Chapter 13: Come.. With.. Me

971 38 4
                                    

Chapter 13: Come.. With.. Me
-----------------------------------------------------------
Raphiel's Pov

"He's not dead, Raphiel"

"He's not dead, Raphiel"

"He's not dead, Raphiel"

Paulit-ulit ang mga salitang sinabi nya sa akin. Hindi pa sya patay? Bakit hindi pa sya patay? Kitang-kita ng dalawang mata kung paano sya namatay. Kaya posibleng nagkakamali lang sya. Pero sigurado daw sya..
Naguguluhan na ako... Kailangan ko na ngayon ng pruweba.

-----------------------------------------------------------
Cyanic's Pov

"Bakit wala pa sina mama at papa?" Tanong ko kay kuya.

"May inaasikaso pa sila" lagi naman eh.

"Pero malapit na silang bumalik" sabi ni kuya.

Tumango lang ako.

"May pupuntahan nga pala kami ni Zeke ngayon" sabi ko kay Kuya.

"Huh? Saan naman? Anong gagawin nyo?" May kaunting inis na sabi ni Kuya.

"Mag gagala lang kami. Malapit na kasi magpasko" sabi ko.

"Tsk.. O sige. Basta mag iingat kayo ha. Lalo ka na. Binabatayan kita!" Pagbabantang sabi ni kuya.

"Tumigil ka nga, Kuya. Saglit lang kami" sabi ko naman.

"Siguraduhin mo lang"

-----------------------------------------------------------
Cyanic's Pov

"Nandito na tayo!" Masaya kong sabi. Sa parkeng ito kami unang naggala ng aking pamilya ng magkakasama. Pero hindi na iyon naulit pa.

"Mahalagang lugar din ba ito?" Tanong ni Zeke.

"Oo naman!" Sabi ko.

"Ang ganda dito" sabi ni Zeke at lumingon-lingon.

"Aba syempre naman. Masaya din dito!" Sabi ko.

"May naalala lang ako" lumingon ako kay Zeke.

"Ano ang pag-ibig, Cyan?" Tanong ni Zeke.

"Huh? Saan naman galing ang tanong na iyan?" Pagtataka ko.

"Nabanggit mo sa akin iyon dati nung una tayong nagkita" sabi nya.

"Hindi ko maalala" sabi ko.

"Wag na lang siguro" malungkot nyang sabi. Hindi ko talaga maalala na may sinabi akong ganun.

"Tignan mo yon! Zeke! Ice cream! tara!" Sabi ko at hinila si Zeke.

"Dalawa nga po" sabi ko at ibinigay ko ang isa kay Zeke.

"Masarap yan. Tikman mo" sabi ko.

Tinignan nya muna yung ice cream. Nagulat ako bigla dahil sinubo nya ito ng buo.

"Hindi ganyan kainin yan" sabi ko.

Hindi naman sya makapagsalita dahil nguya sya ng nguya. Hahaha! Ang cute!

"Bahala ka nga" nakangiti kong sabi.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad na lang kami.

"Pasko na talaga dito" sabi ko habang pinagmamasdan ang paligid.

Napansin kong palinga linga si Zeke.

The Innocent Guy In My RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon