Episode 6

518 24 2
                                    

"lintik naman bat ang bigat mo?"

"Ikaw nga baboy."

"at manglalait ka pa talaga ha?"

"o sige, sexy mo naman. pakiss."

Hinarangan ko ng palad ko ang nguso nya. Si Xiumin poh tong kausap ko. Lasing. Pano nadaanan namin yong tropa ni mang Elmer yong dakilang lasenggo sa baranggay namin, pinainom nila ng tanduay tong si sunget. To namang si sunget naintimidate ata sa mga tambay ayon pinagbigyan. Inupuan nya pa talaga ha. After five shots, ayan lasing na.

Hindi pa naman sya makakauwi ngayon sabi ni Suho. Bantay sarado daw ng paparazzi ang hotel.Magkikita nalang daw sila sa Fansigning sa MOA bukas ng hapon. Ibig sabihin, kargo ko muna sya.

"bat kasi iinom pa hindi naman kaya."

Hinubad ko ang sapatos nya. Tsaka tinungo ang lababo. Maliit lang tong bahay ko. Studio type. pagpasok mo nanjan na lahat. Living room, kitchen, bedroom. Yung living room na din yong dining room. Pero uy kahit maliit ang kwarto ko,. malinis yan,. may sariling Cr.. may sofa, kurtina ang bintana, carpet, may rooftop din.. sinigurado kong home na home ang unit ko.

"inom fa tayoo."

"Lasing kana."

"Hinji pa"

Nilapitan ko sya at hinubad ang makapal nyang jacket.  "pupulbosan kita para mawala yang amats mo."

Bat ko ba kasi kinakausap, lasing nga eh.

Inabot ko ang pulbos sa cabinet. Buti nalang naihiga ko sya sa kama.

*Pulbos sa leeg

*pulbos sa noo

*pulbos sa pisngi

*pulbos sa ilong

Nakapikit na ang mata nito. "ganyan matulog kana ng makakapagpahinga na din ako."

"hmmm..."

"haha.. para ka palang anghel pag natulog."

"hmmm.."

"Makaungol wagas eh, kal----"

*chuuuup..

"hmmmmf" my goodness hinalikan nya ako. Ay mali hinahalikan pala, kasi hindi nya pa din binibitawan ang labi ko.

Nakapulupot ang kaliwa nyang kamay sa bewang ko, naka alalay naman sa ulo ko ang isa. Nagulat ako at hindi na ako nakagalaw.

His eyes are closed pero yong labi nya buhay na buhay at nilalasap ang labi ko. Tukneneng.. ganto pala ang halik ang sarap.. mainit na malambot, nakakabuhay ng dugo.

Naramdaman ko ang paghiwalay ng mga labi namin. Pero nakapulupot pa din ang mga kamay nya sa katawan ko. Yung nakapikit nyang mata, ngayon nakatunghay sakin. Desire, tama ba yong nababasa ko or is it lust?

"bat mo ko hi-hinalikan?" utal kong tanong. I feel uncomfortable sa posisyon namin. Ako halos nakaupo sa lap nya, sya nakalean sakin.

"nagustohan mo ba?" anito na namumungay ang mga mata.

Tumango ako. Hindi ako plastik no. Nagustohan ko eh.

I saw him smile. Tumigil ata ang pag ikot ng mundo ko. Second time i saw him smile,. Parang may kung anong pumukaw sa puso ko.

"I like it very much."

And he descended to my lips once again. He kiss me. The sensation is twice as good from the first time. His exploring all over. Tasting every corner of my lips. Ravishing it like its somekind of dew in a bloosom.

Patawarin sana ako ni Lord. Napadasal tuloy ako ng wala sa oras.

Tok tilaok... tok tilaok...

*dilat

*hikab

Maaga na pala. Ambigat ng katawan ko. Hindi ko magalaw ang kalahati ng katawan ko may nakadagan.

Ay putek, katabi ko pala si Xiumin. Uy wag green minded walang nangyari, kiss lang, okay torrid kiss. He passed out kissing me. San ka, binitin pa ako.

Naramdaman ko ang pag galaw ng katabi ko pero lalo lang itong sumiksik sa leeg ko.

Ang agang kasalanan naman.

"Wui Xiumin, gumising kana, anong oras na oh."

"hmmmm..."

"Umalis ka nalang sa pagkadagan sakin, babangon na ako."

"hmm.. stay."

"may appointment pa ako."

"cancel it."

"Magluluto pa ako."

"later."

"abusado kana ha, nakikitulog ka nalang nga ginawa mo pa akong unan."

"may nangyari ba satin?"

Nanlaki ata mata ko. Straight to the point?

"wala no." ako.

"Really?"

"Hala, bat naman ako magsisinungaling sayo. Lasing ka lang kagabi."

"Anong ginawa ko sayo?"

Nako naman kung makapagtanong, nakayakap pa sya sakin nyan ha.

"Did we make out?"  sya..

"Aaahhh.." Napahawak ako sa labi ko.

"We just kissed?"

"bat kung makapagsalita ka jan, mukhang disappointed ka na hanggang kiss lang tayo?"

"Wala akong maalala."

"Di wag mo ng alalahanin at umalis ka na sa pagkakadagan sakin ng maka move on na tayo."

"Not yet." men, hinigpitan nya pa talaga ang pagkayakap sakin.

"can we do it again?"

"ano yon pelikula may replay?"

okay lang sya. Mas baliw pa ata sya sakin eh.

Hinila nya ko paharap sa kanyA. Resulta? obviously face to face kami. Nagbublush na ako i can feel it under my skin. Si Xiumin panget, wala lang parang normal na ako ang katabi at kaharap nya sa umaga.

"not bad. Waking up, with you in the morning. It feels natural"

Then..

*kiss

Parang deja vu lang sa nangyari last night, pinagkaiba lang aware ako na hindi na sya lasing ngayon. And just like the other night nagpaubaya lang din ako kasi yon ang sabi ng puso ko.

Exo: Xiumin's Professional Stalker (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon