsaka yung higad na yon" paliwanag ko.
"Mas lalo akong nanggigigil sa kanya!" Galit na sabi ni Claire.
"Mag isip muna tayo bago magpadalos dalos" nagpapanic na sabi ni Jewel.
"Jewel, minsan bawas bawasan mo yang pagiging mabait mo. Yan tuloy, natake for granted ka" sabi ni Claire.
"Hindi naman kasi..." Napahawak na lang si Jewel sa kanyang braso.
"Lets go" seryosong sabi ni Claire.
Tumango lamang ako bilang sagot.
"Hmmm... Can I join you?" Sabay sabay kaming napatingin sa may bintana kung saan nanggaling ang tinig.
"Zero!!" Agad akong sumugod para kalabanin ang walang hiyang lalaking ito!
"Ate, wag!" Sigaw sa akin ni Jewel ngunit hindi ko pinakinggan.
"Zero! Let her go!" Napatingin ako sa nagsalita. Si Claire.
Hindi ma-process sa utak ko ang nangyari. Paano ako naging bihag ni Zero?..
"Give me a valid reason to do that..." Nakangiting sabi ni Zero.
"Let go of me!!" Nagpupumiglas ako ngunit naramdaman ko ang bakal na nakapulupot sa aking kamay at katawan.
BINABASA MO ANG
The Innocent Guy In My Room
Misteri / ThrillerShe dont know him... But she let him enter her simple life... His innocence is the proof that he's not suspicious... Is he really not? Main Protagonist: •Cyanic Kryzel Achievement: People's Choice FYWC 2017 Credits to the owner of the picture that I...