Je suis en vie Envelope

202 41 12
                                    

May picture po si Jesus sa taas, ibig sabihin po nun, andyan lang si Jesus para gabayan tayo. Enjoy!

- Aesposee
____________________________________

JHAP'S POV

Kinalkal ko yung bag ko, may nakita akong isang envelope na may nakasulat na "Je suis en vie". Ayokong buksan, di ko kaya. Baka 'pag binuksan ko 'to at ang laman nito ay pagsisisihan ko. Natatakot ako. Eh ito yung sinasabi nung umilaw sa harapan ko nung nahimatay ako. Huh? Bakit? Ano yung " Je suis en vie " ? Yun ang laging gumugulo sa utak ko. Tinawag ako ni Yanna Agonniel, classmate ko.

" Jhaaap! Kilala ko na ang pumatay kay Roy. " sabi nya. Ano? Kilala nya ang pumatay kay Roy?

" Sino? Sino Yanna? Sinooooooo!?? " sigaw ko.Di sya kumibo at sya ay tumalikod.

" Sorry, hindi ko sinasadyang masigawan ka, Yanna. " sabi ko sakanya. Natahimik bigla sya. Nagtataka ako bakit? Bigla nalang siya tumalikod at tumakbo.

" Yanna!! " parang hindi na nya ako narinig eh. Kaya umuwi na rin ako.
Kinabukasan, maaga si Emma sa school, umiiyak sya.

" Emma, bakit? " sabi ko. Nararamdaman ko na parang may problema sya.

" W-wala 'to. " sabi nya sabay punas sa luha sa mukha nya.

"Anong wala? Sabihin mo, andito lang ako para damayan ka." sabi ko. Parang ayaw nya talaga sabihin kung anong problema.

"Jhap, ganito kasi y-yun......." sinabi nya, parang lumuluha pa sya eh. Sumisiguk pa nga.

"O heto uminom ka muna ng tubig." sabi ko. Uminom naman sya ng tubig, pero nagulat nalang ako nang bigla syang sumigaw kasabay ang iyak.

"JHAP NATATAKOT NA AKO!! AKO NA!!! AKO NA ANG ISUSUNOD NYA! JHAP NATATAKOT AKO!" sigaw nya. Nagulat ako. Sino? Bakit sya isusunod? Anong isusunod? Naguguluhan ako.

" Huh? Sino? Bakit? Ano? " naguguluhan kong sinabi. Mukhang naguluhan din siya.

"Ang killer, ang killer! Isusunod na ako ng killer! Isusunod na nya ako sa hukay! Isusunod nya ako kay Roy! Jhap, isusunod niya ako! Natatakot na ako." sabi nya. Ano? Isusunod na sya ng killer? Isusunod na sya ng pumatay sa kambal ko?

"Anong letter nabunot mo Emma? Ano?" sabi ko. Kailangan ko talagang malaman ang letter na nabunot nya.

"Jhap, kasi.........." sabi nya. Di na ako mapakali. Kailangan ko talagang malaman ang letter na nabunot nya.

"Ano?!!" pasigaw kong sinabi. Nagulat ata s'ya.

" Letter B! Letter B ang nabunot ko! Ano masaya ka na? " sigaw nya. Nagalit yata sya.

"Busit naman! Bakit?! Ikaw ang isusunod ng killer? Nagkausap na ba kayo? Nakita mo na sya? Alam mo na ba kung sino sya?" sabi ko. Nagtataka ako, sino nga ba sya?

___________________________________

·♥♡♡♡·♡♥♥♥·♥♡♡♡·A/N:
Hala! Susunod na si Emma. Paano na nyan? 'Di bale, hintay nalang sa Part 12. Byiiee! :) ÷÷♡♥₩

-Aesposee♡♡♥♥·~~\'|Wattukka

Highest Section ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon