Ahmmel's POV
Dumeritsho agad ako sa room ko. Kahit hindi pa tapos ang break time.
Naalala ko na naman siya.. Ang babaeng Mahal na mahal ko pa hanggang ngayon...
Si....Angeline...
Gustuhin ko mang kalimutan sya..pero hindi ko kaya...
Hanggang ngayon nababaon parin ako sa mga masasayang ala-ala nya.
Kaya nga ayaw kong pumunta sa school garden namin. Dahil maala-ala ko na naman sya.
Lalaine.. Lalaine ba yung pangalan ng babaeng tanga na yun.
Ang kapal talaga ng mukha nyang tawagin ako sa pangalan na yun.
Makakatikim talaga sya pag nagkita kami ulit. Makikita nya..
"Hoy, ano ba yang iniisip mo?"
Napalingun ako sa harapan ko.. At nakita ko ang dalawa kung kaibigan..
"Wala" sagot ko sa tanong ni Anthony.
"Tsk. Ayaw pang umamin.. Kung hindi ako nagkakamali.. Iniisip mo yung babaeng nasa garden nuh? Sa pagkaka alam ko kaibigan sya ni joyce.. Ano nga bang pangalan nya?? lelene ba yun?"
Bigla akong natigilan ng marinig ko yung sinabi ni Anthony.
Nakita kung binatukan sya ni Chris.
" Ang tanga mo. Lalaine yun hindi lelene. "
Napakamot naman sa ulo si Anthony..
"Ganun ba.. Hahaha."
Ang ingay talaga ng dalawang yan.
"Prince, totoo ba tung nabalitaan namin. After 3 years pumunta kana ulit sa garden.. And may kina usap ka daw na babae. Good news tuh. Dude.." Naka ngiti pang sabi ni Chris sa akin.
"Oo nga. Mabuti naman may napansin ka ng babae. Ano liligawan mo naba si Lalaine? Wag kang mag-alala Tutulungan ka namin dude."
Naka ngising sabi ni Anthony.
Hindi ko sila pinansin. Sa halip ay binigyan ko silang isang nakakabagot na tingin.
Ano bang pinagsasabi ng dalawang tuh.
Ako? Liligawan ang babaeng tanga na yun?! Tsk!!... ASA!!!!
--------
Lalaine's POV
"Okay class.. Bukas na yung Exam nyo. I hope na makakuha kayo ng mataas na marka. Mag Review kayo ng maigi okay? Goodluck and see you tomorrow"
Sabi sa amin ni Ms. Hannah ang class advicer namin."Thank you Ms. Hannah" sabi naming lahat.
Umalis na si Ms. Hannah .
Yes! Tapos na din ang klase!!
Iniligpit ko na yung mga gamit ko nga nagkalat sa mesa. At ipinasok ko na yun sa bag ko.
"Ano tara na?" Tanong sa akin ni Joyce
Nilingun ko sila joyce at Faye na kanina pa pala naghihintay sa akin.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Duh. Saan paba tayo pupunta. Idi sa library. Kailangan nating mag Review nuh.. Exam na kaya natin bukas."-faye
"Yeah. Ayaw ko kayang makakuha ng mababang grades. Lalo na ngayon nasa grade 9 na tayo. Kailangan nating magsikap para makapunta tayo sa
grade 10."-JoyceNapa buntong hininga ako. Ang dami talaga nilang sinasabi. Eh, hindi naman ako nagrereklamo..
" Oo na. Ang daldal nyo.."
Naka simangot kung sabi.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold Prince (Completed)
أدب المراهقينMeet..... Prince Ahmmel James Montaniel.. Gwapo, mayaman. Matalino, talented at higit sa lahat sobrang cold ng ugali nya. Posible bang ma inlove ang isang cold na lalaki sa maingay na babae at tatanga tanga??