Chapter 24 ~Be My Tutor~

1K 12 0
                                    

Ahmmel's POV

Nakarating na ako sa bahay at nakahiga na ako sa kama dito sa kwarto ko. Pero hindi parin mawala sa isip ko yung magandang mukha ng stupid girl
Na yun.

Bakit ba naman kasi magkamukha sila.

Yan tuloy....

Haiissstt!!

Napabuntong hininga ako.

Siguro na miss mo lang si Angeline kaya mo iniisip ang babaeng yun.

Tumatango-tango ako.

"Oo baka nga na miss ko lang si Angeline." Pagpapaniwala ko sa sarili ko.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at Pinilit kung iwinaksi sa isip ko ang imahe ng babaeng yun.

Itinuon ko nalang yung pansin ko sa paggawa ng mga assignments ko.

Mas mabuti ito kaysa mag isip ng kung anu-ano.



-------------------------
*school*

Laine's POV

Naiirita na ako. Dahil sobrang ingay na ng mga kaklase ko.

Talak dito talak doon. Talak everywhere!!.

Haaayy buhay nga naman oh! Parang hindi nabubuhay yung mga tao kapag wala silang na ishare na kwento dito sa mundo.

Napabuntong hininga ako.

Isabay mo pa itong mga kaibigan ko. Nga kanina pa silang talak ng talak.

Wala naman akong maintindihan sa pinagsasabi nila.

Dahil busy yung utak ko sa kakaisip sa nangyari kagabi.

Hanggang ngayon hindi ko parin magawang kalimutan yung paghalik ni Ahmmel sa pisngi ko.

Kinikilig parin ako kapag naiisip ko yun.

Napangiti naman ako.

"hoy laine! Nakikinig ka ba sa amin?" Nakataas ang kilay na tanong sa akin ni faye.

"H-ha a-ah O-oo! Nakikinig ako." Nauutal ko namang sagot sa kanya.

Tinaasan naman nya ako ng kilay .

"Sigurado ka?" Hindi naniniwalang tanong nya sa akin.

Sasagot na sana ako. Pero dumating na si sir jensen ang teacher namin sa math.

Naku! Math na naman!

Tumayo na si sir. Sa harap namin.

Binati naman namin sya.

Nakangiti naman si sir sa aming lahat. Pero sa klasi ng ngiti nito ay parang may hindi magandang mangyayari.

Bigla naman kaming nakaramdam ng kaba dahil sa ngiti ni sir.

"Okay class, get 1 whole sheet of paper. May surprise exam tayo ngayon." Nakangiti nitong sabi sa amin.

Agad namang nagsi reklamo yung mga kaklase ko.

"Hala sir! Hindi pa kami nakapag aral eh!"

"Sir pwede sa susunod nalang yang surprise exam nyo"

"Sir, next meeting nalang po tayong mag exam"

Reklamong sabi ng mga kaklase ko.

"SILENCE!" Ma awtoridad na sabi ni sir sa amin.

Kaya agad namang nagsitahimik yung mga classmates ko.

Mr.  Cold Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon