Laine's POV
"Alam nyo girls. Kinakabahan talaga ako bukas..
Sana tayong tatlo ay makapasa sa exam. " napa buntong hininga pang sabi ni faye."Oo nga eh. Mahirap na.. Baka bigyan pa tayo ng isa pang exam. And this time,baka mahirap na yung mga questions. Eh, mas lalo pa tayong hindi makapasa nyan." Sabi naman ni joyce.. At kinain nya yung binili nyang Piattos..
Nandito kasi kami sa Canteen. Dahil maagang natapos yung exam namin.
Syempre. Nagutom kami. Kaya agad kaming sumugod sa canteen. Sino ba naman ang hindi magugutom. Eh, sobrang hirap kaya yung mga tanong.. Buti nasagot ko lahat.
Yeah, and thanks to Ahmmel. Dahil kung hindi dahil sa kanya baka, wala akong masagot sa exam. Ang bait talaga ng Prince Charming ko. Hehehe
Napangiti nalang ako ng wagas. Dahil sa na alala ko kahapun ang lahat ng nangyari sa library. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin.
"Hoy, anong ningiti-ngiti mo dyan?"
Naka kunot noo tanong ni faye sa akin.
"Wala, may naisip lang ako."
Sagot ko at kinagatan ko yung binili kung chocolate.Hmmm. Ang shharap talaga ^_^
"Sus, for sure si prince na naman 'yan.." Tuksong sabi ni Joyce sa akin.
Namula naman ako.
"Hindi kaya... N-naiisip ko kasi na kapag makakapasa tayo sa exam ay mag cecelebrate tayo bukas. "
Pag palusot ko sa kanila.Bukas na kasi namin Malalaman kung sino ang nakapasa.
Kaya sana kaming tatlo ay makakapasa. Para bukas na bukas din ay mag cecelebrate kami.
"Sige" sang ayon naman ni joyce sa akin.
Yehey, buti naniwala sila.
"Eh, saan naman tayo mag cecelebrate?" -Joyce
"Oo nga nuh, saan kaya magandang puntahan?"
Nag isip naman kami ng lugar na magandang puntahan.
"Hi girls"
Agad naman kaming na patingin sa harapan.
At nakita naming nakayo sa aming harapan ang tatlong nagwa gwapohang nilalang dito sa mundo.
Naka ngiti sa amin sina Anthony at Chris. Samantalang si Ahmmel naman ay walang ka eskspresyon-ekspresyon ang mukha. Pero sobrang gwapo
Parin nya kahit hindi sya naka ngiti."Hello din sayo" narinig kung sabi ni joyce kay anthony.
Nag Ngitian naman sa isa't-isa sina faye at chris.
Nanatili lang akong nakatitig kay Ahmmel. Ang sarap nya kasing titigan. Ehehe nakaka attract kasi masyado yung gwapo nyang mukha.
"Hoy, Laine. Tulala ka na naman dyan." Kinakaway-kaway pa ni joyce yung isa nyang kamay sa harap ng mukha ko.
Kaya natauhan ako.
"Ano nga uli yung sinabi mo?" Tanong ko kay Joyce. Na hindi parin inaalis ang tingin kay Ahmmel.
Hindi kasi sya nakatingin sa akin. Kaya libreng-libre talaga akong titigan yung gwapo nyang mukha.
Bigla namang bumaling ang tingin ni Ahmmel sa akin. Ang naging dahilan kung bakit bigla akong napatuwid ng upo. At binaling ko ang aking paningin sa ibang deriksyon.
Mahirap na. Baka sungitan na naman ako nito.
"Tsk"
Narinig kong sabi nya."Pwede ba kaming maki share sa table nyo.?" Tanong ni Chris sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/102316712-288-k508308.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Cold Prince (Completed)
Teen FictionMeet..... Prince Ahmmel James Montaniel.. Gwapo, mayaman. Matalino, talented at higit sa lahat sobrang cold ng ugali nya. Posible bang ma inlove ang isang cold na lalaki sa maingay na babae at tatanga tanga??