Chapter 10: Unexpected Visitor
-----------------------------------------------------------Claire's Pov
*Ding Dong*
"Anak, pakibukas nga nung pinto" tawag sa akin ni mama.
"Huh? May bisita po kayo, Ma?" Tanong ko.
"Wala naman pero baka bisita mo yan, anak. Baka si Rev yan" asar sa akin ni mama.
"Imposible.." Mahina kong sabi.
Pumunta na ako sa may pintuan. Kahit imposible ay pinagdadasal ko talagang si Rev ang nasa may pinto..
"Magandang gabi, Claire" anong ginagawa nya dito?...
"Raphiel, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Nandito ba si Kuya?" Agad nyang tanong.
Nawawala ba si Rev?!..
"Wala sya dito. Bakit? May nangyari ba?" Nag aalala kong tanong.
"Kahit na laging umaalis si Kuya ng bahay, hindi naman sya nalalate umuwi. Pero hanggang ngayon wala pa sya" kampanteng kampante ang mukha nya. Nag aalala ba sya o hindi?
"Tinawagan nyo na ba?" Tanong ko.
"Hindi namin sya macontact. Nakapatay ata yung cellphone nya" sagot nya.
"Tutulong na ako sa paghahanap" sabi ko at lalabas sana ng bahay kaso pinigilan ako ni Raphiel.
"Dito ka na lang. Kami na ang bahala. Mahahanap din namin sya" sabi nya ng nakangiti.
"Pero gusto kong tumulong" pagpupumilit ko.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero mas magandang kami na lang ang maghanap kay Kuya. Pasensya na sa istorbo" hindi na ako nakapagsalita dahil umalis na sya agad gamit ang isang kotse.
Pumasok na lang ako sa loob ng bahay namin.
"Oh anak, sino yun?" tanong ni mama.
"Si Raphiel po. Tinanong lang nya kung nandito si Rev kasi hindi pa daw po umuuwi" sabi ko kay mama.
"Naku, sana hindi napahamak si Rev" nag aalalang sabi ni mama.
"Sana nga po..." Sabi ko na lang.
-----------------------------------------------------------
Cyanic's Pov
"Hindi pa po kayo makakauwi? Bakit po?" kami na naman ni Zeke ang nandito sa bahay. Umalis pala sina mama, papa at kuya ng hindi ako sinasabihan. Nagtatampo na tuloy ako.
"Pasensya na anak. May inaasikaso lang kami ngayon.. Sana maintindihan mo" sagot ni mama sa kabilang linya.
"Sige po. Ano po bang inaasikaso nyo?" Tanong ko.
"Secret~ Love u nak. Bye" sabi ni mama at binaba agad ang telepono nya.
Minsan talaga hindi ko maintindihan sina mama at papa.
"Nakatulog na pala si Zeke" Sabi ko habang nakatingin kay Zeke. Napakaamo talaga ng mukha nya.
*Ding Dong*
Sino yun? Gabi na ah?
Lumabas na ako ng aking kwarto para buksan yung pinto.
"Magandang gabi, Cyan" sabi nya.
"Raphi? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Itatanong ko lang sana kung napadaan dito si Kuya o kung nandito ba sya?" Bakit sya sa akin nagtatanong?
"Wala sya dito. Bakit? Nawawala ba sya?" tanong ko.
"Parang ganun na nga. Sige, alis na ako. Yun lang ang itatanong ko" sabi nya at umalis na.
Dahil ba ito sa nangyari sa Mall? Imposible! Masyadong maliit na rason yon para mawala si Rev. Pero.....
"Sana mahanap na agad sya..." Sabi ko sa aking sarili at pumasok na sa loob ng bahay.
-----------------------------------------------------------
"Nahanap nyo na ba si Rev?" Tanong ko kay Claire. Nasa school na kami ngayon at lunch time.
"Paano mo nalaman na nawawala si Rev?" Nagtataka nyang tanong sa akin.
"Nabanggit sa akin ni Raphi kagabi" sagot ko.
"Sana makita na agad sya. Nagaalala na talaga ako" sabi nya.
"Magiging maayos din ang lahat. Tiwala lang" sabi ko para gumaan naman ang loob nya.
"Sana nga.." mahina nyang sabi.
"Nandito na pala kayo" tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling yung boses at nakita ko si Raphi.
"Oo, kanina pa kami nandito" sabi ko.
"Kamusta ang paghahanap nyo kay Rev? Nakita nyo na ba sya? Alam nyo na ba kung nasaan nya?" Sunod-sunod na tanong ni Claire.
"Calm down, Claire. Hindi pa namin sya nakikita pero nagtext sya na wag daw syang hanapin dahil ayos lang daw sya" kalmadong sabi ni Raphi.
Hindi na ulit nagsalita si Claire..
"So, shall we eat?" Nakangiting sabi ni Raphi.
Tumango ako sa kanya bilang sagot.
-----------------------------------------------------------
"Oh eto Zeke" sabi ko at sinubuan sya. Turuan ko kaya syang kumain mag isa pero nag eenjoy akong subuan sya kaya wag na lang.
"Cyan, bakit tayo lang ang nandito ngayon sa bahay?" Tanong ni Zeke.
"Umalis kasi sina Mama, Papa at Kuya. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila at kung saan sila pumunta" sagot ko.
"Sana ganito na lang palagi.." Sabi nya.
"Bakit naman, Zeke?" Tanong ko.
"Dahil pakiramdam ko ligtas ako kapag kasama kita. Ayokong may kasamang iba maliban sayo.." Sabi nya.
Wow! Minsan sweet si Zeke, ano?
"Ganun ba.. Wag kang mag alala, hindi naman ako mawawala sa tabi mo" sabi ko sa kanya.
Simulan nung nangyari dati... Marunong ng ngumiti si Zeke. Isang sobrang inosenteng ngiti..
"Tara na, matulog na tayo.." Sabi ko at hinugasan ang pinagkainan namin.
"Mauna ka na sa kwarto, Zeke" sabi ko at sinunod naman nya.
*Ding Dong*
"Baka sina mama na yon" sabi ko at dali-daling pumunta sa may pinto.
"Ang tagal nyo-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.
"Cyan..."
"R-rev!"
-----------------------------------------------------------
Medyo maikli ang Chapter 10!
Please support, comment and vote!
Thank you!
BINABASA MO ANG
The Innocent Guy In My Room
Misteri / ThrillerShe dont know him... But she let him enter her simple life... His innocence is the proof that he's not suspicious... Is he really not? Main Protagonist: •Cyanic Kryzel Achievement: People's Choice FYWC 2017 Credits to the owner of the picture that I...