Laine's POV
Nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa school ko.
Nang biglang may nasagip yung mga mata ko.
"Manong, paki hinto muna yung kotse."
Agad namang sumunod si Manong Juan.
"Sandali lang po ako."
Nagtataka namang tumango si Manong juan sa akin.
Bumaba na ako ng kotse. At nagsimula na akong maglakad papunta sa deriksyon nang batang lalaki na nagtitinda ng walis.
"Hi" naka ngiti kung sabi sa bata.
"Hello po ate. Bili na po kayo ng walis. Kahit isa lang po. Para po may makain ako ngayon.. Hindi pa po kasi ako kumakain simula pa po kahapon."
Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa batang ito.
Halata namang wala pa itong kinakain dahil sa sobrang payat na nito.
Tapos yung damit nya sobrang dumi na.
"Anong pangalan mo bata?"
"Keven po."
"Ahh. Kevs. Asan yung mga magulang mo?"
"Wala na po ang tatay ko. Samantalang yung nanay ko naman ay may sakit. Kaya po ako ang nagtitinda ngayon. Para po may makakain kami at makabili na rin ng gamot ng nanay ko." Malungkot namang sagot ni kevs.
Mas lalo tuloy akong na awa sa batang ito.
" nag aaral ka ba?"
"Opo. Pero mukhang hindi ako makakapasok ngayon."
"Naku, hindi pwede yan. Kailangan mong mag aral para sa kinabukasan mo. "
Sandali kung tinititigan si kevs.
Ang lungkot ng mga mata nya.
Lalo tuloy lumambot yung puso ko. Na aawa talaga ako sa batang ito.Ang batang-bata pa nya. Pero andami na nyang problemang hinaharap. Hindi nya dapat ito mararanasan.
"Ahmmm. Ganito nalang dahil napaka bait mong bata. Bibilhin ko tung lahat ng paninda mo. Para maka uwi kana sa inyo...para din makabili kana ng gamot ng iyong nanay." Naka ngiti kung sabi sa bata.
Bigla namang lumiwanag yung itsura ni kevs ng marinig nya yung sinabi ko.
"Talaga po" di makapaniwalang sabi nya.
Naka ngiti naman akong tumango sa kanya.
"Oh, ito oh. Bumili ka ng iyong makakain at gamot ng nanay mo."
Inabot ko naman sa kanya yung 3 thousands.
"Thank you po ate." Masayang sabi ni Kevs sa akin.
"Ate, Laine nalang yung tawag mo sa akin."
"Marami po talagang salamat ate laine."
"Walang ano man. Basta promise mo sa akin ah. Na magpakabait kang bata."
"Opo ate laine. Promise ko po yun." Naka ngiti nyang sagot sa akin.
"Aasahan ko yan ah."
Naka ngiti ko namang ginulo yung buhok nya.
"Oh, sige na. Umuwi kana sa inyo. Para makapaghanda kana papasok sa school mo."
"Opo. Marami po talagang salamat ate laine. Ba bye po."
"Walang anuman. Hehehe."
Masaya namang umalis yung bata.
Haayy. Sobrang gaan talaga ng loob kapag may natutulungan ka.

BINABASA MO ANG
Mr. Cold Prince (Completed)
JugendliteraturMeet..... Prince Ahmmel James Montaniel.. Gwapo, mayaman. Matalino, talented at higit sa lahat sobrang cold ng ugali nya. Posible bang ma inlove ang isang cold na lalaki sa maingay na babae at tatanga tanga??