Chapter 27: The Master
-----------------------------------------------------------
Cyan's Pov"Hmm..." Naalimpungatan ako ng may narinig akong ingay.
Bumangon ako sa kama na tinutulugan namin ni Kuya.
Lumabas ako ng pinto at sinundan ko ang ingay. Parang isang lalaki na sumisigaw at gustong makawala. Ang pinagtataka ko lang ay sobrang lakas nito ngunit bakit ako lang ata ang nakakarinig.
Hindi ko namamalayan na nasa labas na ako ng Asylum na aking pinanggalingan at patungo na ako ngayon sa katabing Asylum na itinuro sa akin ni Kuya.
Mayroong malakas na pwersa ang naguudyok sa akin na pumunta at pumasok sa Asylum na ito dahil sa ingay na aking naririnig.
Nasa harap na ako ng pintuan ng Asylum at nagitla ako ng bigla na lamang itong bumukas.
Napahinto ako ng mga ilang minuto pero napagdesisyon ko paring pumasok sa loob.
Napatakip agad ako ng aking bibig at ilong dahil sa nakakasulasok na amoy sa loob. Sobrang baho na para bang mamamatay na ako. Bakit ganito ang amoy dito? Sinuot ko ang mask na ibinigay sa akin ni Ill at naglakad na.
"Cyan..." Eh? Saan? Sino ang tumatawag sa akin?
"Tulungan mo ako..."
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto kong mahanap ang tinig na iyon.
Patuloy ako sa paghahanap ngunit hindi ko matagpuan ang tinig na iyon hanggang sa may matanaw akong isang kwarto.
Agad ko itong nilapitan at binuksan.
Muntik na akong masuka sa aking nakita.
Mga lamang loob ay nakakalat sa sahig at sigurado akong sa tao galing ang lamang loob na ito.
Sinarado ko ang pinto dahil na rin sa aking nakita. Bakit ganito ang Asylum na ito? Ibang iba ito sa Asylum kung saan sina Z at Ill nakatigil ngayon.
Gusto ko sanang alamin kung sino ang tumatawag sa aking ngunit hindi ko na kaya ang mga maaari ko pang makita dito. Dumiretso na ako papuntang pintuan para makaalis.
"Teka, tama ba itong nilalakaran ko?" Para kasing mali itong daan na ito. Bakit di ko parin makita ang pintuan.
"Ang alam ko nandito lang iyon" natatakot na ako. Parang naliligaw na ata ako.
"Huh? Wala namang hagdan dito ah!" Naliligaw na nga ako. Malapit na akong umiyak. Gusto ko ng umalis dito.
Nagtatakbo na ako kung saan man para makita ang daan ngunit di ko makita. Nakarating ako sa isang lugar na parang isang presinto. Paano ako nakarating dito?
Pagod na ang aking mga paa at di ko na kaya pang tumakbo o lumakad man lang. Napaupo na lamang ako at nag iisip kung paano ba ako makakaalis dito.
"Cyan?" Agad akong tumingin sa aking harapan at may nakita akong tao. May buhay pang tao dito!
Hindi ko muna siya nilapitan kasi hindi ko siya nakikilala. Napansin kong nagapang siya para lang makalapit sa akin ngunit nasa loob siya ng isang seldang bakal kaya di rin niya ako malalapitan.
"Cyan, ikaw nga.." Kumapit siya sa bakal at ngumiti sa akin na para bang nagkaroon siya ng pag asa.
"I-ivan?!" Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang mukha niya. Tinanggal ko ang aking mask. Puro pasa ang kanyang mukha. At kung pagmamasdan ang kanyang katawan, para talagang pinahirapan siya.
"Anong nangyari sayo?" Nag aalala kong tanong. Oo, nasaktan niya ako ngunit kung ganito ang kalagayan niya ngayon, alam kong mas masakit ito.
BINABASA MO ANG
The Innocent Guy In My Room
Misterio / SuspensoShe dont know him... But she let him enter her simple life... His innocence is the proof that he's not suspicious... Is he really not? Main Protagonist: •Cyanic Kryzel Achievement: People's Choice FYWC 2017 Credits to the owner of the picture that I...