Chapter 16: Cube & The Invitation
-----------------------------------------------------------
Cyanic's PovPagkatapos mahimatay ni Zeke. May dumating na babae. Hindi ko siya kilala pero kilala nya ako pati sina Raphi at Rev.
"Ikaw pala si Cyan.." Agad nyang sabi.
"Uh..Oo" sabi ko naman.
"You're beautiful" nakangiti nyang sabi.
"S-salamat!" My ghad! Ate, mas maganda ka po sa akin.. Promise, nahihiya ako sa kagandahan nya.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa... Layuan mo na sina Raphi at Rev" seryoso nyang sabi.
Bahagya akong nagulat.
"Bakit?" Tanong ko.
"Nag aaway sila dahil sayo. Parehas ka nilang gusto. At alam kong wala sa kanilang dalawa ang gusto mo" sabi naman nya.
"Huh? S-si Raphi ang gusto ko" Nag aalangan kong sabi.
Ngumiti sya.
"You're just lying to yourself" sabi nya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
Umiling sya.
"Please take care of him. He grew up without knowing what love is. Please love him, Cyan.." Malungkot syang nakangiti sa akin.
"Him?" Nagtataka kong tanong.
"Zeke.." Sabi nya.
Nanlaki ang mata ko sa binanggit nyang pangalan.
"Kilala mo si Zeke?!" Agad kong tanong.
Hindi sya nagsalita at tumayo na lang. Naglakad sya papunta sa pintuan.
"Sandali lang, hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo" tawag ko sa kanya.
Lumingon sya.
"Just call me Cube" nakangiti nyang sabi.
"Tandaan mo yung sinabi ko, layuan mo na sina Raphi at Rev. Ituon mo ang lahat ng oras mo kay Zeke. Kailangan ka nya" sabi nya at tuluyan nyang sabi.
May punto sya. Kailangan ko na ngang layuan sina Rev at Raphi. Ayaw kong nag aaway sila ng dahil sa akin.
Pero anong ibig nyang sabihin na nagsisinungaling sa aking sarili...
Gusto ko naman talaga si Raphi...
Pero kapag iniisip ko iyon, pumapasok bigla si Zeke sa isipan ko..."Dahil ako ang mahal mo, di ba Cyan?" Hindi ko talaga malimutan nung sinabi yan ni Zeke. Ang cute nya talaga. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko iyon.
Siguro nga tama si Cube. Kailangan ko na ngang layuan sina Raphi at Rev at itutuon ko ang oras kay Zeke.
Kami na naman ulit ni Zeke dito sa bahay. Iniwan na naman ako ni Kuya. Mang iiwan talaga yon. Pero ayos lang, alam ko namang mahalaga ang inasikaso nila kasi sabi nila -,-
-----------------------------------------------------------
--Day 3--Cyanic's Pov
"Bakit laging kasama ako?" Bored kong tanong kay Zeke.
"Dahil hindi ko kaya maligong mag isa" casual nyang sabi.
"Tinuruan naman na kita ng mga gagawin kaya aalis na ako" tumayo ako pero hinawakan nya ako sa kamay.
Heh, hindi uubra sa akin ang pacute ni Zeke ngayon.. Lagi syang ganito kaya wala na ito sa akin.
BINABASA MO ANG
The Innocent Guy In My Room
Misterio / SuspensoShe dont know him... But she let him enter her simple life... His innocence is the proof that he's not suspicious... Is he really not? Main Protagonist: •Cyanic Kryzel Achievement: People's Choice FYWC 2017 Credits to the owner of the picture that I...